Savannah gracefully walked towards the arrival exit at the airport while dragging her suitcase. Pagdating sa labas ay tumigil siya sandali upang hintayin ang sundo niya. Sa likod ng malaking itim na sunglasses na suot niya ay inilibot niya ang mga mata sa paligid. Mahigit isang taon din siyang nanatili sa ibang bansa at dapat sana ay pananabik ang nararamdaman niya sa pagbalik niya ngayon pero kabaliktaran noon ang kasalukuyan niyang nararamdaman. Iniikot niya ang mga mata at paismid na kinuha ang cellphone niya upang ipalaam na nakarating na siya pero napatigil siya nang tumigil ang isang itim at magarang sasakyan sa harapan niya. Napangisi siya nang bumukas ang pinto at lumabas mula roon si Hayson habang malapad ang ngiting lumapit sa kanya. “Hi there, Savvi! Welcome back!” he gree

