KABANATA 29 Bagsak balikat akong umuwi ng bahay namin ni Lorence. Pasado alas singko na at wala pa rin siya. Agad akong pumasok sa kwarto at nag tungo naman sa banyo. Kanina pa ako pawis na pawis dahil sa init ng panahon kaya't naisipan ko muna na mag ligo. Papasok na ako sa bathroom ng mag ring ang ang aking cellphone. Kinuha ko ito at sinagot. Kausap ko si Auntie Bell habang nag lalakad paloob sa bathroom. “ Nami- miss na kita Maria. Kumusta ka riyan?” Napa ngiti ako at binaba na ang sarili sa bathtub. “ Ayos lang naman ako Auntie. Bakit naman mami- miss ninyo ako kung iisa lang naman ang mukha namin ni Marry? ” Tumatawang sambit ko pabalik. Napa buntong hininga si Auntie at kung narito lang siya ay marahil kanina pa niya ako kinurot. “ Ikaw talagang bata ka. Alam mo naman na hi

