Chapter 27

1130 Words
"Is that Mikee Antipolo?" Napalingon si AJ sa kaniyang director nang marinig n'ya ang boses nitong binanggit ang pangalan ng isang tanyag na photographer abroad. Nakita n'yang nakatoon ang mga mata ng kanilang director sa kanang bahagi kaya sinundan n'ya iyon at naroon ang taong may-ari ng pangalan na sinambit nito. Kasama nito si Shawn na may malawak na ngisi nang magtama ang kanilang paningin. Kumaway si Shawn kaya maging si Mikee ay napatingin din sa gawi n'ya. Ibinalik n'ya ang tingin n'ya kay Shawn habang naglalakad ang dalawa papunta sa kung nasaan s'ya. Hinahanap n'ya sa mukha ni Shawn ang possible resemblance nila ni Vince pero wala s'yang makita. Bukod sa hindi naman talaga maitatanggi ang pagiging magandang lahi ang pinagmulan nilang dalawa ay wala talagang bakas ng pagiging magkapatid sa dalawa. "Damn! I know you are already a big star but you still made the people like interested about you like this would be the very first time to witness your capability," nakangiting sambit ni Mikee nang makalapit ang mga ito sa kaniya at saka bumeso. Dinig na dinig n'ya ang impit na kilig mula sa kaniyang dalawang kasama — ang kaniyang manager at ang kaniyang assistant. Nakangiti n'yang tinignan ang dalawa at agad itong tumingin sa malayo na para bang hindi ng mga ito alam na tumingin s'ya. Ibinalik n'ya ang kaniyang tingin sa mga lalakeng nasa harapan n'ya at nginitan ang mga ito. "Thank you," simpleng pasasalamat n'ya sa compliment na binigay nito sa kaniya. Guwapo si Mikee, wala rin itong itulak kabigin at sa tingin n'ya ay isa ito sa klase nang tao na madaling pakisamahan. She had much of count of acquaintances in showbiz industry though she never think of them her friends. Tama na na may inisip s'yang pamilya sa kaniyang team, sapat na iyon. "Are you free for dinner? I wonder if we can go to the restaurant I first laid my eyes in here," sambit naman ng binata. "So, if I am not mistaken, you guys already met each other before this meeting?" Nakangiting saad ni Shawn at palipat-lipat ang tingin sa kaniya at kay Mikee. "Yes, one time, she had a photoshoot with the photographer that happened to be a good friend if mine. I was able to meet her before I met you," sagot ni Mikee kay Shawn. Tumaas ang kilay ni Shawn dahil sa sinabi na iyon ni Mikee. Maraming beses na n'yang naramdaman ang kakaibang tingin ni Shawn sa kaniya, hindi naman s'ya tanga, pero ayaw n'ya rin naman iyong suplahin dahil baka na-missinterpret n'ya lang din naman. Masyado na lang yata s'yang nadadala sa kaniyang pagiging artista at na-aapply n'ya na sa totoong buhay ang mga eksena na madalas nangyayari sa pelikula o sa soap na ginagawa n'ya. Nasa paligid pa rin ang mga media at kaya hindi n'ya matanggal ang ngiti sa mukha n'ya kahit na ngalay na ngalay na s'ya at gusto na n'yang umalis sa lugar na ito. "Well, AJ, she's one of the most in-demand and sought after actress and model in her generation. Her projects are non-stop that is why she is kind of busy," saad ni Shawn sa isang hilaw na ngiti. "Excuse me guys and Mr. Guevara, but I want to borrow first for we still have an interview exclusive with the channel." Napatingin si AJ sa kaniyang direktor nang marinig n'ya ang sinabi nito at halos pasalamatan n'ya ang langit dahil sa pagsulpot into. Hinanap ng kaniyang mga mata ang kaniyang manager pero hindi n'ya iyon nakita tanging ang kaniyang assistant na lang na si Rina ang naka-upo sa upuan. *"Nasaan na naman kaya ang baklang iyon,"* aniya sa isip. "Yeah, sure. But AJ, how about my invitation?" ,nakangiting tanong pa sa kaniya ni Mikee at alam na n'ya kung ano ang tinutukoy nito. Sinulyapan n'ya ang boss na si Shawn at diretso habang seryoso itong nakatingin sa kaniya na tila ba hinihintay din ang kaniyang sagot. "Mr. Antipolo----- "Mikee." Pag-putol nito sa kaniya. Napangiti s'ya ng pino dahil sa sinabi nito. "Mikee, well, I am sorry if I have decline your invitation for tonight, the entire team will be having our victory dinner together. If you want, you can come an join us, I bet Mr. Shawn Guevara will be joining as well," saad n'ya dito. Malawak ang ngiti ni Shawn na tumabi ng tayo sa kaniyang gilid at pasimpleng hinawakan at hinaplos ang kaniyang braso. Bahagyang nag-react ang kaniyang katawan at umakto nang paglayo dito. Napapikit s'ya nang bigla na lamang may camera na nag-flash sa kaniyang mata. For sure after this day, she will be seeing photos of her and Shawn together scattered in the social medias. "Well, if I am welcome to come with you guys, why not," nakangiti na para bang excited na sambit ni Mikee kaya napangiti s'ya. This person is so light to be with and that is no doubt no wonder why he has that stable name and career in international industry. Nakangiti n'yang tinalikuran ang binata at hindi na inaksayahang bigyan ng tingin si Shawn. Hindi s'ya gagawa ng mga bagay na alam n'yang hihila sa kaniya sa putek. Shawn is a flaunt type man, he loves to alway be the star of the eyes. Palagi n'yang gusto na s'ya ang bida. "AJ, magtatapos na ang taon, any plans of yours this coming Christmas vacation? May vacation ka ba? New year? Nitong taon, masyado kang busy, ang dami mong projects and we are wondering kung magbabakasyon ka ba this Christmas," nakangiting saad ng isang reporter nang magkatabi silang naglalakad ng director para sa isa pang exclusive interview. Hindi n'ya sinagot ang tanong na iyon hanggang sa makapasok sila sa van ng producer at sa side mirror ay nakita n'ya ang nakasunod na van ng kaniyang team. Ang sasakyan n'ya ay paniguradong maiiwan. Mabuti na lang ay katabing building lang naman ang network nila. Magpapahatid na lang siguro s'ya mamaya — which is for sure. "Masaya ang mga kaibigan natin na mga artista, sobrang satisfied sila sa palabas. Thank you, AJ, sobrang maraming salamat. A+ ang binigay nilang rate sa interview sa kanila," saad ni Alli kaya napatingin s'ya dito. "Magaling na director si Direk Yasmeen, kaya naging maganda ang kinalabasan ng project natin," sagot naman n'ya dito at saka binigyan ng isang tipid na ngiti ang lalake. Napatingin s'ya sa hawak n'yang cellphone nang bigla itong nag-vibrate. Nanlaki ang mga mata n'ya dahil ngayon n'ya pa lang napagtanto na hawak-hawak n'ya ang kaniyang phone. Hindi n'ya matandaan na kinuha n'ya pala ito kay Rina. Nang tingnan n'ya kung sino ang nag-text ay mabilis pa sa alas-kuwatro n'yang napatay ang kaniyang cellphone nang hindi na inabala ang sarili na basahin ang kung ano man ang laman ng text na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD