Chapter 4: Sleep

2114 Words
Nagpatuloy kami sa pagkain at naunang natapos sina mama at Tito Rayver. Nagpaalam silang magpapahinga muna sa itaas kaya naiwan kami ni Arc sa hapag. Ayaw ko siyang makasama kaya tumayo na rin ako at nagtungo sa kusina para maghugas ng kamay. “You’re avoiding me, huh? Saan na napunta ang confidence mo kanina?” Nilingon ko siya at nakitang nakasandal na siya ngayon sa door frame ng kusina. Inirapan ko siya pero hindi ako sumagot. Tinuyo ko ang kamay ko at balak ko na sanang umalis pero nakaharang siya sa daanan. “Excuse me, Kuya Arc,” mariin kong sambit. “Narinig mo naman ang sinabi ni dad kanina, right? Ilibot daw kita dito sa buong mansyon. Kaya halika na,” sabi niya bago hinawakan ang braso ko at hinila ako papunta sa kung saan. “Teka nga,” sabi ko at binawi ang braso ko. “Hindi ako sasama. Gusto ko nang magpahinga sa kwarto.” Ngumisi siya bago tumango. “Okay. Let’s go to your room.” Mabilis pa sa alas kwatro akong umiling. Talagang hindi niya ako titigilan ngayong araw ha? “Nagbago na ang isip ko. Sige, ilibot mo na lang ako sa buong bahay,” sabi ko. Mas mabuti nang magkasama kami dito kaysa naman sumunod siya sa kwarto ko. Hinayaan ko siyang ilibot ako sa buong bahay. Dumaan kami sa back door at bumungad sa akin ang swimming pool. Sobrang laki no’n at parang hinihikayat na kaagad akong lumangoy. Sa susunod na lang kapag wala dito si Arc. Dumiretso kami sa kaliwang side ng mansyon kung nasaan ang laundry area at dirty kitchen. Sa bandang unahan ay nandoon naman ang maids’ quarters. Umikot kami sa harapan at dumiretso sa may garahe. “Sa inyo lahat ‘to?” tanong ko habang pinagmamasdan ang mga nakaparadang sasakyan. Sampu ang lahat ng nandoon at iba-ibang model. Tumango siya. “Yup. Pero hindi pa ‘yan lahat. Nasa ibang property namin ang ibang sasakyan.” Grabe. Sobrang yaman talaga nila. Sabagay, dito pa lang sa itsura ng mansyon, halata naman na iyon. Halos hingalin na nga ako pagkapasok namin ulit sa loob. “Let’s go upstairs,” he said. Tumango ako. Inisa-isa niyang ipakita sa akin ang mga kwarto sa itaas. May limang guest room, dalawang master’s bedroom, study room, dalawang office, at library. Ang sabi ni Arc ay may sariling gym din siya pero nasa basement. Next time na lang ako sisilip doon. Nang matapos sa paglilibot ay hinatid niya na ako sa kwarto ko. Ayaw ko man pero hindi ko naman alam kung saan ang magiging kwarto ko kaya nagpasama na ako sa kanya. Napakunot pa ang noo ko nang ma-realize na magkalapit lang ang kwarto naming dalawa. Tinitigan ko siya pero umiling siya kaagad. “Si dad ang pumili ng kwarto mo. I swear, wala akong kinalaman dito,” nangingising sabi niya. I rolled my eyes. “My room is off-limits so don’t even try to get inside.” Tumango siya. “Okay. But my room is always open for you,” he said then he winked. Padabog kong sinarado ang pinto sa inis. Ang lakas niya talagang mang-asar. Nahihirapan tuloy akong maniwala sa sinabi ni Tito Rayver tungkol kay Arc. Parang gawa-gawa niya lang ang lahat ng iyon dahil anak niya si Arc. Sinigurado kong naka-lock ang pinto para walang ibang makapasok. Nang kampante na ako ay saka ako nagtungo sa kama at umupo. Mas malaki ang kama ko dito kumpara sa kama ko doon sa dati naming bahay. Sabagay, hindi hamak naman na mas malaki ang kwarto ko dito. May sarili akong banyo at may walk-in closet din. Sa kaliwang side nakalagay ang study table habang nasa kanan naman ang vanity table. Inayos ko ang mga damit ko sa closet pagkatapos ay nilagay ko na rin sa study table ang mga libro ko. Nang matapos ay saka ko naisipang magbihis at magpahinga. Nakatulog din ako kaagad at paggising ko ay madilim na sa labas. Nakabukas pa kasi ang bintana ng kwarto ko kaya kitang-kita ko ang madilim na kalangitan. Pinagmasdan ko saglit ang mga bituin bago ko isinarado ang kurtina. Hindi pa naman ako nagugutom kaya naisip kong magtungo na lang sa kusina para magtimpla ng gatas. Balak kong mag-advance reading para sa darating na finals. The lights were dim when I went to the kitchen. I didn’t bother opening it. Nagtimpla ako ng gatas at nang babalik na sana ako sa kwarto ay may nakita akong pigura ng tao na nakatayo sa may pintuan. Muntik ko pang mabitiwan ang basong hawak ko mabuti na lang at namukhaan ko kaagad siya. “Bakit ka ba nanggugulat?” tanong ko. Hindi nagsalita si Arc pero dahandahan siyang lumapit sa akin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa baso. “Why are you still awake? It’s midnight already,” he said. Sumulyap ako sa orasan at nakitang ala-una na nga ng madaling araw. Ang akala ko alas nuebe pa lang. Ang haba pala ng tulog ko kanina. “Nagtimpla lang ako ng gatas. E ikaw? Bakit gising ka pa?” tanong ko. “I couldn’t sleep,” he answered. Nilampasan niya ako at may kinuha sa cupboard. Isang maliit na lagayan ng gamot ang kinuha niya at uminom siya ng isang tablet no’n. “What’s that? May sakit ka ba?” tanong ko. He faced me then he leaned backwards to the sink while crossing his arms. He was wearing a black shirt and gray jogging pants. I could see the muscles in his arms flexing while he was moving. “Why? Are you concerned about me?” he teased. I shook my head. “No. I’m just curious. Malay ko ba kung ilegal drugs na pala ‘yang iniinom mo.” He chuckled and it sent shivers to my spine. Napainom ako sa gatas na hawak ko dahil doon. Ano ba naman ‘to? Tumawa lang siya tapos ganito na agad ang naramdaman ko? “Do I look like a drug user to you?” Nagkibit-balikat ako. “Whatever. Aakyat na ako.” “Wait.” Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya ulit. May kinuha siya mula sa kanyang bulsa at inilahad iyon sa akin. Kahit medyo madilim ay naaninag ko kaagad ang makislap na bagay na hawak niya. “Bakit nasa ‘yo ang kwintas ko?” tanong ko. Kinapa ko ang aking leeg at ngayon ko lang napansin na wala nga ang kwintas na binigay ni papa sa akin noon. Inilapag ko ang baso bago ako lumapit kay Arc para kunin ang kwintas pero inangat niya ang kamay niya. “Ibigay mo sa ‘kin ‘yan!” sabi ko at pilit na inabot ang kwintas. Masiyado siyang matangkad kaya kahit nakatingkayad na ako ay hindi ko pa rin maabot ang kamay niya. Mas lalong hindi ko naabot ang kwintas nang tumayo siya nang maayos. Nabigla ako sa sobrang lapit namin kaya nawalan ako ng balanse. He immediately wrapped his arm on my waist and pulled me closer to his body. My eyes widened when I felt his bulge on my stomach. Nagkatinginan kaming dalawa. Bumalik na naman sa pagiging seryoso ang mukha niya. “Relax. I’ll return your necklace. Turn around.” Binitawan niya ako. Tinitigan ko siya saglit bago ako tumalikod sa kanya. Iginilid niya muna ang aking buhok at mula sa likod ay isinuot niya sa akin ang kwintas. Kahit nakatalikod ay ramdam ko kung gaano siya kalapit sa akin. I could feel the heat from his body and somehow...it’s comforting. Nararamdaman ko ang kanyang hininga sa aking leeg kaya medyo nakikiliti ako. Mayamaya lang ay marahan siyang naglapat ng magagaang halik sa balikat ko. Kumabog nang malakas ang aking puso at sa tingin ko ay naririnig din ni Arc ito. Delikado itong nararamdaman ko. Simpleng halik niya pa lang sa balikat ko para na akong mababaliw. Ano pa kaya kapag may sunod pa siyang ginawa? Baka tuluyan na akong bumigay. Agad akong lumayo sa kanya. Hindi ko na siya nilingon at umakyat na ako sa kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama habang iniisip ang nangyari. Muntik na. Muntik na akong pumayag sa gusto niya. Paano kung hindi rin ako lumayo? Hindi ko maisip na may mangyayari sa amin doon sa kusina! So, anong ibig mong sabihin? Na kung wala kayo sa kusina, papayag ka? Gumulong ako sa kama at isinubsob ang mukha sa unan. Nababaliw na ako. Kinakausap ko na ang sarili ko ngayon. Kasalanan ‘to ng lalaking ‘yon, e! Nakapagbihis na ako ng mas komportableng damit at tinanggal ko na ang panloob ko pero hindi pa rin ako inantok. