Ilang beses kong pinikit at mulat ang aking mga mata. Nasa harap ko ngayon si Lorence na naka tapis lang ng twalya. Ang sarap niyang pag masdan. Mula sa gwapo niyang mukha patungo sa kanyang makisig na katawan na tinutuluan pa ng gabutil ng tubig mula sa kanyang buhok. Napaka hot niya talaga. Mas gwapo siya kay Uno sa aking palagay lang naman. “ Titingnan mo na lang ba ako? Hanggang titig ka na lang ba sa katawan ko Natasha? ” Napa kurap kurap ako at hindi alam kung ano ang gagawin. Napa ayos ako ng upo sa kama. “ A- Ako? H- Ha? ” Utal kong sabi. Ngumisi siya at nag lakad palapit sa akin. Grabe! Nakaka takot naman ito. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. “ Pagod ako sa trabaho Natasha. Ilang araw din late ako umuwi at maaga umaalis sa bahay. ” Tinaasan ko siya ng kilay. Nilayo ko

