Chapter Ten Khal pov " call me kung nandyan na si mrs. Princess lyka fuentabella... Sa private elevator mo siya pasakayin para direct to the office agad siya simon." " yes, sir." Para akong sirang plaka na paulit ulit kong sinasabi at pinapaalala kay simon ang mga iyon.. Hindi ko na maalala kung ilang beses akong tumawag sa ibaba para malaman ko lang kung nakarating na si lyka.. I am very excited and nervous at the same time... Makikita ko na siya ulit. Hindi nga ako nakatulog magdamag dahil sa kakaisip sa kanya.. Dahil sa magkikita na kami ulit matapos ang insidenteng iyon sa paris... Mas lalo ko siyang namiss, mas lalo akong nasabik sa kanya.. At ngayong magkikita na kami at makakasama ko na siya araw araw hindi ko alam kung paano ko pa mapipigilan ang nararamdaman ko... Kung paano

