EIGHT: GRIEF Lester's POV Nakahiga ako sa higaan sa infirmary ng school. Pinagmamasdan ko yung kisame, "32.. 33---" "Lester, bakit ka ba nagbibilang? Ang sakit sa tenga." Pagputol ni Drake sa pagbibilang ko. Masaya akong tumingin sakanya na ngayo'y nasa kanyang desk at nagsusulat.. dug. dug. Ngumiti ako, "binibilang ko yung seconds kung hanggang saan mo ba ako hindi papansinin. Yehey! Wala pang 1 minute at hindi mo na ko natiis kausapin~" Sabi ko sakanya't napailing naman siya.. "Sino ba naman ang hindi magpapatigil sa ingay mong yan?" Tumawa nalang ako't bumalik sa pagtingin sa itaas.. Lately, andito na lagi ako. Halos buong araw na, hindi na ako pumupunta sa klase para lang maparito. Hindi na rin ako sumasabay kay Rik pag uwi kahit na sinasabi niya sa aking magsabay kami.

