Simula nang araw na nakita n'ya ang lalake ay pakiramdam n'ya hindi na nawala sa isip at paningin n'ya ang lalake na iyon. Hindi n'ya ito kilala kaya ngayon ay natatagpuan n'ya na lamang ang sarili na binabasa ang isa sa mga ipinagmamalaki ng bansa sa larangan ng medicine, at ito nga ang nagpakilala sa kaniya na si Vince Guevara.
"Anak s'ya ng Presidente ng network, pinakamalaking network sa bansa pero bakit kaya wala s'ya sa kumpanya ng mga Guevara nagtatrabaho. Although he was earning pretty much but being a Doctor was way to far from the family's line" aniya sa sarili habang binabasa ang mga information na patungkol sa lalake,
"He's not a joke as well. His achievement was towering other's achievements and he probably has much than me," dagdag pa n'ya.
Bumuntong-hininga s'ya nang malalim at saka isinandal ang likod n'ya sa sandalan ng upuan na inu-upuan n'ya. Kumunot ang noo n'ya kung anong klaseng relasyon mayroon ang lalake na ito at ni Shawn. This man doesn't look like having a hard time in life. Magka-iba ng nanay sina Shawn at Vince that's what the web says.
Agad n'yang pinatay ang cellphone n'ya at saka napapikit nang isipin kungh bakit n'ya inaalam ang patungkol sa lalake. Hindi n'ya naman ito kaibigan at kahit kailan ay hindi n'ya rin naman ito magiging kaibigan.
What bothers her was Vince didn't seem to be welcomed at the building but that's their problem. She should not be bothered about that anyway. She sighed and continued bathing herself for she's going to be sleeping in the next few minutes.
She don't want to admit it but it was the fact, that face, Vince's face was the most beautiful face of a man she ever laid her eyes at. Hindi n'ya maintindihan ang sarili pero may ganoon s'yang pakiramdam, kinakabahan s'ya nang husto sa tuwing nagtatama ang kanilang paningin at sa tingin n'ya ay para s'yang nawawalan nang lakas sa bawat pangyayari na ganoon.
Kahit kailan ay hindi pa s'ya na intimidate nang kahit na sino at sa kahit na sino lalo na ng lalake. She was always at her best and her pride, she was never been lost at his track.
Ngunit nang akmang pipikit na s'ya ay bigla na lamang tumunog ang door bell ng kaniyang unit kaya napadilat s'ya nang wala sa oras. Sino naman kaya ang magdo-door bell ng ganitong oras? it's pass 11 in the evening and she wasn't expecting anyone to visit her especially at this hour. Damn! Hindi n'ya pinansin ang tunog na iyon ngunit tumunog ulit ang doorbell kaya mas kumunot ang noo n'ya dahil doon.
Dahan-dahan s'yang bumangon mula sa pagkakahiga sa kaniyang kama at dahan-dahan ang kaniyang paglakad palabas ng kaniyang silid upang tingnan mula sa isang maliit na butas na may salamin, wala s'yang planong pagbuksan ang kung sino man na pumipindot ng door bell n'ya kailangan n'ya lang malaman kung sino ang nasa labas ng pinto.
Napa-atras s'ya nang makita ang kilala n'yang mukha na nakatayo sa harapan ng pintuan ng kaniyang unit.
"What is he doing in here?" Aniya sa sarili nang makilala ang lalakeng iyon na nasa labas ng kaniyang unit.
Hindi n'ya naman ito ini-invite kaya bakit ito nandito? Anong oras ba hindi na nito iisipin na gising pa s'ya gayoong alam nito ang klase ng trabaho n'ya. Hindi na s'ya nag-abala pang pagbuksan ang lalake na iyon at bumalik na sa paghiga. Bago pa man n'ya nailapat ang buong katawan sa kama ay tumunog na naman ulit ang door bell pero hindi n'ya pa rin ito binigyan ng pansin.
Pinikit n'ya ang mata at hanggang sa tuluyan na nga s'yang lamunin ng kadiliman,
"Salamat po sa ginawa ninyong pagligtas ng buhay ng nanay ko, doc," naiiyak na saad ng isang babae nang makasaluboing n'ya ito.
Tiningnan n'ya ang babae na sa tingin n'ya ay mas bata sa kaniya ng ilang taon. Naalala n'ya ang mukha nito at ito ang anak ng matandang babae na inoperahan nila noong isang araw.
"You don't have to thank me. Trabaho ko ang iligtas ang buhay ng mga pasyente ko, take care of your mother, she needs assistance now that she's in the stage of healing," sagot n'ya dito at nakita n'yang paglawak nang ngiti ng isang ito.
"Maraming salamat, doc. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung nawala nang tuluyan ang mama ko, hindi pa ako handa at kahit kailan ay hindi ako magiging handa," sambit ng babae na s'yang nagpaseryoso ng mukha n'ya.
Umigting ang panga ng binata habang nakikinig sa mga sinabi ng babae at hindi n'ya na malaman kung ano pa ang dapat n'yang sasabihin. Ang ganitong usapin ang tanging magpapatahimik sa kaniya. Binigyan n'ya ng isang tipid na ngiti ang babae bago ito tinalikuran at dumiretso sa information desk ng hospital na ito.
"Hi, dioc. May kailangan po ba kayo?" Agad na pagtatanong ng isang baklang nurse sa kaniya. Narinig n'ya pa ang paghagikhik ng mga kasama nito dahil sa tunog ng pagtatanong nito.
Inabot n'ya ang isang maliit na papel na s'yang may laman nang kaniyang schedule na ii-input ng mga narito sa kaniyang computer upang masagot ng nga ito ang kasagutan ng mga loyal patients na talagang hinahanp s'ya at hindi pumapayag sa ibang doctor.
Noon ay hindi n'ya pinapayagan ang ganyan pero kalaunan at hinayaan n'ya na lang. Karapatan din naman ng mga tao na mamili kung sino ang mag-aasikaso sa kanila lalo na iyong may mga experience na hindi maganda sa ibang doctor. Iyon ang madalas na sinasabi ng mga ito sa tuwing tinatanong n'ya kung bakit kailangan pa nilang hanaoin s'ya.
"Hala doc, mami-miss ko po kayo dito," biro ng bakla na s'yang ikinangiwi n'ya. Tinawanan n'ya ito ng mahina nang manlaki ang mga mata ng kasamahan nitong nurse at hinampas pa ito sa may bandang batok.
"Ayos na po, doc," magalang naman na sambit ng babaeng nurse kaya tinanguan n'ya ito saka binigyan n'ya ng isang matamis na ngiti ang mga narito.
"Thank you," saad n'ya.
Naglalakad s'ya pabalik ng kaniyang opisina nang makita n'yang makakasalubong n'ya ang kaibigan na nurse.
"Hirap na kaming mahuli ka dito, Doc Vince, bakit mo naman ni-rumble ang schedule mo?" Tanong nito nang magpang-abot sila sa gitna.
"For fun," simpleng sagot n'ya nang may kasamang mahinang pagtawa.