Chapter 2

1183 Words
Mabilis na hinila ni Priya ang tali ni Tori ang kanyang kabayo upang makalayo sa lugar bago pa siya makita ng lalaking niligtas niya mula sa pagkakalunod sa ilog. Hindi niya akalain sa ganoong paraan mabibigay ang una niyang halik. Pilit niyang kinukumbinsi na hindi niya hinalikan ang lalaki kundi niligtas niya lamang ito ngunit naglapat parin ang labi nilang dalawa. Tulalang nakauwi si Priya sa kanilang banwa. Saka pa lamang niya naalala ang sapin niya sa paa na naiwan kanina sa gilid ng ilog dahil sa pagmamadali niyang makaalis kanina. “Prinsesa!” Napa-angat siya ng tingin dahil sa pamilyar na tinig na tumawag sa kanya. Pinasadahan siya nito ng tingin. Dahil bukod sa wala siyang sapin sa paa ay madumi pa rin ang palda niya dahil kanina sa pagkahulog niya sa kabayo. “Saan ka galing bakit ganyan ang itsura mo?” Kunot noo na tanong niya. “Sa burol, nag-ensayo kasi ako ng palaso.” Sagot niya dito. “Ah ganun ba? Hinahanap ka kasi ni Datu Kiram. Gusto daw niya tayong maka-usap.” Sambit niya. Ibinigay ni Priya ang renda ni Tori sa tagapaglingkod na sumalubong sa kanila. “Hindi pa tayo tapos Tori babalikan kita mamaya ha?” Inis na wika ni Priya sa alagang kabayo. Natatawang sinundan ng tingin ni Amir ang babaeng ipinagkasundo sa kanya ng kanyang mga magulang. Bata pa lamang siya ay malaki na ang pagtingin niya dito. Ngunit mailap si Prinsesa Priya. Nararapat lang para sa isang prinsesa ang maging mahinhin at konserbatibo ngunit iba ang tingin niya dito. Dahil matigas ang ulo nito at palagi nalang sumasakit ang ulo ng Datu dahil sa kanya. Nakaramdam ng takot si Amir na baka hindi sang-ayunan ni Priya ang kasunduan sa pagitan ng pamilya nila. Pero umaasa parin siya dahil matalik niya itong kaibigan. Umaasa siyang kahit kaunti ay bibigyan ng halaga nito ang lahat ng pinagsamahan nila. Hinayaan niyang magpalit muna ito nang may gintong kasuotan na para lamang sa maharlikang angkan ay lalong nagbibigay ito sa kanya ng kakaibang ganda. Kapag suot naman niya ang gintong palamuti na nakapaikot sa kanyang ulo. Habang may maliliit na tirintas ang likuran ng kanyang nakalugay na mahabang buhok ay mas lalong kumikislap ang kanyang mga mata sa tuwing nakikita niya ito. Dahil para itong dyosa mula sa malayong lugar na napapalibutan ng maraming magagandang bulaklak. “Ang bibig Amir. Baka pasukin yan ng langaw.” Natatawang wika ni Priya. Nang makita niya ang pagkakatulala ni Amir sa kanya. Alam niyang noon pa may pagtingin na ito sa kanya. Makisig si Amir at mukha siyang prinsipe pero ang turing niya dito ay isang matalik na kaibigan lamang dahil mas gusto niyang mamuno sa buong banwa kagaya ng ginagawa ng kanyang ama kaya siya nagsikap upang maging magaling sa pakikipaglaban. Ngunit batid niyang hindi ito ang gusto ng kanyang amang Datu para sa kanya dahil ang tingin sa kanya ng kanyang ama ay mahinang klase ng babae na dapat ay sa loob lang ng balay matatagpuan habang pinagsisilbihan ang kanyang asawang Datu.   “Ina!” Nakangiting bati ni Priya kay Dayang Arya. “Ama!” Lumapit siya sa dalawa at yumuko. “Saan ka naman nangaling?” Ma-authoridad na tanong ng kanyang amang Datu. “Ama, nagpunta lang po ako sa burol. Upang magsanay sa pagpasa. Alam niyo ba? Mas magaling na akong pumana ngayon kaysa kay Amir!” Masiglang sabi ni Priya. Ngunit napawi din ang ngiti niya dahil walang tugon ang mga ito. “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na ang prin—“ “Prinsesa ay dapat nasa balay upang asikasuhin ang kanyang asawa at mag-aral kung paano alagaan ang asawa para mas maging masaya ang pagsasama.” Putol ni Priya sa kanyang Ama. Dahil sa paulit-ulit na paalala nito. “Priya!” Saway nito sa kanya. Napahawak pa ito sa kanyang noo dahil sa katigasan ng ulo ng nag-iisa niyang anak. “Ama, alam ko ang resposibilidad ko bilang anak niyo. At saka bakit palagi niyo na lang binabangit ang pag-aasawa? Masyado pa po akong bata para roon.” Nakangusong wika ni Priya sa kanyang Ama. “Tama na yan Kiram, tama si Priya. Masyado pa siyang bata. Hayaan muna natin ang prinsesa sa gusto niyang gawin.” Wika naman ng kanyang Ina. Nginitian niya ito dahil alam niyang ito ang nag-iisa niyang kakampi pagdating sa kanyang Amang Datu. “Hindi Arya, kailangan ng malaman ni Priya ang napagkasunduan ng lupon.” Naguguluhang tumingin si Priya sa sinabi ng kanyang Ama. “Panahon na upang ipakasal ka sa napili kong humalili sa akin Priya.” Sambit ng kanyang Ama na ikinagulat niya. “Po? Anong sinasabi niyo Ama?” Kinakabahang tanong niya. Alam niyang darating ang araw na ito ngunit hindi niya akalain na ang ama niya ang magpapasya ng dapat niyang maging asawa. “Tama ang narinig mo at sa ikalawang linggo na magaganap ang pag-iisang dibdib niyo ni Amir.” Dagdag pa nito. Kaagad siyang lumingon sa likod dahil naroon si Amir at nakayuko. Nag-angat ito ng tingin at sinalubong ang masamang tingin ni Priya. “May alam ka ba sa kasunduang ito?” Seryosong tanong ni Priya sa kanya. Marahang tumango si Amir. Nakita niya ang pangingilid ng luha ni Priya kaya nilapitan niya ito. “Wag kang lalapit….” “Priya!” Saway ng kanyang Ama. Masama ang loob na tinignan niya ang kanyang Ama. “Ako ang magdedesisyon kung ano ang gusto kong gawin Ama!” Isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang pisngi na ikinagulat niya. Tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha. “Responsibilidad ko bilang magulang mo ang itama ka Priya! Hindi ikaw ang masusunod!” Sighal nito sa kanya. “Bakit ama? Dahil ba sa isa akong babae kaya wala akong karapatan na pamunuan ang isang banwa?” Umiiyak na tanong niya dito. Habang nakahawak pa rin sa kanyang pisngi. “Isa kang Prinsesa Priya! Mahalaga ang papel mo sa mga kababaihan na narito sa ating tribo! Kagaya nang ginagawa ng iyong Ina, ikaw ay tinitingala sa ating nasasakupan. At kailangan mong makuha ang respeto ng iyong mapapangasawa!” Halos dumagundong na ang boses ng kanyang Amang Datu sa buong bulwagan ng kanilang balay. “Paano kung madungisan ko ang respetong sinasabi niyo Ama?” Kinakabahang tanong niya sa kanyang Ama. “Anong ibig mong sabihin!” “Paano kung nagawa kong halikan ang isang estrangherong nakilala ko kanina lang kanina sa ilog? Sa tingin mo tatangapin pa ako ni Amir at ng angkan niya?” Bago pa siya ulit masaktan ng kanyang Ama ay kaagad na humarang si Dayang Arya. Hindi naman niya napansin ang matalim na tingin na ipinukol sa kanya ni Amir mula sa kanyang likuran. “Bakru…..!” Malakas na tawag ng Datu sa pinuno ng mga mandirigma nila na ipinagtaka ni Priya. Kaagad itong pumasok at lumuhod sa kanila. “Ano pong maipaglilingkod ko mahal na Datu?” Magalang na tanong ni Bakru. “Puntahan niyo ang lapastangang estranghero sa ilog at hanapin niyo siguraduhin niyong dadalhin niyo siya dito ng buhay! Ngayon din!” “Opo!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD