Savannah took a quick shower after she heard nothing from the outside. Naiinis na kinuha niya ang nag-iisang nakatuping roba sa loob ng cabinet at isinuot iyon. Humarap siya sa salamin at sandaling tiningnan ang sariling repleksyon. Hindi siya makapaniwala na nagawang magpigil ni Dos pagkatapos niyang gawin sa unang pagkakataon ang… Ipinilig niya ang ulo nang pumasok sa isip ang ginawa niya kanina. She wouldn’t dare imagine what she had done. Yumuko siya at marahas na pinahid ang bibig niya pagkatapos ay nagmumog. She narrowed her eyes while thinking of another scheme habang nakatingin sa malaking salamin sa harap niya. Hindi kaya, hindi na naaakit sa kanya si Dos? Kung ganoon man, gagawa siya ng paraan para maging kaakit-akin muli rito. Ilang sandali pa ay huminga siya nang malali

