Cindy's "Yung totoo, bakit ang tagal nila? Baka may ginagawa na silang kababalaghan, ah!" Natawa naman si Juliet sa sinabi ko at yumakap lang sa'kin. Eh, paano ba naman kasi, kanina pa kaming naghihintay rito ni Juliet sa living room at hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas sa kwarto sina Ate at si Yanyan. Ay nako, baka naman 'pag napadpad ako sa lungga nila, rated SPG na yung madatnan ko! Don't me! Susunugin ko kwarto nila! "Juliet, pasukin na natin!" Utos ko at akmang tatayo na pero inawat niya 'ko at hinila paupo. Tumingin ako sa kanya habang nakakunot ng bongga ang noo ko. "Bakit ba?" "Let them be alone, kailangan nila 'yon." Kalmadong sabi niya habang pinaglalaruan ang buhok ko, jusmiyo nagiging ano na naman po siya. "If you want, let's go to your room, let's be alone there." Ki

