KABANATA 31 “ Naku girl! May problema tayo. ” Nangunot ang aking noo at natigil sa aking ginagawa. Kausap ko ngayon si Cydia sa cellphone at ito ang bungad niya. Papunta kami sa bahay ng parents ni Lorence at bigla naman siyang tumawag. “ Ano? Malaki ba? ” Kabadong tanong ko. “ Hindi ko masabi kung maganda ito o hindi para sa'yo. Pero, kasi Maria si Uno narito. Narito ang asawa mo sa private hospital na kinarooronan namin ng kambal mo. ” Malutong akong napa mura. Ipinikit ko ang aking mata ng mariin at huminga ng malalim. Nag pabalik balik ako sa pag lalakad dahil sa kaba. “ Tapos? Anong nangyare? Hindi naman niya nakita si Marry di ba? ” Sana naman ay hindi. “ Hindi pa pero, nakita niya ako at si Auntie Bell. I'm afraid that he would come and see Marry too. ” Napa tampal na n

