KABANATA 3

2510 Words
KABANATA 3 Gabi na at nasa club na ako upang mag trabaho. Narito rin kasi ang first target ko. Ang buhay niya ay nasa alak lang. Hindi dapat mabigo ang unang misyon ko. “ May iba pa po ba kayong order? ” Tanong ko sa customer. Umiling lang naman ito kaya umalis na ako. Nag tungo ako sa isang vip room para mag dala ng alak. Lihim akong napa ngiti ng makita ko ang isang lalaki na nasa 40's na siguro. Ito pala si Mr. Benundo. Inilock ko ang pinto at lumapit sa matandang nag iisa ngayon sa kwarto. Inilapag ko ang alak ay agad nitong hinawakan ang aking kamay. Bakas ang gulat sa kanyang mga mata ng makita niya ako. “ Na- Natasha? ” Utal na usal nito. Ngumiti ako sakanya at naupo sa kanyang tabi. “ Bakit parang gulat na gulat kayo Mr. Benundo? Hindi ba kayo natutuwa na makita ako? ” Napa lunok siya ng ilang beses. “ Bakit ka narito? ” “ Hindi ba obvious na nag ta- trabaho ako rito bilang waitress? Gusto n'yo ba akong maikama muli? ” Mapang akit kong tanong. “ Tapos na ang kontrata mo sa'akin Natasha. Hindi ko nais na mag away kami ng aking asawa. Heto ang pera at wag na wag ka ng mag papakita saakin. ” Makapal pala ang bulsa talaga ng matandang ito. Nilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga at bumulong ng mapang akit. Sabay pagapang ng aking kamay sa kanyang hita pataas sa kanyang pagka- la la ki. “ Hindi ko gusto ng pera n'yo. ” Ilang beses siyang napa lunok. Pinag pawisan ng malamig at malakas ang kabog ng dibdîb. Palihim kong inilabas sa aking likod ang isang k*tsilyo. “ A- Ano? ” Nangangatal na tanong niya. Para ba siyang naka kita ng multo ngayon. Ini- lapit ko sa kanyang leeg Ang k*tsilyo. Hindi siya maka galaw o maka imik man lang. “ Ang inyong buhay. ”. May pang gigigil na saad ko. “ M- Maawa ka. K- Kailangan ako ng aking pamilya. ” Utal Saad nito. Kinuha ko ang kapiraso ng papel at ballpen sa aking bulsa. At nilapag ito sa harap niya. “ Gusto mo bang ang pamilya mo ang idamay ko? Kung hindi ay sumulat ka ngayon din ng s*icidal note. H'wag kang mag alala hindi naman kita p*p*tayin. ” Utos ko rito. Nanginginig ang kanyang kamay na kinuha ang ballpen at sumulat ng ilang pangungusap. Taas kilay ko itong sinambot at napa ngiti ako ng nabasa ko ito. “ Good. Then, inumin mo na ang alak mo gusto kong ubos lahat ng ito. ” Binuksan ko ang bote ng beer at binigay ito sakanya. Wala siyang nagawa kundi ang inumin ito. Naka tutok pa rin sa kanyang leeg ang matalim na k*tsilyo. Lumayo na ako sakanya ng maubos niya ang alak. Tumayo ito at pinag masdan ko kung paano niya ako sugurin. Ang kaso nga lang ay hindi na siya umabot sa kinatatayuan ko. Agad bumula ang kanyang bibig at nangisay na lang sa aking harapan. Nang masigurado ko ng wala na itong buhay ay agad kong binuksan ang pinto bago sumigaw at humingi ng tulong. “ Anong nangyare dito Maria? ” Umakto ako na umiiyak ng dumating na si Boss at ang ibang tao. “ Hindi ko po alam boss. Pag pasok ko po ay ganyan na siya nangingisay at agad din binawian ng buhay. ” Umiiyak kong saad na para ba akong apektado sa nangyare. Umakto pa akong nanghihina at mawawalan ng malay. “ Sir nag suic*de po siya. Nakita po namin itong sulat sa kanyang mesa at ang lason sa kanyang inuupuan kanina. Hinalo niya ata ito sa alak na kanyang ininom. ” Ulat ng isang guard. Napaka galing talaga. Mabuti na lang may utak pa akong natitira. “ Maria? Maria gumising ka! Mag madali kayo tawagin n'yo si Cydia. Ilabas n'yo na rin itong p*t*y na customer. ” Kahit naka pikit ako ngayon at nag papanggap na nahimatay ay naka ngiting tagumpay ako. Bakit hindi? Naisagawa ko ng maayos ang Plano ko. Hindi ko alam na may kontrata pala ang kambal ko sa bawat lalaki. Well, let's see kung ganon. “ G*g*! Gumising ka na riyan wala na sila boss.” Dinilat ko ang isang mata ko para siguraduhin na wala ng ibang tao. Agad akong umayos ng upo sa kotse ni Cydia at napa hagikhik. Napa iling na lang sakain ang kaibigan ko. “ Okay ba? Practice pa lang iyon. ” Napa irap siya sa Tanong ko. “ Anong ginawa mo? Paano mo s'ya napat*y ng ganon kadali lang? ” Tanong niya. “ Secret. Heto kabahagi mo para may ipon ka na pang kasal n'yo ni Jade. ” Nasa bulsa ko pa ang perang inabot ng matanda saakin kanina. At nag hati kami ni Cydia dito. “ Nice! Galingan mo pa pag arte mo. Bukas na tanghali naman si Mr. Joselito. May appointment ito sa resto kaya't harangin mo na. Mag suot ka ng maskara dahil baka mahuli ka. ” “ Hindi ba pwedeng gabi? ” Tanong ko. Delekado kasi kapag umaga. “ Hindi. Kapag gabi ay nasa bahay lang siya o kaya ay nasa bahay ng kabît niya. Kailangan makuha mo ang 35 percent share sa company niya. Gagawa ako mamaya ng contract para ipa- sign mo. Tapos hahanap ako ng lumang building na pinapa- hanap mo. Okay ba? Gets? ” Malaking tulong ang 35 percent. Pero, Hindi ito dapat sa aking kamay kundi sa kamay ng asawa niya. “ Pwede ko bang malaman ang info ng sunod na matanda? Pati ang asawa nya? ” Tumango si Cydia. Kinuha niya ang kanyang cellphone at inabot saakin. Mag simula na siyang mag drive ulit pauwi sa bahay niya. “ Joselito Norge 47 years old. May 4 na anak at isang house wife ang asawa na dating namamahala ng Merge Company? Wow! Kanila pala ito? Di ba sikat ang Merge? ” “ Oo. May contract si Natasha d'yan 2 weeks sa kama ng matandang yan. Kapalit noon ay ang makukuha ng pamilya ng asawa niya na 5 percent share. ” Naikuyom ko ang aking kamao. Ginamit nila ang kambal ko para sa pera at kasikatan. Hintayin lang nilang umangat ako at maka apak sa bahay nila. Ako mismo ang maniningil ng malaki! “ Teka! Sundan mo nga ang van na 'yan Cydia. Pamilyar ang van na yan. May kutob akong Hindi maganda d'yan e. ” Agad naman niyang niloko ang kotse niya at sinundan ang puting van. Tumigil ito sa 9th street subdivision at pumasok sa isang malaking bahay. “ Anong meron? ” “ Lorence ang pangalan ng lalaking lulan ng van. Napapa isip ako kung siya ba ang Lorence na asawa ng kambal ko. Malakas ang kutob ko Cyd. ” Sinilip ko pa ang malaking bahay na kulay grey bago ni Cyd pa andarin muli ang sasakyan. “ Pero di ba out of town si Lorence?” “ Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung may alam talaga siya sa nangyayare sa asawa niya. O baka naman may ibang babae talaga si Lorence at pati siya ay mina- maltrato ang kambal ko. Cyd wala na akong masyadong oras. Husto na ang pag hihirap ng kambal ko.” Naiiyak sa gigil na sambit ko. Kinalma ako ni Cyd. Hinatid niya ako sa bahay at binilin na mag pahinga akong mabuti. Gagawa raw siya ng paraan para mapa bilis ang lahat. Madaling araw na at naabutan ko si Auntie na nasa salas. Haplos haplos niya ang litrato ng aking yumao na ama. Hindi ko talaga kilala kung sino ito