"The f uck!"
Isang malutong na mura ang sumalubong sa kanila kaya hindi napigilan ni AJ ang mapangiwi. Nasa bewang n'ya nakaulupot ang braso si Vince habang nakipag fist bump ito sa isang lalake na mukhang kaibigan nito. Gwapo rin ang isang 'to at kasing-lutong nina Marco, Harlin, Edmar at Vince magmura.
"Marinig ka ng mga bisita, baliw!" Saway ni Willa rito.
Tumawa lang ito at huminto ang mga mata nito sa kaniya. Tumaas pa ng bahagya ang kilay nito nang balingan ng tingin si Vince. Napalunok si AJ dahil alam n'ya kung anong klaseng tingin 'yon.
He was asking who is she.
"I am seeing new face here.... Hi, I am Yael."
AJ glances Vince and spotted how he clenched his jaw. AJ smiled before accepting the hand shake Yael is offering.
"AJ. And..... congratulations."
"Balikan mo na ang mga ibang bisita mo, gago."
"Oh shit." Humalakhak si Yael. Tuwang-tuwa itong nakatingin sa kaibigan at naiiling na tumitingin-tingin sa kaniya. "Not a new Marco, damn it!"
Kumunot ang noo ni AJ. Hindi n'ya maintindihan kung ano ang sinasabi nito pero nakita n'ya ang pag-irap ni Willa. Sumama naman ang timpla ng mukha ni Marco. Hindi n'ya pa nakikita sina Edmar at Harlin, hindi n'ya alam kung pupunta ba ang dalawa.
Siguro naman. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit lumipad ang magkakaibigan na 'to rito eh, para suportahan si Yael. Nakangising bumaling sa kaniya si Yael kaya nginitian n'ya ito.
"Thank you so much. Puntahan ko lang ang ibang guests. I'll be back. Huwag ka masyadong magpaloko rito sa kaibigan namin."
AJ chuckled when Vince hand landed on Yael's nape making the man hissed. Nawala na sina Marco at Willa sa tabi nila at nang luminga s'ya ay nakita n'ya na ang mga ito na seryosong nakatingin sa mga obra ni Yael.
Tumatawang lumayo sa kanila si Yael. Hindi naman naintindihan ni AJ kung para saan ang tawa na 'yon. Yael sounds like teasing or something like things are getting f ucked up and she was certain that laugh was for her and Vince.
"Are you okay?"
Tumangong nakangiti si AJ nang salubongin n'ya ang tingin ni Vince. Hindi pa rin nito inaalis ang kamay sa bewang n'ya na mas lalo pa nitong hinigpitan.
"Oo naman. Your friend is this talented huh. He has a good hand," aniya rito.
Hindi nakatakas sa paningin ng dalaga ang bahagyang paniningkit ng mga mata ng binata. "I also have a good hands, babe."
Inirapan ni AJ ang binata dahil sa seryoso nitong boses. "You are for sure, you are a Doctor yourself."
Umigting ang panga ni Vince at pinong ngiti naman ang sumisilay sa labi ni AJ. Kapagkuwa'y narinig n'ya ang mahinang tawa ng binata.
"Do you like it?"
Malapad ang ngiti ni AJ na tumango. "Oo naman. Palaging nakukuha ng art ang atensyon ko, hindi lang ako nagkakaroon ng oras para um-attend ng mga ganito. Alam mo naman ang schedule ng showbiz," mahabang litanya n'ya.
Habang nasa likuran n'ya ang kamay ng binata ay naramdaman n'ya ang pagpisil nito sa tagiliran n'ya. Mas lumapad ang ngiti ni AJ nang mapansin kung gaano ka-interesado ang mga narito. Halos ang mga nakikita n'ya ang mga foreigners, ibig sabihin lang noon, gumagawa ng pangalan si Yael sa labas ng bansa.
Hindi n'ya ito kilala, kahit na mahilig s'ya sa arts ay wala s'yang kilalang artist — meron man, iilan lang at minsan pa ay nakakalimutan n'ya ang pangalan.
"Sabihin mo sa 'kin kapag napagod ka na ah, magpapahinga tayo."
Halos kilabutan si AJ nang tumama sa tainga n'ya ang hininga ng binata dahil yumuko pa ito upang sabihin diretso sa tainga n'ya ang mga sinabi nito. Sinamaan n'ya ng tingin ang huli ngunit nakangisi lang itong nakatingin sa kaniya.
AJ gasped when Vince simply held her hand and bring it to touch what he has in between his legs. With her grasps, she took her hand back in just a second widened her eyes looking around making sure that nobody has seen what just happened.
The f uck!
Sinapak ng dalaga sa dibdib ang binata na tumawa lang at walang pakundangan s'yang hinapit sa bewang kaya dumikit ang katawan n'ya rito.
"Doctor Vince Guevara!" Pagalit n'yang banggit sa pangalan ngunit mas lalo lang nangunot ang noo ni AJ nang tanging isang mapang-asar na ngisi lang ang binigay nito sa kaniya.
Kinurot n'ya ito sa tagiliran na mukhang hindi inasahan ng binata dahil napa-igpot ito. Mabilis na kinagat ni AJ ang kaniyang pisngi upang pigilan ang paglabas ng kaniyang tawa. Hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya si Vince na tinaasan n'ya lang din ng kilay.
She places her finger on Vince's lips when he was about to say something. She smirked before turning her heels away from him and went to the line of some guests happily looking at all the arts made by Yael. Everything's literally f ucking good!
Ceramic artist and holding a damn exhibit here in Switzerland that only means one thing — Vince's friendship is not a freaking joke indeed and they even flew over here with Willa's private f ucking plane!
Agad na namula ang kaniyang mukha nang maalala ang private plane ni Willa. Walang pasabing nanumbalik sa isip n'ya kung ano ang ginawa n'ya roon. Hindi n'ya sigurado kung talaga bang alam ni Willa ang ginawa nila o hinuli lang s'ya nito noon at nagpahuli naman din s'ya. Napangiwi ang dalaga.
Nang may kamay na naman na pumulupot sa bewang n'ya ay hindi n'ya na ito tiningnan. Alam n'ya na agad kung sino ito lalo pa nang maamoy n'ya ang pabango ng huli. She secretly smiled when she felt how he possessively held her waist and simply pulled her even more closer to him.
"Puntahan natin ang mga sira-ulo," dinig n'yang sabi nito.
Binalingan n'ya ang binata at ngumuso ito kaya sinundan n'ya ang tinuturo ng nguso nito. Nakita n'ya ang mga kaibigan nito na magkakasama at mukhang may seryosong pinag-uusapan. Wala roon si Willa at hindi n'ya alam kung nasaan.
Tiningnan n'ya si Vince. "Puntahan mo na sila, maglilibot-libot lang muna ako. Gusto ko pang makita ang mga gawa ni Yael."
Sumeryoso ang mga mata ni Vince na nakatingin sa kaniya matapos n'yang banggitin ang pangalan ng artist — na kaibigan nito. "Nagiging fan ka na ba n'ya?"
Tinawanan n'ya ito ng mahina. "Lahat ng nandito ay fan ng kaibigan mo, Doc. Now, umalis ka na at puntahan mo na sila para makabalik ka agad sa 'kin. Hanapin mo lang ako after."
Ilang segundong nakatitig lamang sa kaniya ang binata. Tinaasan n'ya ito ng kilay kaya mas lalong tumulis ang tingin nito sa kaniya.
"I want to kiss you."
Napangisi s'ya sa biglang sinabi nito. Inilapat ni AJ ang kamay sa dibdib ng binata at inilapit ang bibig sa may tainga nito.
"We'll not just kiss later. For now, go to them real quick." Pagkasabi n'ya noon ay pasimpleng hinapos n'ya ang kamay mula sa dibdib nito pababa sa may bandang puson nito.
Kitang-kita ng dalawang mga mata n'ya kung paano umigting ang panga mg binata kaya tila napapaso n'yang inalis ang kamay mula sa pusunan ng binata. Mahinang natatawa s'yang tumalikod dito at hindi na ito hinintay pa na makapagsalita.
"This is the kind of piece I was eyeing for so long..."
Hindi maiwasan ni AJ ang mapalingon sa babaeng nagsalita. The woman's side profile is screaming visual. She's freaking gorgeous and looks so damn expensive. AJ couldn't help but to look at the woman from head to foot and she really can tell there was no piece of this woman that is not a luxury brand.
Alam naman n'ya sa sarili na pinagpala rin naman s'ya sa ganda — ang unang naging puhunan n'ya upang makapasok sa showbiz, pero hindi n'ya mapigilan ang mamangha sa mga babae na kahit simple lang ang suot ay nagsusumigaw ang pagiging mamahalin. Well, technically this woman is not wearing simple — she wears a multi-million pair of wardrobe but she doesn't have any jewels on.
Tanging naka-ponytail lang ang buhok nito at 'yon lang. Hindi pamilyar sa kaniya ang mukha nito. Mabilis n'yang inilayo ang tingin nang lumingon ito sa gawi n'ya. Napansin kaya nito na may nakatingin sa kaniya.
"AJ."
Agad n'yang nilingon ang pinanggalingan ng boses na tumawag sa pangalan n'ya. Sumilay ang malapad na ngiti sa mukha n'ya nang makita ang parehong nakangiti na sina Frances at Willa.
"Hi, guys," bati n'ya sa dalawa.
"Naglilibot ka pa ba? Maraming magagandang gawa ni Yael pero halos lahat ng display ay sold out na."
Manghang napatingin s'ya ulit kay Willa. Proud na proud itong nakangiti. "Really?"
Tumango ang huli. "Yes. Mabilis na nakuha ng mga guests ang ilang pieces. He only had 1 piece per item that's why...."
Pero grabe, hindi n'ya lubos maisip na ganito kalala ang mga tao rito. Marami ang obra ni Yael.
"Bakit mag-isa ka lang? Nasaan si Vince?" Pagtatanong ni Frances. Napangiti s'ya dahil sa accent nito.
"Kasama n'ya sina Marco."
Nagtatakang napatingin si AJ kay Willa nang lihim itong napasinghap. Nagtatanong ang tingin n'ya rito at nagkibit-balikat lang ito. Lumalagpas sa bandang likuran n'ya ang tingin nito kasabay ng kaba sa mga mata ng huli.
"Willa, are you okay?"
"Ah --- huh.... Oo naman, tara halika puntahan natin ang boys."
Napansin ni Willa ang makahulugang tingin nito kay Frances.
"Oh, I can't come with you guys, dito na lang ako. I'll just roam around and I'll send a text na lang sa 'yo, Wills."
"Sure thing! Halika na, AJ." Umawang ang bibig ni AJ nang hilahin na lang s'yang bigla ng babae kaya hindi na s'ya nakapagtanong dito.
Pero sigurado s'ya na may nangyayari. Ang biglaang pag-iba ng expression sa mukha at mga mata nito ay may sinasabi.
"Willa, ano ang nangyayari? You seem nervous."
Tumawa ito ng pagak. "Wala, may nakita lang akong kakilala. Baka makita ako eh, magsumbong sa daddy ko. What the hell that woman doing here?"