Ex-Girlfriend is back

836 Words
"Good morning. Nagluto ako ng mga paborito mo. Hali" "Di ka sana nag abala pa" di na niya natapos ang sasabihin ng biglang nag salita si Lucas. Di man lang siya nilingon ng asawa at tuloy-tuloy lang itong lumabas. "Lucas, sabado ngayon at wala kang pasok" pahabol niya rito pero natigilan naman siya ng limingon ang asawa. Bigla naman siyang nakaramdam ng takot sa uri ng tingin nito. "Lucas baka pwede dito ka muna mag breakfast. Kahit ngayon lang" Mahina pero tama lang yon para marinig ng asawa. "huh? Sa tingin mo mapapakain mo ko ng niluto mo?" Bigla namang namasa ang mga mata niya sa binitiwan nitong salita. Gusto sana niyang batiin ito sa kanilang ikatlong anibersaryo bilang mag-asawa pero as usual, lagi itong umaalis. Ni hindi man lang nito sinabi kong saan ito pupunta. *** "Boss kakalapag lang ng eroplanong sinakyan nila" Sabi ng kabilang linya. Napangiti naman siya. "Good. Dyan ka lang at wag mong aalisin ang paningin mo sa kanila." Pagkatapos niyang sabihin yon ay binaba na niya ang cellpone. Pagkatapos magbihin ni Lucas ay agad siyang lumabas ng kwarto. Napakunot naman ang noo niya ng makitang maraming inihandang pagkain ang asawa. di ba siya nagsasawa? hanggang kailan siya nitong ipaghahanda ng kakainin sa umaga at gabi? gusto niyang sermonan ito pero di niya ginawa. Kakatanggap lang niya ng magandang balita at ayaw niya masira ang araw nila pero makulit ang asawa. Para matigil ito ginawa niya naman yong lagi nitong ginagawa. naikuyom naman niya ang kaliwang kamao ng makita niyang yumoko ito. Alam naman niyang nasaktan niya ito pero ayaw niyang umasa ito na magkakaroon ng puwang sa puso niya. Sa tuwing naalala niya ang pamimikot nito sa kanya pigil na pigil siyang wag sugurin ito baka kung ano pa magawa niya. **** Nang makalayo ang sinakyan ng asawa, malungkot siyang bumalik sa loob ng bahay. Luhaang nakatitig na naman siya sa mga pagkaing inihanda niya. Naisip niya, tatlong taon na pala niya itong ginagawa pero ni isa sa mga niluluto niya ayaw tikman ng asawa niya. Ilang oras na lumipas magmula ng umalis si Lucas pero di pa ito umuuwi. Naghintay pa siya ng ilang oras pero walang Lucas na dumating kaya nagsimula siyang kabahan. Di naman ganito nararamdaman niya pag ginagabi ito ng uwi pero madaling araw na at di parin ito umuuwi. Tiningnan niya rin ang kanyang cellphone baka sakaling nag txt ito pero walang txt galing sa asawa. Gusto niya itong tawagin pero di niya magawa. Baka nagalit na naman ito kanina? naisip niya. "may nagawa na naman ba akong mali?" tanong niya sa kanyang sarili. **** "Anong ginagawa mo rito?" tanong ng babae kay Lucas. Di naman pinansin ni Lucas ang reaksyon ng babae ng makita siya. Sa halip dali-dali siyang lumapit dito saka niyakap ng mahigpit. he missed her. Tatlong taon na rin niyang hinintay ang pagkakataong dumating ang araw na ito kaya naman labis ang kanyang kasayahan. Bigla naman siyang tinulak nito kaya napakunot anh noo niya. Maya't maya napabaling ang tingin niya sa batang kasama nito. "Mister, who are you? Why did you hug my mommy?" tanong naman ng bata sa kanya. Naguguluhan naman siyang napatingin kay Jessy. " Ako ba ang tatay?" "oo. ano naman ngayon?" Sagot ni Jessy. Gustong bawiin ni Jessy ang kanyag sinabi pero ganon nalang ang pagkagulat niya ng biglang yakapin ni Lucas ang anak. *** Maghahating gabi na pero di parin umuuwi ang kanyang asawa. Kanina tumawag siya sa opisina nito pero sabi ng sekretary niya di niya ito nakita dahil wala itong pasok pag weekend kaya naman nag alala siya. "Sana di ko siya kinulit kanina " sabi niya. maya maya tumunog naman ang hawak niyang cellphone kaya agad niya itong sinagot. "maam, pinapasabi po ni Sir Lucas na hindi po siya makakauwi" sabi ng kabilang linya. Gusto niyang itanong kung nasaan ito pero biglang naputol ang tawag kaya napagpasyahan niyang matulog nalang. Lagi nalang ganito. Tatlong taon na sila mag-asawa pero pakiramdam niya wala siyang asawa. Mapait siyang napangiti ng maalalang siya lang may gusto sa kasalan na naganap sa pagitan nilang dalawa. "Di mo sana ginawa yon." "Ang alin"? tanong ni Lucas sa babae kahit alam niya ang ibig sabihin nito. "Hinihintay ka ng asawa mo kaya umuwi kana" pagtataboy ng babae sa kanya. "Kayo ang pamilya ko kaya di ko kayo iiwan. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na to. Bea, alam mo namang di ko siya mahal diba?" "naririnig mo ba ang sinasabi mo Lucas? matagal ng tapos sati-" "Pwede naman tayo mag simula diba? I can file a divorce" sabat ni Lucas. Kung hindi lang alam ni Bea ang pangyayari sa buhay ng dating nobya at asawa nito sa loob ng tatlong taon magiging masaya siguro siya pero hindi. Hindi niya kakayaning may lubos na mas masasaktan kapag pinagbigyan niya ang kagustuhan ni Lucas. Sabihin pang mahal pa rin niya ito pero hindi yon tama. Kasal na ito at siya naman, nagkaanak sa ibang lalaki kaya malabong maibalik ang nakaraan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD