PRINSESA PRIYA Papalubog na ang araw nang magpasya kaming lumabas sa malaking bahay upang libutin ang buong isla. Nakakamanghang tanawin ang bumungad sa amin. Malawak kasi ang dalampasigan kumpara kanina na mataas pa ang tubig at humahampas sa mga bato ang alon. Ngayon ay litaw na litaw ang puti at pinong buhangin sa buong isla. Suot ko ang mahabang damit na kulay puti at manipis na tsinelas. Ito kasi ang pinasuot niya sa akin hindi ko nga akalain na may nakahanda na pala akong mga damit. Pinabili niya raw ito para sa akin at kasyang-kasya naman sa aking katawan. Siya naman ay nakasuot ng kulay itim na maong short at puting t-shirt. May suot din siyang tsinelas. Magkahawak kamay naming binabaybay ang dalampasigan. Halata sa kanyang mukha na masaya siya. Kahit puro lang kami sulyapan at w

