“Lian!” umiiyak niyang sambit bago ako niyakap. “Nag-alala ako nang sobra. Noong tumawag si Arc at sinabing nasa hospital ka, halos himatayin ako sa sobrang kaba.” Ngumiti ako. “Tahan na po. Ligtas na po ako ngayon. Sorry po kung pinag-alala ko kayo.” “Mabuti na lang at nailigtas ka ni Arc. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa ‘yo.” Pinainom ko muna siya ng tubig para kumalma siya. Kanina ko pa hinihintay na bumukas ulit ang pinto. Pero ilang minuto na yata ang lumipas ay kaming dalawa pa lang din ni mama ang nandito. “Mama, mag-isa lang po ba kayong pumunta dito?” tanong ko. Umiling siya. “Kasama ko ang Tito Rayver mo. Kaya lang sabi niya kakausapin niya muna si Arc. Humiga muna ako sa kama para makapagpahinga pero hanggang sa nakatulog na ako ay hindi pa rin dumarating

