PRINSESA PRIYA Pagbalik namin sa banwa ay nag-aalalang mukha ni Ina ang sumalubong sa akin. Nasa tabi niya rin si Dari at halatang alalang-alala rin sa akin. Kaagad niyang tinawid ang pagitan namin at mabilis akong niyakap. Alam ko na labis ang kanyang pag-alala sa akin pero hindi naman ako natakot sa mga kalaban. Oo, marami sila at hindi ako sigurado kung matatalo ko sila. Pero kung nahirapan sila Bakru at Amir baka nga hindi ko sila kakayanin lalo pa’t kasama ko itong manyak na lalaki na ramdam kong nasa likuran ko lang. Akala ko magiging pabigat siya sa akin. Pero nagawa niya akong iligtas gamit ang kanyang baril. “Priya, nasaktan ka ba anak?” Sinuri niya ako at hinagod ng tingin. Kaya umiling ako sa kanya. “Hindi po ako nasaktan Ina. Si Tori at si Fernan lang.” Lumingon siya sa