talaga. Ang alam ko lang ay ang pangalan ni papa. Nag tataka na rin ako kay Auntie bakit lagi niyang tinitingnan ang larawan ni papa. Parang may iba dito. “ Bakit ngayon ka lang? Mag aalas kwarto na Maria. ” Minsan ay para bang gusto ko na lang tawagin mama si auntie pero ayaw naman niya ata at ako rin ay nahihiya. “ May dinaanan lang po kami ni Cyd. ” Sagot ko. binaba niya sa mesa ang litrato ni papa. “ Maupo ka mag usap tayo. ” Kunot noo akong nag tataka. Naupo ako sa tapat ni auntie. “ H'wag mo ng ituloy ang binabalak mong pag hihiganti at pag bawi kay Marry. Hindi ko na gusto na pati ikaw ay mawala sa'akin. ” Seryosong sabi nito. “ Auntie hindi naman ako mawawala. Gusto ko lang bawiin ang kapatid ko sa pamilya ni Lorence! ” “ Maria makinig ka! Matanda na ako at hindi ko na kaya pang mawalan ng taong mahal ko sa buhay. ” Anong ibig niyang sabihin? “ Hindi n'yo ako mapipigilan auntie. Maingat naman ako sa bawat hakbang ko. Kung kinakailangan kong ipain ang sariling katawan ko makuha ko lang si Marry ay gagawin ko. Auntie hindi ko na rin gusto na mina maltrato nila ang kambal ko. Unti unti akong nawa- wasak Auntie! Ang sakit sakit dito! Kambal ko s'ya at wala man lang akong magawa para sakanya. ” Hindi ko na pinigilan ang luha ko. Hindi ko alam kung ano ang nais iparating ni auntie. Alam kong mahal niya ako pero, hindi ba't goal namin na mahanap si Marry at maging magkaka sama muli kaming tatlo? Bakit ngayon umaatras s'ya? Anong nangyare? “ Nasa alanganing sitwasyon ang buhay ni Marry. Malulupit ang mga mayayaman Maria. Naranasan ko rin makisama sa kanila at natalo ako tulad ni Marry. Kaya't h'wag mo ng subukan pa. ” Anito at napa tayo. “ Auntie kahit ika mat*y ko babawiin ko si Marry! ” “ Manahimik ka dahil wala ka ng babawiin Maria! Tapos na ang pag hihirap ng kapatid mo. Tapos na Maria! tapos na! ” Malakas ang kanyang boses at napa hagolgol na ng iyak. Naguguluhan ako at biglang nanghina ng unti unting mag proseso sa utak ko ang sinabi ni Auntie. “ T- Tapos na? Paanong tapos na Auntie?” Umiiyak kong tanong. “ Dahil p*t*y na si Marry! ” “ Ano po ang sinasabi n'yo auntie? Naka kulong lang siya sa bahay ng asawa niya. ” At kasalukuyang may naka salang na contract ito sa isang matanda. “ Hindi mo ako naiintindihan Maria. Wala na si Marry pat*y na s'ya. Tumalon daw ito sa isang building at winakasan ang buhay niya. May naka kita na isang taong kakilala ka at inakala nilang ikaw iyon. Kaya't maliwanag na nag paka m'atay ang kambal mo Maria. Sobrang napagod na s'ya sa buhay niya. Kaya't pwede ba manahimik ka na lang. ” Napa tulala ako at napa titig sa mesa habang patuloy ang pag agos ng aking luha. Hindi ko inaasahan na kung kailan na maililigtas ko na ang kambal ko ay doon naman niya wawakasan ang buhay niya. Napaka daya naman niya. Hindi ko matatanggap ang nangyare at mas lalo akong hindi matatahimik. Mag babayad ang may sala! Agad akong tumayo at buong lakas na nag lakad palabas ng bahay. “ Maria! Saan ka pupunta! Bumalik ka rito wal ka pang pahinga! Maria! Maria! ” Mga sigaw ni Auntie ngunit hindi ko siya Pina kinggan. Nanginginig ang buo kong katawan. Nag lakad ako ng tulala hanggang sa may nakita akong isang lalaki na mino- moles ya ang isang minor na bata. Dala ang matinding galit ko at pandidilim ng aming mga mata ay sinugod ko ang lalaki at kinitilan ko ito ng buhay gamit ang isang cutter na paulit ulit kong pinang h*wa sa kanyang katawan. Umiiyak pa rin ang bata ng lapitan ko ito. “ Ayos na. H'wag ka ng umiyak. Heto ang tsokolate saiyo na ito. Saan ba ang bahay mo? ” Nangingig ang kanyang mga kamay ng kunin niya ang tsokolate sa aking kamay. “ Pa- Puno po kayo ng dugo ate. Ayos lang po ba kayo? ” Umiiyak niyang tanong. Kahit pa- paano ay kumalma ako ng makita ko ang walang buhay na lalaki. Nakaka satisfied pala makakita ng maraming dugo. “ Ayos lang ako. Ihatid na kita sa bahay n'yo.” Umiling Ang bata kaya't nag taka ako. Base sa punit na damit niya ngayon ay mayaman siya. Paano siya naligaw dito saamin? “ Hindi na po kailangan. Pero maraming salamat po Tita. Hindi ko na po kayo aawayin ulit. Paalam po. ” Natigilan ako sa mga sinabi ng batang ito. Nasa edad kinse anyos o trese lang ata siya. Agad itong tumakbo palayo at iniwan akong naka tulala. Tita? Hindi na ako aawayin ulit? Sino ba ang batang iyon? May koneksyon ba siya sa kambal ko? Bakit parang kilala niya ako? At bakit siya nagawi rito? Bagsak balikat akong bumalik sa bahay at heto nadagdagan na naman ang aking isipin at problema. “ Jusq namang bata ka! Anong nangyare sa'yo? Bakit ka duguan Maria? ” Nag aalalang tanong ni Auntie. Ngumiti ako sakanya ng pagod. Nahihilo ako at nag didilim ang aking paningin hanggang sa mawalan na nga ako ng malay. Dala ng matinding pagod, puyat at pag iisip. Hindi ko alam kung sino ba ang batang iyon o kung totoo man na p*t*y na ang kambal ko. Pero kailangan kong maging malakas para sa mga susunod na kabanata ng aking buhay. Hindi ako makaka payag na walang hustisya para sa aking kapatid. Kung hindi ko man makita ang aming Ina para mapag bayad sa mga kasalanan na ginawa niya, kahit kambal ko na lang sana ang maibalik saakin. Sana ay buhay pa s'ya. Sana ay hindi pa huli ang lahat para saamin. “ Maria! Salamat naman at gising ka na anak. Sandali at tatawagin ko lang ang doctor. ” Tumango ako kay Auntie. Pumasok naman si Cydia na may dalang pagkain. Agad siyang naupo at pinisil ang aking kamay. “ Bakit ka narito? Hindi ba sinabi ko na mag pahinga ka ng mabuti? ” Usisa nito. Mataas ang tono ng kanyang boses at hindi natutuwa na makita ngayon ako dito sa loob ng hospital. Kasalanan ko pa ilang araw na akong walang tulog? Nakaka stress ngayon ang lagay ng buhay ko. Mabuti na lang at walang naka kita sa ginawa ko kaninang umaga. Dahil kung hindi ay baka sa kulungan ang abot ko nito. Hindi tama iyon. Mas Hindi ko maipag hihiganti ang aking kambal. Sana lang ay wala talagang naka kita at sana ay naka uwi na ang bata kanina na kamuntikan ng magah*sa. “ May napa tay ako Cyd. At may naka usap akong bata kanina. Sa tingin ko ay may koneksyon ito sa kambal ko. ” Namilog ang kanyang mga mata. “ Hindi kaya siya ang step daughter ng kambal mo? Balita ko ay nawawala ang dalawang anak ni Lorence. Sinundan daw ng mga ito ang Tita Natasha nila ng umalis sa bahay na hindi kasama ang mga bodyguard. Tapos ay kinabuksan ng pag alis nito ay hindi na ito naka balik pa ng mansyon. Nagpa tiwakal ang kambal mo ngunit, hindi pa makita ang katawan nito. May posibilidad na buhay pa s'ya Maria. Hindi pa huli ang lahat kaya kumilos ka! ” Nabuhayan ako ng loob sa sinabing ito ni Cyd. Sana nga ay hindi pa huli ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD