“Ihinto mo na lang diyan sa tabi.” Bahagyang lumingon sa kanya si Dos saka inilinga ang mga mata sa labas ng sasakyan. Tulad ng utos niya ay inihinto nito ang kotse sa gilid ng kalsada. Inalis niya ang suot na seatbelt saka nakangiting nilingon si Dos. “Salamat sa paghatid.” “Dito ka nakatira?” nakakunot ang noong tanong nito at muling tumingin sa labas. Pasado alas otso na ng gabi pero may mga bata pang naglalaro sa labas ng kalsada habang sa di-kalayuan ay may ilang grupo ng mga kalalakihan na nag-iinuman na nakapalibot sa isang lamesang kahoy at nagkakasiyahan. “Yes,” she replied with another lie. Ang totoo ay hindi na nga niya kabisado ang lugar na iyon. It was the slum area where she stayed for a while when she got out of prison. It was the first place that crossed her mind w