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nagpapaikot-ikot dito sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Siguro dahil mahaba ang tulog ko kanina. Bumangon ako at saktong may kumatok. Sino pa ba ang kakatok ng ganitong oras? Si Arc lang naman ang nakita kong gising kanina. Pero bakit naman niya ako pupuntahan? Inayos ko ang damit ko at tinabunan ko ng buhok ang aking dibdib bago ako lumapit sa pinto. Binuksan ko iyon at tama nga ako. Si Arc ang kumakatok. Hawak niya ang baso na may gatas na naiwan ko sa kusina kanina. “You forgot your milk. Nagtimpla ako ng bago dahil lumamig na ‘yung tinimpla mo kanina,” malumanay niyang sabi. Kumunot ang noo ko dahil parang amoy alak siya. Kinuha ko muna ang baso at inilapag sa mesa na nasa gilid ng pinto bago siya muling hinarap. “Uminom ka ba?” tanong ko. “Just a little. Sleeping pills don’t have effect on me anymore,” he answered. So, sleeping pills pala iyong ininom niya kanina. Madalas siguro siyang hindi makatulog kaya may naka-ready na gamot. Hindi na ako kumibo. “Drink your milk then go to sleep. Goodnight,” he muttered before he left. Isinarado ko na ang pinto bago kinuha ang baso na may gatas. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ininom ko iyon pagkatapos ay kinuha ko ang ointment sa bag ko. Kapag hindi ako makatulog dati ito ang ginagamit ko. Hindi na nga lang masyadong tumatalab sa akin ngayon pero baka tumalab kay Arc. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kwarto niya. Nagdalawang-isip pa ako kung kakatok ako dahil naalala ko ang sinabi niya kanina. Ako lang ang naglakas-loob na pumasok sa kwarto niya. Sa huli ay kumatok pa rin ako. Hindi naman ako papasok sa loob. Iaabot ko lang sa kanya itong pamahid. Ilang saglit lang ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Namumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. “Ito o,” sabi ko at inabot sa kanya ang pamahid. Tinitigan niya lang ang kamay ko. “Nakaka-relax ‘yan kaya aantukin ka. Kapalit ng gatas na tinimpla mo.” “I don’t need that. Bumalik ka na sa kwarto mo,” sabi niya at isasarado na sana ang pinto pero hinarang ko ang kamay ko. Mas malakas siya sa akin kaya tuluyang nagsarado ang pinto. Buti na lang at mabilis kong nabawi ang kamay ko pero naipit pa rin nang bahagya ang dulo ng daliri ko. “Ouch!” daing ko habang kinakagat ang naipit kong daliri. Bumukas ulit ang pinto at agad na tiningnan ni Arc ang kamay ko. Nakakunot ang noo niya pero kita ko ang pag-aalala. Walang sabi-sabi ay hinila niya ako papasok sa kwarto niya. “W-Wait. Bakit mo ako pinapasok dito?” nauutal kong tanong. Hinila niya ako patungo sa dulo ng kama at umupo siya doon. Noo ko naman ang kumunot sa pagtataka. “You want to give that ointment to me, right? Ikaw ang maglagay sa akin,” utos niya. Napalunok ako. Kahit nakaupo ay halos hanggang balikat ko pa rin siya. Pumikit siya habang hinihintay na lagyan ko siya ng ointment. Kaya naman binuksan ko ang bote at naglagay ng kaonti sa mga daliri ko. Kinakabahan man ay ipinahid ko ito sa sentido niya. Sunod kong minasahe ang batok niya hanggang sa kanyang balikat. Hindi pa ako tapos sa pagmamasahe nang hawakan niya ang kamay ko. “That’s enough. You can leave now,” he said while his eyes were still closed. Tinitigan ko siya saglit bago ko siya tinalikuran. Mabibigat ang bawat hakbang ko at parang labag sa puso ko ang umalis. Tumigil ka, Lian! Alam mong delikado ang magsama kayo sa iisang lugar ni Arc! Isipin mo ang p’wedeng mangyari! Inabot ko ang doorknob at dahandahang pinihit iyon. Pero nang bubuksan ko na ang pinto ay biglaan din itong sumarado. Gulat akong napalingon at nakita ko si Arc sa likuran ko. “I changed my mind,” he said before pushing me against the wall and smashing his lips on my lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD