“ Have you checked it? ” Tanong ko kay Jade mula sa kabilang linya. Na traffic daw si Lorence kaya't hanggang ngayon ay wala pa. Abala ako sa pag hahanap ng aking isusuot habang kausap ko naman si Jade. Naka robe pa rin ako at basa ang buhok. May gusto akong malaman dahil nadulas na kanina si Marine. Nalilito ako kung kapatid ba s'ya ng mommy ni Lorence o kapatid ba siya ni Lorence. Tinawag kasi nitong daddy ang ama ni Lorence instead of Kuya. Baka isa itong lihim ng mga Del Mundo na hindi rin alam ni Lorence. “ Yes. Marine Del Mundo Bueno, 38 years old anak sa labas ni Mr. Limzer Del Mundo. 17 years old ng mabuntis ng daddy ni Lorence ang kapatid ng mommy niya. ” Napa takip ako sa aking bibig habang nag lalaro ang mga detalye sa aking isip. “ Namatay ang ina ni Marine ng siya ay i-

