Nasamid ako sa narinig. Inabutan kaagad ako ni Arc ng tubig at agad ko iyong ininom. Nang mahimasmasan ay sinamaan ko siya ng tingin. “Talaga? Hindi ba hindi ka mahilig sa pancakes? Kapag gumagawa kami no’n, hindi ka kumakain,” sabi ni Manang Aida. Magsisinungaling pa ang isang ‘to. Alam ko naman kung anong pancakes ang tinutukoy niya. Iniisip ko tuloy kung tinapon niya ba ang pancakes na niluto ko. “Manang, that was before. But when I ate Lian’s pancakes, I realized that it's tasty. So, from now on, isa na ‘yon sa paborito kong kainin,” nakangising sabi niya. Sobrang init na ng pisngi ko sa pinagsasabi niya. Hinintay kong umalis si manang bago ko siya sinipa sa binti. “Bakit mo ‘ko sinipa?” tanong niya. Kinurot ko siya sa braso. “Nakakainis ka! Bakit naman gano’n ang pinagsasabi m

