FERNAN Nagtaka ako dahil tumigil siya sa pagpapatakbo ng kabayo kaya agad ko siyang naabutan. “Narito sila.” Napatingin ako sa dereksyon na tinitignan niya. At nakita ko ang sampung lalaking nakasakay din sa mga kabayo. Kakaiba din ang itsura nila bukod sa suot nila ay may kulay itim pa silang marka sa kanilang pisngi at parang nabibilang din sa isang tribo kagaya ni Prinsesa Priya. “Sino sila?” Seryosong tanong ko sa kanya. Masama ang kutob kong hindi sila gagawa ng mabuti habang papalapit sila sa amin. “Sila ang Tribo ng Andak, ang pagkakaalam ko ay matagal na nilang gustong kubkubin ang aming banwa.” Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at nakatingin pa rin siya sa mga ito. “Kubkubin means?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Mukha kasing nababahala siya sa mga paparati

