Chapter 6

1338 Words
“Bilisan mong tumakbo!” Utos ni Prinsesa Priya kay Fernan dahil mas nauuna pa siyang tumakbo rito. At nagsisimula na ring magtahulan ang mga aso. Kaya nalaman nila na may nakatakas na bihag. Kabisado niya ang gubat kaya siguro madali lang sa kanya ang tumakbo kahit na liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing tanglaw nila. Pero si Fernan ay hirap na tuntunin ang daan dahil bukod sa madilim ang paligid ay marami pang matataas na talahib na humaharang sa kaniyang pagtakbo. Hinihingal na tumigil si Fernan at humawak sa malaking puno. Bumalik si Prinsesa Priya tignan si Fernan. “Gusto mo ba talagang mahuli tayo?” Inis na sabi niya dito. “S-sino ka ba? Ba-kit mo ako tinu-tulungan?” Hingal na sagot ni Fernan. “Andun sila!” Kaagad niyang hinila si Fernan sa likod ng puno at tinakpan ang bibig nito. “Wag kang maingay.” Saway niya dito. Sumilip si Prinsesa Priya sa gilid ng puno upang tuntunin kung nasaan ang mga humahabol sa kanila. Mga liwanag ng sulo na naglalagablab ang hawak nila. “Mahihirapan tayong makatakas...” Mahinang sambit niya. Bumalik ang tingin niya sa lalaki na ngayon ay titig na titig sa kanya. Isang dangkal na lamang ang layo ng mukha nila sa isa’t-isa at nakahawak pa ang isang kamay ni Prinsesa Priya sa matipunong balikat nito. “Wag mo akong titigan ng ganyan kung ayaw mong madagdagan ang kasalan mo.” Banta ni Priya sa kanya. Dahan-dahan niyang tinangal ang kamay niya sa bibig ni Fernan dahil nakaramdam siya ng pagkailang dito. “Wala akong kasalanan at kalokohan ang kultura ng tribo na yun. Para lang sa pagligtas sa akin ng sinasabi nilang prinsesa ikukulong nila ako dito at pipilitin na ipakasal sa kanya? Hindi ko nga siya type. Kahit prinsesa pa siya walang magdidikta sa akin ng dapat kong gawin. Sa suidad nga, hindi lang lapat ng labi ang nagagawa namin torried kiss pa at sila mismo ang lumalapit sa amin. Nagmamaka-awang patulan namin sila. Tapos dahil lang sa halik na hindi ko rin naman ginusto ay paparusahan nila ako? Anong klaseng batas ang meron sa tribo na yun?” Inis na reklamo ni Fernan sa kanya. Salubong ang kilay na tinignan ni Prinsesa Priya ang estrangherong humamak hindi lang sa kanya kundi pati sa buong tribo ng Mandan. Alam niyang magkaiba sila ng paniniwala pero wala siyang karapatan na hamakin ang kanilang tribo kung saan siya lumaki at nire-respeto. “Lapastangan ka! Kung alam ko lamang na ganyan ka manghamak ng tao at tribo ay hindi na sana kita niligtas sa ilog. Sana’y hinayaan na lamang kitang malunod. Pero dahil sa kabutihang loob ko ay nagawa kitang iligtas. Maaring hindi makatarungan sa’yo ang parusa ni ama. Pero para sa amin na lumaki sa ganoong paniniwala at pinangangalagaan ang kultura ay hindi mo kami masisisi kung mahigpit kami sa batas ng aming tribo lalo na pagdating sa maharlikang tao na tulad ko. At dahil binali ko ang batas na yun ay maari pa akong maparusahan ng dahil sa’yo. Pero ito lang ang matatangap ko? Ang hamakin ako ng tulad mo? Pero dahil hindi rin naman kita gusto tutulungan pa rin kitang makatakas dahil ayoko ng makita yang pagmumukha mo…” Masamang loob na sumbat niya dito. Gulat na expression ang gumuhit sa mukha ni Fernan sa narinig niya mula sa babaeng nakatakip ang kalahati ng kanyang magandang mukha ay tanging mata lamang ang kanyang nakikita. Hindi niya akalain na ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay ang babaeng nagligtas sa kanya at ang prinsesa ng tribo. Ibang-iba kasi ang kilos nito kanina nang makita niya ito sa bulwagan. Kung kanina ay mayumi itong kumilos at hindi makapabag ng pinggan. Ngayon ay para itong mandirigma sa kanilang tribo. “Wag kang gagawa ng kahit na ano mang ingay at sumunod ka sa akin. Dalawang oras pa ang tatakbuhin natin para makarating ka sa dinaraanan ng mga sasakyan. Kaya kailangan nating bilisan.” Paalala ni Prinsesa Priya. Kinuha niya ang kamay ni Fernan at dahan-dahan silang humakbang palayo sa malaking puno. Ang hindi alam ni Prinsesa Priya ay nasa kanya lamang ang mga mata ni Fernan. Kaya hindi na rin nito namalayaan ang inapakan niyang marupok na sanga at lumikha ito ng ingay. “Sh*t!” Marahas na nilingon ni Prinsesa Priya si Fernan. “Kasasabi ko lang diba? Bakit hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!” Mahinang saway niya kay Fernan. Muling nag-ingay ang mga aso at malapit na yun sa kinaroroonan nila. “Paano ako titingin sa dinadaanan ko wala nga akong makita.” Reklamo ni Fernan sa kanya. Hindi kasi siya sanay sa dilim. At pakiramdam niya ay tumatakbo sila sa kawalan. Hindi kagaya ni Prinsesa Priya na nahahawi pa ang mga dinadaanan nila. “Isang reklamo mo pa estranghero! Ihaharap na kita sa lupon para derecho parusa ka na!” Inis na sabi niya dito. Kanina pa siya nauubusan ng pasensya sa lalaking ito kaya kaunting-kaunti na lang ay hahayaan na niya itong tumakas ng kanya. Pero siguradong mahuhuli lang ulit siya ng mga tauhan ni Bakru dahil mas kabisado nito ang bundok lalo pa ngayon sakay pa ang mga ito ng kabayo. Nagtataka tuloy siya kung bakit nalaman agad na nakatakas ang kanilang bihag. Kaya ngayon ay wala siyang magagawa kundi panindigan ang naging plano niya. “Andun sila!” Narinig niyang sigaw ng isang ka-tribo na humahabol sa kanila. “Takbo!” Muli niyang kinuha ang kamay nito at hinila upang makalayo sa papalapit ng ka-tribo. “Bilisan niyo! Kapag hindi natin nahuli ang bihag malalagot tayong lahat sa mahal na datu!” Sigaw ni Bakru na hindi nakaligtas sa tenga ni Prinsesa Priya. Gustuhin man niyang harangan ang mga ito ay hindi niya kayang saktan ang mga ka-tribo niya kaya hanga’t kaya niyang umiwas ay iiwas siya. Alam niyang mapaparusahan sila at pati na rin siya pero mas gugustuhin pa niya yun kaysa naman ipilit sa kanya ang lalaking sa tingin niya ay masama ang pag-uugali. Sa sobrang bilis ng takbo ni Prinsesa Priya ay nabitawan niya si Fernan kaya gumulong ito sa mababang bangin na bahagi ng lupa. At derecho ito sa ibaba. “Ahhh! Sh*t! Nabali ata ang tadyang ko!” Impit na sigaw ni Fernan. Yumuko siya at inabot ang kamay sa kanya. “Kaya mo bang umakyat? Mahahabol na nila tayo!” Kinakabahang tanong ni Prinsesa Priya. Sinubukan ni Fernan na tumayo at inabot ang kamay niya ngunit dahil sa mabigat si Fernan ay nahulog din siya at saktong bumagsak ang katawan niya sa ibabaw ng katawan ni Fernan. Nakayakap ang braso nito sa kanyang beywang at sa likod naman ang isa. “Pisti! Bakit ka nangyayakap?!” Sigaw niya dito at mabilis na umalis sa ibabaw niya. “Hindi kita niyakap, ikaw ang bumagsak sa akin remember?” Sagot naman niya dito. Kaagad niyang hinila si Fernan upang dumikit sa gilid ng lupa dahil sa pagliwanag ng paligid. “Priya! Ilabas mo ang estrangherong yan!” Narinig niyang sigaw ng kanyang ama. Hindi niya akalain na masusundan parin sila ng mga ito kahit malayo na ang tinakbo nila. “Alam na ni Ama, at kapag nahuli nila tayo wala na tayong kawala. Kaya kahit anong man ang mangyari wag kang gagawa ng ingay..” Mahinang bulong ni Prinsesa Priya sa kanya. “Mahal na datu! Ang pares ng kanyang sapatos!” Napatingin si Prinsesa sa paa ni Fernan at nakumpirma niyang nawawala ang suot nitong sapin sa paa. Kaya lalong nagdugtong ang kilay niya. “I’m sorry…” Sambit ni Fernan Nagulat silang dalawa nang may tumalon sa harapan nila. May dala pa itong mga sulo kaya kitang-kita na nila sila Prinsesa Priya at si Fernan. “Nandito po ang prinsesa at ang bihag.” Imporma ni Bakru sa Datu. “Ibalik sila ngayon din!” Sigaw ng Datu. Wala nang nagawa si Prinsesa Priya dahil nahuli na sila ng mga ito. Hindi naman niya pwedeng kalabanin ng harap-harapan ang ama dahil lalo lamang itong magagalit sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD