Gabi na nang magising silang dalawa dahil sa pagod sa ginawa nila sa halos buong araw. Ngunit pakiramdam ni AJ ay ang lahat nang pagod kaninang umaga ay napawi nang makatulog na s'ya. Ibang-iba ang araw na 'to..... dahil sa trabaho n'ya kahit na nakatulog na s'ya pagising n'ya ay ramdam n'ya pa rin ang pagod.
"Do you wanna walk?"
Tiningnan n'ya ang binata nang magtanong ito. Pareho silang may hawak na tag-iisang cone ng ice cream. Iwan ba n'ya bigla na lang s'yang nag-crave ng ice cream nang makita n'ya ang add nito sa internet. Mabuti na lang at hindi s'ya endorser ng ice cream dahil lahat ng ini-endorse n'ya ay hindi na s'ya nasasarapan kahit na paborito n'ya naman ito bago s'ya nito maging endorser.
Tumango s'ya dahil naisip n'ya na rin talagang yayain ito dahil sa ganda ng labas. Maliwanag ang buwan kaya masarap maglakad-lakad sa may tabing dagat.
Napatigil si AJ nang may biglang sumulpot na isang babae na nakasuot ng uniform na may pangalan ng resort. Nanlaki ang kaniyang mga matang bumaling sa binata at nakangiti lang naman itong nakatingin sa kaniya.
"Magandang gabi po, ma'am, sir," nakangiting sabi nito nang makalapit ito sa kanila.
Seryoso s'yang humarap sa binata. Iniwasan n'yang may makakita sa kaniyang ibang tao. Hindi naman sigurado kung kilala ba s'ya nito pero paano kung oo? Ayaw n'yang masangkot sa kahit na anong eskandalo ang pangalan n'ya.
"I thought there's no other people here."
"I had them back para magluto ng pagkain natin kaninang tanghali hanggang ngayong gabi. Aalis lang sila kapag maliligo tayo." Nakangising sagot nito ngunit nangunot ang noo ng dalaga.
She couldn't find it funny. HIndi n'ya mahanap kung saan sa mga sinabi nito ang nakakatawa para maging ganito ang mukha ng binata na tila ba wala lang na may ibang tao sa paligid nila.
"That is not my concern."
Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha nito. "Matutunaw na ang ice cream mo. Lakad na tayo sa may dagat."
Napatingin s'ya sa hawak na ice cream at sumunod din sa paghakbang nang maunang bumaba si Vince. Huminto ito nang makababa upang hintayin s'ya.
"Vince....."
"They will not talk about you, AJ," seryosong sabi nito. Diretso itong nakatingin sa mga mata n'ya, "kung 'yan ang inaalala mo."
Pinili n'yang huwag nang sumagot. Huminga s'ya ng malalim at tinanggal sa mukha ang kung anong kaba. Pinulupot n'ya ang braso sa braso ng binata at naramdaman n'ya ang pagtigas ng biceps nito. Man.
Tunaw na ang ice cream n'ya kaya agad n'ya na rin itong inubos.
"Thank you..." aniya.
Bumaling sa kaniya si Vince, "for what?"
"For this...." Idinipa n'ya ang dalawang braso at naakangiting nakatingin sa binata. "Salamat dito... Hindi ko naisip na possible akong magkaroon ng kalayaan sa bansang 'to. Alam ko naman na hindi naman lahat ng tao ay kilala ako pero sa pag-iingat kailangan kong isipin na kilala nila ako. Kaya I am so thankful for this."
Mas lalong naging gwapo ang binata nang ngumiti ito. Hinapit s'ya nito sa bewang kaya umawang ang kaniyang bibig sa gulat at lalo na nang bigyan s'ya nito ng patak na halik.
"We should've met before. Sana ay matagal na tayong nagkakilala, sana ay matagal mo nang naranasan ito. I swear to always make you feel you are free."
Kumalabog ang dibdib ni AJ sa kaba na hindi n'ya maintindihan. Tila may kung anong nga insektong nagsisiliparan sa t'yan n'ya dahil sa mga salitang binitawan nito at sa klase ng tingin nito sa kaniya. Mahina s'yang tumawa at ibinalik ang pagkakahawak sa braso ng binata.
"Where are you planning to go?" Kapagkuway tanong ng binata habang naglalakad sila.
Kunot noong binalingan n'ya 'to, "ha?"
"12 months ang vacation mo, 'di ba? Ano ang gagawin mo sa isang taon na bakasyon mo?"
Nahiya s'yang napatawa. Saka n'ya lang naalala na gano'n nga pala kahaba ang bakasyon n'ya. Masyado s'yang naging occupied sa presensya ng binata. Napaisip s'ya bigla, mahaba nga naman talaga ang isang taon.
Wala pa rin s'yang plano dahil hindi naman n'ya inasahan na bibigyan o hahayaan s'ya ni mimi na magbakasyon nang gano'n katagal. Usually, sa mga nakikilala nilang mga nasa showbiz, kapag nawawala sa highlight ng matagal, nahihirapan makabalik lalo na hindi naman nauubos ang mga bagong pangalan at mukha na sumusulpot na lang bigla sa mundo ng showbiz.
"I don't know." Kibit-balikat na sagot n'ya. "Hindi ko pa naisip kung ano ang gagawin ko o kung saan ako pupunta."
Nakita n'ya ang pagtango ng lalake. Hindi n'ya na lang ito pinansin at inilabas ang phone n'ya. Maliwanag ang buwan kaya malinaw na malinaw ang anino nilang dalawa na agad n'yang kinuhanan ng litrato.
"Do you consider going out of the country?" Biglang tanong nito kaya napatingala s'ya ng kaunti rito.
Ang atensyon nito ay nakatuon sa kaniya kaya nagsalubong ang paningin nilang dalawa.
Ibang bansa? Iyon lang naman yata talaga ang pinaka-safe para sa kaniya. Kung dito lang kasi sa Pilipinas, mahihirapan s'yang kumilos dahil masyadong madikit ang mga mata ng mga tao sa mga nakikita nila sa TV kaya mabilis ang balita.
Tumango si AJ. "Kung aalis man ako, malamang sa ibang bansa ang punta ko."
"May kasama ka bang aalis kung sakali?"
She shrugged. "Hindi ko pa alam kung nagbabalak ba na sumama sa 'kin ang manager ko. I can go alone din naman if ever he doesn't want to go."
She wants to ask why he's asking but that doesn't sound really nice. Alam n'ya kung gaano rin ka-demanding ang trabaho ng mga Doctor. May kaibigan s'yang Doctor at palagi s'yang nakakarinig ng mga reklamo mula rito kapag magkasama sila na minsan lang naman din mangyari.
Kaya baka ito na rin ang huling pagkakataon na makakasama n'ya ito. Pagkatapos nila rito, magbabakasyon s'ya habang ang binata ay magbabalik sa trabaho at kapag nakabalik na s'ya sa trabaho, mahihirapan na naman s'yang makakuha ng libreng oras.
Hindi maiwasan ni AJ ang mapabuntong-hininga.
"What's wrong?"
"Ha?"
"Ano ang iniisip mo?"
Mabilis s'yang umiling, "wala naman. Naisip ko lang ang oras, kapag busy tayo, ang bagal ng oras, kapag naman gusto mong sulitin, ang bilis."
Narinig n'ya ang mahinang hagikhik ng binata at hinapit s'ya sa bewang. Pinatakan s'ya bigla ng halik sa noo kaya napapikit s'ya sa gulat at humigpit ang pagkakahawak sa damit n'ya.
Hindi n'ya naiintindihan kung bakit ganito ang epekto ni Vince sa kaniya. Kahit kailan naman ay hindi s'ya nakaramdam ng ganito sa mga kaeksena n'ya — kahit pa gaano sila kalapit ng kaeksena pero talagang trabaho ang namamayani sa kaniya roon.
"Nag-enjoy ka ba?"
Nginitian n'ya at tinanguan ang malumanay na boses nito. Inilagay n'ya sa likod ng binata ang braso n'ya habang naglalakad pa rin sila sa dalampasigan.
"Oo naman."
"I'm glad to hear that. I was nervous at first kasi iniisip ko na baka hindi mo hilig ang ganito, mabuti na lang at nag-enjoy ka," dire-diretsong sabi nito.
Pasimple n'yang kinurot ito sa tagiliran. "Ano ka ba. Sino ba ang ayaw sa ganitong activity? Maligo ng dagat sa ganito kagandang view? Walang hindi mag-eenjoy dito 'no."
"Are you cold?"
Hinaplos ni AJ ang magkabilaang braso nang maramdaman n'ya na ang lamig ng hangin sa balat n'ya. Napatingin s'ya sa suot na relo ng binata at nakita ang oras, malapit nang mag-alas 2 ng madaling araw kaya naman pala mas malamig na ang hangin.
"Malamig na," mahinang sambit n'ya.
Tumango ito at hinawakan ang kamay n'ya. Nagpatianod s'ya sa galaw ng binata hanggang sa makabalik sila sa kung saan sila galing. Nang makapasok sa loob ng hotel ay kumalma ang lamig na nararamdaman ng katawan n'ya.
Sanay na sanay naman s'ya sa aircon pero iba talaga ang lamig na dala ng panahon. At dahil malalim na ang gabi ay dumiretso na sila sa kwarto nila.
"AJ."
Nilingon ng dalaga si Vince nang sambitin nito ng seryoso ang pangalan n'ya.
"Bakit?"
"Thank you."
Napakurap s'ya ng maraming beses nang hilahin na lang s'ya nitong bigla at yakapin ng sobrang higpit. Naramdaman n'ya ang paghuhurumintado ng dibdib n'ya at ang pagwawala ng mga kung ano sa tyan n'ya.
She chuckled but returned back the hug. She shut her eyes closed as she felt the warmth against his embrace. She'd been hugging tons of men because of her job and even if they acted like they're inlove, she never felt this kind of feeling before.
Vince Guevara really is something. It has special in him that she doesn't know what.