KABANATA 6

1520 Words
KABANATA 6 Nagising ako sa tama ng sinag ng araw. Ang hub*d na katawan ko ay nababalot lamang ng makapal na kumot. Naupo ako at nakita ko si Uno na naka tayo sa bukas na pinto. Umiinom siya ng alak ay naka titig ito saakin. Tinablahan agad ako ng hiya ng maalala ko ang nangyare saamin kanina. Pinakalma ko muna ang aking sarili dahil alam ko naman na tawag lang ng laman ang naganap sa pagitan namin ni Uno kanina.. Wala ng iba dahil pinakasalan lang naman niya ako para makuha niya ang yaman na dapat talaga ay sakanila. “ Gising ka na pala. Magkano ka ba Maria? ” Agad nitong tanong na nakapag painit sa aking ulo. Marahil, ganito rin siguro ang ugali ni Lorence na asawa ng aking kambal na si Marry. “ Anong akala mo sa'kin? Madadala mo sa pera pera mo? Ang kapal naman ng mukha mo. ” Asik ko rito. Tinitigan niya ako ng matalim sabay tapon sa basong hawak niya sa sahig. Mabilis siyang lumapit saakin at madiin na pinisil ang aking braso. “ Binayaran ka lang naman ng kapatid ko. Alam kong tulad ng ibang babae ay pera lang din nag habol mo sakin.. Hindi ba't ganon ang ginawa mo noong nasa loob tayo ng b*r? Binili ko pa ang isang gabi mo maligayahan lang ako. Mukha kayong pera! Pare pareho lang kayo! ” Singhal nito at mas diniin ang kanyang kapit saakin. Napa tulo agad ang luha ko ngunit agad din akong naka bawi. “ Ikaw! Di ba binili mo ako kapalit din ng pera at mana na makukuha mo sa Lolo mo? T*ng*na! Niloko mo ang sarili mong Lolo! ” Hinawakan niya ang aking panga at naka titig sa aking mga mata. Ganito ba talaga kalupit ang mga taong mayaman? Magaling mang alipusta ng mga mahihirap? “ Ginawa ko iyon para sa huling ng Lolo ko. Iyon lang ang makakapag patahimik sakanya. Alam kong pagod na pagod na rin ang kanyang katawan. Kaya't h'wag na h'wag mong binabaling saakin ang mga tanong ko. Wala kang alam sa buhay ko babae! ” Mariin akong napa pikit. May poot at pait ang kanyang bawat bigkas ng mga salita. “ Wala ka rin alam sa buhay ko kaya't h'wag mo akong husgahan! Wala kang karapatan. Nagagawa kong mag pabayad para sa aking pamilya na kailangan ng malaking pera. Wala kang alam Mr. Uno Cholver. Wala kang alam! ” Umiiyak na sambit ko. Binitawan niya ang aking braso at panga na mahapdi na dahil sa higpit ng hawak niya. “ Hindi ko gustong kumalat ang usapin patungkol sa pagiging mag asawa natin. Malaya kang gawin kung ano man ang nais mo ngunit, kapag tinatawagan kita kailangan mong sagutin. At kapag may inuutos ako sa'yo kailangan mong sundin. Umakto ka na parang asawa mo sa harap ng pamilya ko. ” Wow napaka galing naman niya. Hindi ko naman talaga ginusto na maikasal sa isang tulad niya. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng malaking pera para kay Auntie at sa kambal ko, malamang ay hindi ko sasapitin ang ganitong buhay. Sobra sobra siguro ang karahasan na dinanas ng aking kapatid sa kamay ng iba't ibang taong mayayaman. Ginawa nilang laruan ang aking kapatid. “ Anong ibig mong sabihin? ” Naguguluhan na tanong ko. “ Asawa lang kita sa papel. Malaya kang gawin ang gusto mo tutal kahit anong gawin ko, pera lang naman ang habol mo. ” Sa galing niyang mang insulto ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na masamp*l sila. “ Napaka sama mong tao! Wala akong interest sa yaman mo. Isaks*k mo sa baga mo! Kailangan ko lang ng perang pang gamot ni Auntie at pang pa opera ng kapatid ko. Matapos mong makuha ang gusto mo at apakan ang aking puri, ganyan mo ako itrato. Wala kang kasing sama Uno! ” Tinulak ko siya palayo. Hinablot ko ang damit sa ibabaw ng kama at mabilis itong isinuot. Napa tulala lang saakin si Uno. Umiiyak na nilisan ko ang kanyang malaking bahay. Wala akong pake alam kung mag asawa man kami ngayon. Hindi pa ako handa sa bagay na iyon. Naka balik ako sa bahay ni Cydia. Bakas ang pag aalala sa kanyang mukha. Agad siyang nag tanong at inabutan ako ng tubig. “ Anong nangyare? Kinasal ba kayo talaga? Bakit ngayon ka lang Maria? ” Pinahid ko ang luha ko at nag simulang mag kwento sa aking kaibigan. “ Hindi ko maintindihan. Bakit ganon silang mga mayayaman? Anong kasalanan nating mga mahihirap sakanila? ” Humihikbing tanong ko. Niyakap ako ng aking kaibigan at hinaplos ang aking buhok. “ Wala tayong kasalanan sakanila. Sadyang may mga tao lang talaga na mapag mataas. Anong balak mo? Babalik ka ba kay Uno? ” Mabilis akong umiling kay Cyd. “ Hindi. Hindi ko pa kaya. Ayon din naman sakanya ay gawin ko ang gusto kong gawin dahil mag asawa lang naman kami sa papel. Sa dinanas ko sakanya kanina, napa isip ako bigla. Ganon siguro ang dinanas ang aking kambal sa pamilya ni Lorence at sa iba't ibang mayayaman na taong kina sangkutan niya. Tapos ngayon ay heto at nagiging mahina ako. ” Kahinaan ko ang mapag taasan ng boses o ang mapag salitaan ng masasakit na salitang hindi naman totoo. Masakit iyon tanggapin saakin. “ Kailangan mong maging matatag Maria. Paano ka gaganti niyan? Naka p*tay ka na nga ng kalaban mo, ngayon ka pa ba pang hihinaan ng loob? Unti unti ay matutupad din ang plano mo Maria at aayos din ang buhay ninyong mag kapamilya. ” May tama rin naman s'ya. Kailangan ko talagang maging malakas at matatag. Ng kumalma ako ay kumain lang ako ng kaunti bago ako lumisan. “ Bakit ngayon ka lang Maria? At saan galing ang malaking pera? Sabihin mo benenta mo na ba ang katawan mo? Nahihibang ka na ba anak? ” Mga tanong na bungad agad saakin ni Auntie Bell. Nasa hospital ako para dalawin si Marry na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Nakaka durog puso ang makitang ganito ang aking kambal. Hindi ko kaya kailangan gumaling ang aking kapatid. “ Auntie —” Agad niyang pinutol ang sasabihin ko. Matalim niya akong tinitigan. Kasabay ng isang samp*l nito sa kaliwang pisnge ko. “ H’wag mo na akong sagutin pa. Sa laki ng perang ito hindi na nakakapag duda. Bakit mo nagawa yon Maria? Hinain mo ang puri mo sa isang mayamang lalaki para lang sa pera. Hindi ka na ba nag iisip Maria? Naging mababang uri ka na ngayon. ” Napa iyak ako. Maski si Auntie ay nagawang saktan ako. Hindi niya rin matanggap na pumatol ako sa ganon. Punong puno na naman ng isipin ang utak ko na kanina ay kalmado na. “ Auntie! Para sainyo ni Marry iyon. Kahit kapalit ay kalayaan at kasiyahan para sa'akin ay ayos lang. Kung katumbas man nito ay gumaling kayo. Auntie pasensya na pero, hindi ko nais na kahit isa sainyo ni Marry ay mawala sa'akin. Mababang uri man ako ng babae, madumi man kung iisipin pero, wala akong ibang mabilis na paraan na alam. Pasensya na Auntie. Hindi ko ginusto ngunit, wala akong ibang pag pipilian. ” Hindi ko napigilan na mapataas ang boses. Alam kong mali ang ginawa ko ngunit, para naman sakanila iyon. “ Maria anak. Bakit napaka maka sarili mo naman? Pwede naman umutang si Auntie at mag hanap buhay maka ipon lang tayo. Bakit mo naman sinolo? ” Pati si Auntie ay napa iyak na rin. Mahigpit niya akong niyakap kaya't umiyak ako sa kanyang balikat. Maka ilang minuto ang lumipas habang pinu- punasan ko ang katawan ni Marry na maraming pasa ay tumunog ang kanyang basag na cellphone. Nag tinginan kami ni Auntie at saktong pag bukas ng pinto. Pumasok naman si Cydia. Lumapit ako sa cellphone ni Marry at unknown number ang tumatawag. Sinagot ko ito at nanatiling tahimik lang. Pinapakinggan ang bawat salita mula sa kabilang linya. “ Nath? We're the h*ll are you? Bakit ngayon mo lang sinagot ang mga tawag ko? Come back home baby. You still have unfinish work.” Sa inis ko ay binaba ko ang tawag. Marahil nga ay ito si Lorence na kanyang asawa. At ano? Iba rin pala ang pangalan ni Marry? Pinag hahanap na siya ng pamilya ni Lorence ngunit wala niisang bakas ni Marry ang naiwan. “ Auntie. Kailangan ko ng kumilos bago pa nila matunton si Marry dito ay kailangan na niyang madala sa ibang bansa para maipagamot. Kayo ang mag asikaso kay Marry Auntie mag pagamot na rin kayo doon.” Bilin ko rito. Puno ng pangamba ang mga mata ni Auntie. “ H'wag kayong mag alala sa'kin auntie kaya ko ang sarili ko. Hindi ako maaaring umalis ng pilipinas. Kasal na ako Auntie at sa tingin ko ay malapit na rin mag tagpo ang landas namin ni Lorence. Hindi ko alam kung ano ang magaganap pero, kailangan kong harapin ang nalalapit na mga problema. ” Buo na ang desisyon ko. Kailangan kong mag sakripisyo para sa pamilya ko. Unti unti ay mas magiging matatag at malakas ako. Katarungan ang nais ko para sa aking kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD