"Best, ipinapatawag ka ni Madam.
May kailangan daw sasabihin sa' yo saad ng aking kaibigan."
"Bakit saw?" best,anong kailangan ni Madam. Naku baka paalisin 'nya na ako dito,"turan ko sa kaibigan ko.
"Wala naman sinabi sa akin kaya pumunta kana doon,"saad nito.
Nagtungo ako sa kwarto kung nasaan si Madam.Kumatok muna ako bago ko,bunuksan ang pinto para hindi 'nya ako pagsabihan na basto.
"Tok,tok,tok.
"Pasok,boses mula sa loob ng kwarto.
Dahan-dahan ko bunuksa ang pinto at pumasok sa loob nakita ko ito naka upo sa mesa habang nakatingin sa bintana.
"Madam,pinatawag 'nyo daw po ako,"magalang na saad ko.
"Maupo ka Diane, "malambing na turan nito.
"Naku okay lang po ako tumayo na lang po ako,"pagtanggi ko sa ginang.
"Sige,may sasabihin kasi ako sa'yo," wika nito.
"Bukas na ang uwi ng anak ko may pabor lang ako sa'yo sana wag mo akong tanggihan,"untag nito.
Nag taka ako kung ano naman ang pabor nito sa akin at ang bilis itong nagtiwala ka bago-bago ko lang dito ganito na ba talaga ito kabait sa mga taong kaharap nito.
"Sige po madam sabihin nyo, po kung ano yun,"sagot ko sa ginang.
"Gusto ko kasi na mag panggap ka bilang isang girlfriend ng anak ko?" saad nito.
Nakanganga lang ako hindi ako makapaniwala na yun ang hiling ni madam sa akin hindi ko nga nakita ang anak nito.
"Ahh?" Madam,tanging sambit ko sa pangalan nito.
"Wag kang mag-alala mabait naman ang anak ko!" sabay hawak sa kamay ko.
"Madam,hindi po ako nangako sa'yo marami pa, pong ibang dyan na pwede magpangap bilang girlfriend ng anak mo?" mahabang salaysay ko sa ginang.
Sige po ma'am may gagawin pa po ako paalam ko sa ginang.
Kita ko kung paano nalungkot ang mukha nito pero hindi naman maari na ako ang kunin nya mas lalo magalit ang tatlo na yun sa akin...
Pagbaba ko agad naman ako sinalubong ni Nana.
"Oh, best anong sinabi ni madam pinaalis ka ba," tanong nito sa akin.
"Hindi best may inutos lang sa akin si madam.
"Ano naman yun ha!" muli nitong tanong.
"Ano kasi uuwi na daw bukas ang amo natin lalaki gusto nya magpanggap ako bilang girlfriend nito,"saad ko sa babae.
"Eh ano naman sabi mo pumayag ka ba," turan nito.
"Ano ka ba bakit naman ako pumayag alam mo naman may kontrabida dito,"sabay nguso ko sa kaibigan ko.
"Ay maganda nga yan best para makaiwas ka sa gulo.
Hapon na kaya nandito ako ngayon sa tabing puno madalas dito ako namalagi bukod tahimik nakapag-isip rin ako ng matino.
Hindi ko pwede tanggapin ang alok ni ma'am baka magkagulo pa o susugurun pa ako ng girlfriend nito.
Pero mabait kaya yun ano kaya klaseng ugali ang meron ito sana katulad ito ng kanyang ina.
Hay bakit ko ba yun iniisip.
Tumayo ako upang pumasok hindi kami naka assigned sa pagluluto kaya wala na kaming trabaho ngayon.
Kinuha ko ang walis para magwalis sa loob ng kusina naroon nag tatlo masama silang nakatingin sa akin pero hindi ko inintindi ito bahala kayo sa buhay nyo basta tahimik lang ako.
Bigla naman hinarangan ako ng isa pa namin kasama na parang siga ito kung umasta.
"Tumabi ka dyan,may ginawa ako!"saad ko sa babae?!"
" Paano kung ayaw ko ha? may magagawa ka ba Diane sabay turo nito sa noo ko.
Hinawak ko ito at pinisil wag mo akong subukan kung ayaw mong baliin ko ang daliri mo!" pagbabanta ko.
"Lolita tawag nito sa kasama.
"Bitawan mo sya, Diane ikaw ha ka bago-bago mo dito nanakit ka na!" galit na saad nito sa akin.
