Napanganga ako nang mapanood ang balita. Ang alam ko ay pamilya ni Leo ang may-ari ng SPC. Hindi lang halata pero mayaman talaga ang pamilya nila. Kahit naman may ginawa siyang masama sa akin, hindi ko pa rin mapigilang malungkot sa nangyari sa negosyo nila. Nabasa ko noon sa isang featured magazine kung paano pinaghirapan ng tatay niya na palaguin ang kanilang negosyo. Kaya hindi ko maisip kung bakit biglaan itong nalugi. “Let’s eat.” Tumingin ako kay Arc at may kasama siyang dalawang maids. May dala-dala silang tray na may pagkain. Hindi ko maalis ang paningin ko kay Arc at hindi ko gusto ang naiisip ko ngayon. What if...may kinalaman siya sa pagka-bankcrupt ng company nila Leo? What if sa gano’ng paraan siya gumanti? Kaya niya bang gawin ‘yon? Magagawa niya ba ang gano’ng bagay? H