"Wala akong kasalan sa inyo bakit nyo?" ako ginaganito wag nyo ako itulad kay Nana, na hindi papatol sa inyo kaya ko kayong ibalibag sa labas ng pinto," singhal ko sa mga ito.
"Aba't subukan mo kung kaya mo kaming tatlo,"sabay taas ng kilay ni Lolita.
"Best wag na pigil ni Nana, sa akin agad nya ako hinila palabas sa kusina.
"Nana bakit mo, ba ako pinipigilan,"wika ko sa kaibigan ko.
"Best baka makita kayo, ni madam paalisin ka pa alam mo naman malakas yun kay madam,"halatang natatakot ito kay madam.
"Wala akong pakialam kung palayasin nya, ako best mas gusto ko pa sa lansangan titira kay sa kasama ang mga yan," galit na saad ko.
"Kumalma ka nga wala tayong mapapala kung patulan mo sila,"sabay hawak nito sa kamay ko.
"Oh dito ka muna kukuha lang ako ng pagkain natin,wag kang aalis dito," saad ni Nana.
"Lumabas ito at sinarado ang pinto maya't-maya bumukas ang pinto may dala itong tray na may pagkain.
Nakangiti ito habang dala ang pagkain namin.
"Sige kain na tayo," sabay ngiti nito.
Masaya kaming kumain walang asungot kaya naubos ko ang pagkain masarap kasi ang ulam.
Bubuhatin ko na sana ang tray pero agad ako pinigilan ni Nana,sya na daw mag dala sa labas.
"Best ako na para makatulong naman ako ikaw, na nga magdala dito sa loob," untag ko sa kaibigan ko.
"Ano ka ba ayos lang hindi naman mabigat,dito okay lang," wika nito sa akin.
Alam ko umiwas lang ito sa gulo.
Pumasok ako sa banyo para maligo galing ako kanina sa labas naglinis ng halaman medyo kumati narin ang katawan ko.
Bunuksan ko ang gripo at ang-umpisa na ako maligo mabilis lang ako sa loob ng banyo agad rin ako lumabas hindi ako nag-abala magsuklay umupo ako sa taas ng kama.
Bumukas naman ang pinto pumasok sa loob si Nana,may dala itong paper bag.
"Best,alam ko ba kung kanino galing ito," masayang turan nito.
"Kanino naman best!"tanong ko sa kaibigan ko.
"Kay madam para daw sa atin dalawa tingnan mo?" turan nito sa akin.
Bunuksan ko ang paper bag isang magandang damit ang nakita ko bistida kulay yello ito at may kurba.
Maganda ang damit pero hindi naman ata bagay sa akin ito mahina kong saad.
Akala ko hindi maririnig ni Nana.
"Ano ka ba bagay sa'yo yan at binili ito ni madam sa atin tatangi ka paba bihira lang nga kami dito binilihan ng damit," untag nito.
Hinagis nito sa akin ang damit.
Kaya tinago ko na lang sa ibabaw ng kama ko.
Humiga ako sa maliit na kama ko mas okay nandito kay sa langsangan ako tanging karton lang banig ko at walang kumot at unan.
Dito kompleto may sahod na ako libre pa ako ng pagkain.
Nakatingala lang ako sa kisami ano kaya nangyari sa akin noon hinahanap kaya ako ng pamilya ko.
Pero kung hinahanap naman nila ako bakit hindi nila ako makita nasa langsangan lang ako mga tanong sa isip ko.
"Best matulog ka na kanina ka pa dyan maaga pa tayo bukas gumising," saad ni Nana sa akin.
"Oo best matulog ka na rin wag mo akong alalahanin,"sagot ko.
Kahit anong pikit ko hindi pa rin ako makatulog.
Kaya naisipan ko lumabas muna para maghangin sa labas.
Naglakad-lakad ako sa hardin medyo madilim ang banda sa akin kaya walang makakita sa akin kung sakaling may tao dumaan.
Umupo ako sa damuhan pinagmasdan ang bilog na bilog na buwan.
Maya't-maya nakarinig ako ng isang ingay pa linga-linga ako pero wala akong nakita kaya nagtungo ako sa harapan baka doon galing ang ingay na iyon,hindi nga ako nagkamali may tatlong lalaki umakyat ng gate,kaya nagtago ako sa malabong halaman naka bonet ito at naka mask.
Tumingin ako sa paligid baka sakaling may mahanap akong pamalo man lang sa mga ito.
Natamaan ng mata ko ang isang kahoy dahan-dahan ko kinuha ito.Mabilis ako nagtago sa isa pang halaman dahil parating ang tatlo.
Inihanda ko ang kahoy nauna ang isa kaya agad ko itong pinalo sa leeg sapul nawalan ng malay ang lalaki.
Agad kong hinila ang paa nito patungo sa madilim na lugar.
May dalawa pa mabilis ang kilos ko binato ko ito ng vase may laman lupa sa mukha itong natamaan naalerto naman ang isa akman tatakbo ito.
"Saan ka?" pupunta," saad ko sa lalaki.
Huminto ito sabay harap sa akin kinuha nito ang kutsilyo.
Mabilis nya ako sinungod akala nito wala akong hawak na pamalo.
Pinalo ko ito sa binti kaya napaluhod ito sa lupa.
"Wag po," pagmamakaawa nito sa akin.
"Anong kailangan nyo! dito at sino ang nag-utos sa inyo,"tanong ko sa lalaki.
"Walang nag-utos sa amin,"sagot nito.
"Kung ganun bakit kayo narito," muli kong tanong sa lalaki.
Magsalita na sana ang lalaki bigla naman may tumamang flashlight sa namin kaya agad ako nagtago sa halaman nahuli ang tatlo narinig kong wala na tao tumayo ako at pumasok sa kwarto nahiga ako agad naman ako nakatulog.
Abala ang lahat sa pag handa para sa pagdating ng anak ng amo halos hindi na sila mag pahiga. "Bilisan niyo,pati 'yan, kunin at palitan ng bago,"turo ni Lolita sa bulaklak sa gilid ng daan patungo sa pinto.Wag kukupad-kupad sigaw nito kay Diane, oh ikaw Nana, anong tatayo-tayo mo d'ya,tulungan mo si Diane, tumulong ka,dito iyan dalhin sa labas kasama mo si Diane, bilis na nasa tabi at katatapos lang magwalis sa harap ng gate," saad nito na akala mo sya ang amo.
"Oo Lolita," wika ni Nana?!"
"Ako na dito Nana, kaya ko na bumalik ka na sa garden," turan ko sa kaibigan ko.Ngumiti si Diane, kay Nana, pilit."Ayos ka lang ba Diane, sure na kaya mo," halatang nag-alala ito sa akin.
Tutulungan na kita?!"
"Hindi na kaya ko na to bumalik ka na lang doon turo nito sa garden binuhat ko ang malaking bulaklak na may laman lupa at bulaklak .Mas mataas pa ito sa akin med'yo may kabigatan din ang halaman dahil may lupa ito sa loob kaya mabigat.
"Diane,pa try nga ako baka ma gaan lang ito!" saad ni Nana.
"Sige Nana, pero mamula-mula na si Nana, sa pag buhat hindi man lang n'ya nagalaw iyon kahit katiting.Kaya lumapit ako sabay buhat sa halaman.
"Huy tulungan na kita Diane, kaya ko na .Habang ang buhok niya ay buhag-hag at tumatapis sa mukha nito.Hinawi n'ya ang buhok at inilagay sa likod.
Binitawan ko muna alang halaman dahil hindi ako ako komportable sa buhok ko.
"Hoy Diane,ano tatayo-tayo mo d'yan,buhatin mo ma ang halaman baka ma kita pa tayo ni madam ha?"ang bagal mo kumilos.
"Nana tulungan mo si Diane,
saad ni Lolita napa mewang pa ito kasama ang tatlong niyang kampon" nakangise at mukhang nasisiyahan sa nakita nito.
Masyado kang mayabang,sige nga buhatin mo"habang naka pamewang si Lolita habang pinagmamasdan si Diane,halos
lumuwa ang mata ng tatlo ng buhatin iyon ni Diane,ang halaman. Walang kahirap-hirap.Ni hindi nga bumaluktot ang likod nito.
Tayong-tayo ito habang hawak ng dalawang kamay ang halaman palabas ng bahay.Napanganga nalamang ang mga katulong na madaanan nito.
Kahit si Nana,ay nagulat sa nangyari baka namalik mata lang ito sa nakita .Ngunit totoong nabuhat ni Diane, ang halaman na may lamang lupa at matayog na bulaklak.
Hindi ito makapaniwala sa nakita dahil kahit dalawang tao ang mag buhat noon hindi pa kaya tapos ngayon isang babae lang.
"Hoy paano mo ginawa 'yun?"ang lakas-lakas mo naman Diane,"mangha ni Nana, sa kaibigan habang bumubulong sa katabi."Hindi naman gaanong mabigat Nana,bulong ni Diane, sa katabi.
"Oh baka magyabang ka na at lumaki ang ulo mo saad sa akin ni Lolita .Kahit sino kayang buhatin yon kaya wag kang mayabang d'yan, at sabay talikod ni Lolita. "Hayaan mo siya Diane, inggit lang yan sila,alam kasi nilang wala
kang kasing ganda dito.Tapos ang lakas-lakas mo pa,sino kaba kasi?"Sabihin mo nga sa akin may kapangyarihan ka ba Diane,"mahabang salaysay ni Nana.
Napa halakhak nako ng tawa.
"Baliw, ka talaga walang ganon,ikaw talaga Nana, saan-saan lumilipad ang imahinasyon mo?'saad ko dito at tumawa na lang silang dalawa.Kung sino nga ba siya hindi n'ya alam.
Nagtataka man si Diane, hinayaan nalamang n'ya iyon.Wala syang pagtatanungan kung bakit nakakaya nyang magbuhat ng mabigat na halaman .Sino nga ba kasi talaga s'ya.Hindi naman s'ya engkanto.
Ito sa isip nito paano magiging engkanto ang ganda niya ih katang isip lang naman iyon at gawa-gawa lang ang pelikula ngayon.Wala naman kasi ganun sa totoong buhay. mga nagsasanay ng mabuti para mahasa ang galing nila sa mga ganung bagay.Kahit anu pa man ang dahilan.Wala pa rin ang sagot sa mga tanong ko wala akong mapagtatanungan,kung ano ba ako at kung saan ba ako galing.
10:00am ng umaga,nasa garden pa rin s'ya ng tawagin siya ni Nana, mula sa likod nito,"Diane,sabi ni Lolita, wag ka daw munang lumabas at paparating na si sir Carlos.Baka daw kasi makita ka at kung ano pa daw ang isipin nila.Sorry talaga Diane, ha! bilin lang kasi yun ni Lolita sa akin,"sabay yuko nito.May mga sinabi pa s'ya pero ayoko ng sabihin sayo kasi masakit at panlalait lang yun."Nakayuko ito habang nagsasalita.
"Ano ka ba Nana, okay lang naman ako hindi naman ako nasasaktan sa mga sinasabi nila.Hayaan mo nalang sila,wag kang mag-alala papasok narin ako sa kwarto kaya pwede muna akong iwan dito.
susundin ko ang bilin ni Lolita, para hindi ka pagagalitan,sige na umalis ka na saad ko dito,"mahabang salaysay ko."Sige ha,kailangan kasi naming salubungin si sir Carlos,nito'sa labas'yun. Kasi ang utos ni Madam.Kailangan daw laging ih welcome ang anak nito.
Alam mo naman si Lolita,malakas kay ma'am.
Halatang namang nagppalakas lang ang matandang dalagang iyon,"sabay ngise na may mahinang tawa?!"
"Psst wag kang maingay ba ka marinig, tayo mapagalitan kapa."
Nagpaalam si Nana,tumayo naman ako at mabilis naghugas ng kamay sa gripo.
Nagpunas at agad na pumasok sa likod na bahagi ng kusina.May pinto kasi roon pasukan ng mga kasambahay lalo na kapag may dala silang mabibigat at mga pinimili galing sa palengke."Oh ikaw?siguraduhin mong sa kwarto kalang sa tuwing nandito ang amo nating si sir Carlos.
Dahil ba ka nandidiri s'ya sayo"si Tina iyon. Nakangise at nakamake up pa ng makapal at red lipstick.Hindi naman bagay at hindi s'ya gumanda,maslalo pa itong magmukhang katawa-tawa.
Hindi n'ya na tinapos ang iniisip dahil sa salitang panlalait iyon.Ayaw nyang makasakit kahit sa isipan manlang.
"Oh bakit? ganyan ka, makatingin,nagandahan ka ba sa akin?"sabay ikot nito sa harap ko pigil na pigil ang tawa ko nahalos mamula na ako.Dahil sa pagpigil ng tawa kaya mabilis ako tumalikod at ba ka mapansin pa ako ng babae 'yun,lintik mukha siyang binugbog ng limang lalaki sa itsura nito kulang na lang maligo ito sa putikan.
Akala naman niya ika ganda niya mas nagmukha pa itong nagtrabaho sa bar.