Away-bati.
Ganyan kami ni Juliet sa mga nakalipas na buwan. At ngayon... siyempre away-bati pa rin!
Sinong may kasalanan palagi? Sino pa ba? Sino pa ba rito yung mahilig magmaganda? Ako, malamang! Wala siyang magagawa, alam naman niyang matigas ulo ko. Pero kahit sobrang pasaway ko at minsan hindi ako nakikinig sa kanya, ito, pinagtitiyagaan niya pa rin ako.
Maganda kasi ako! Maganda na, sexy pa!
"Hmm..."
Napangiti ako nang kumunot yung ilong niya, nairita siguro kasi kinikiliti ko yung mukha niya gamit ng buhok ko. Wala, wala akong magawa eh. Magtiis siya.
Maaga akong nagising dahil sobrang lamig. 'Langya kasi, ang tindi mag-aircon ng babaeng 'to. Pasalamat siya malambot itong kama niya. Nandito ako sa bahay niya pero nag-behave naman siya ng kaunti. Sadyang grabe lang magpa-cute itong girlfriend ko kaya napapayag niya akong matulog dito. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ng bugok kong kapatid noong nagpaalam akong makikitulog dito...
"Hoy, Ate Steff." Agaw-pansin ko sa kanya habang panay siya sa pagtitig kay Yanyan na panay lang ang paglalaro sa cellphone niya. Partida, pati game sa cellphone ng isip-bata kong pinsan pinagseselosan din niya. Tindi tumitig.
"Bakit?" Tanong niya nang hindi lumilingon sa akin. Binatukan ko siya ng malakas. "Aray! Sinasapian ka na naman!"
Gaganti sana siya pero lumayo na agad ako. Bwisit, eh, sarap pektusan sa ngala-ngala.
"Tse! Bastos ka kasi kausap! Try mo kayang tumingin sa akin!" Kunot-noong sigaw ko sa kanya.
Napakamot naman siya sa ulo niya at inirapan ako. Aba! Ang tapang na. "Ano ba kasi 'yon?"
Napabuga ako ng hangin at nameywang. "Makikitulog ako sa bahay nina Juliet ngayon at hindi mo ako mapipigilan."
Oh, 'di ba? Galing ko magpaalam. Sabi nga nila, talk like a boss, act like a boss. Eh, akong boss dito!
"So? Edi makitulog ka! Kahit huwag ka nang bumalik! Pabor pa nga sa akin 'yon, eh," Muli siyang tumingin kay Yanyan at ngumisi ng sobrang pilya. "Solo ko si Yanyan mamayang gabi."
'Langya talaga 'tong kapatid ko. Halatang gusto na akong ipamigay!
Para namang naestatwa si Yanyan sa narinig at napalunok. Lumingon siya sa akin at ngumiti na parang humihingi ng tulong. "Ah, eh, mahal kong pinsan? Ano kaya kung sumama na lang ako sa iyo —ay, s**t! Steff!"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang bigla siyang dinamba ni Ate Steff at alam na...
"Wah, Steff! Huwag ngang malikot 'yang kamay mo!"
Napailing na lang ako at tumalikod na sa kanila. Maglalandian na naman eh. "Mag-aayos na ako ng damit."
"Okay! Bukas ka na ng gabi bumalik!" Sigaw sa'kin ng m******s kong kapatid. "Kailangan makarami ako kay Yanyan ko!"
"Steff! Susumbong kita kay Mama!! Cindy!" Tili ni Yanyan na alam mong nagpa-panic na.
"Sira-ulo. Hindi ako nanay mo!" Natatawang sambit ko bago ako makapasok sa kwarto para mag-pack na ng dadalhin ko.
"Mine?"
Oh, gising na pala itong babaeng 'to. Hinawi ko yung buhok niyang nakaharang sa mukha niya. "Oh?"
"You're smiling. Gandang-ganda ka sa akin, 'no?" Ay nako, nagyabang na naman ang bruha. Ngiting-ngiti pa siya pagkatapos magtanong. Patusuk-tusok pa sa tagiliran ko. "Yee, nagagandahan siya sa akin."
"Tigilan mo 'ko Juliet, ah! Aga-aga, nag-a-assume ka na naman. Maghilamos ka muna! May panis na laway pa, eh." Sabi ko sa kanya. Napahawak naman siya sa gilid ng lips niya.
"Wala naman, eh," Nakangusong sagot niya sa akin. Hinawakan ko naman yung lips niya at pinisil, pahahabain ko. "Hmm!" Angal niya nang dinidiinan ko ang pagpisil sa labi niya. Ang cute kasi! Kaso baka masakit na kaya binitawan ko rin agad. "Ang shakit."
"Nakakagigil, eh." Natatawang sagot ko. Pout kasi ng pout. Ayan tuloy.
"Pwede mo naman panggigilan ang lips ko using your own." Ngumiti siya ng pilya habang panay ang pagtaas-baba ng kilay.
Pabiro kong tinampal yung pisngi niya at kinurot. "Sira! Ang aga-aga, kamanyakan na agad nasa isip mo."
"Mine."
"Bakit?"
"Ang ganda ng lips mo."
"Alam ko. Salamat." Kunot-noong sagot ko sa kanya. Kabaliwan na naman napasok sa isip nito.
"It's color pinkish pa." dagdag niya.
"Okay? Anong pinaglalaban mo?"
"Nothing. I just want to kiss you."
Ngumiti siya ng inosente at nilapit yung pagmumukha sa akin pero pinigilan ko. "Hep! Hindi pa ako nagt-toothbrush!"
"So?"
"So ka riyan! Malamang may morning breath! So-win ko mukha mo riyan, eh."
Ngumiti siya at napailing. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. "Love, you should know that it doesn't matter to me. I'd still love to kiss your luscious lips."
"Sabihin mo manyak ka lang." Napaiwas ako ng tingin at automatic na umirap. Narinig ko namang tumawa siya.
"Only for you, Cindy. Pa-kiss na." Lambing niya sakin habang pinagdidikit ang noo naming dalawa. Amoy ko yung hininga niya pero bakit siya parang walang morning breath? Amoy menthol.
"At bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Because I want to," Ngumuso siya na parang bata.
"So?"
"Mine naman, eh, sige na." Mas lalo pa siyang nag-pout. Ay nako ang bata, nagta-tantrums na.
"Oo na! Mamaya umiyak ka—"
Hindi ko na natapos yung sasabihin ko sana dahil hinalikan agad ako ng babaita! Excited lang? Nakakaloka.
Nagsimula kami sa slow kiss lang, hanggang sa naging agresibo na naman siya. Kinagat niya yung lower lip ko at hindi na nag-aksaya ng oras dahil kaagad niyang pinasok ang dila sa loob ng bibig ko. Ang bilis talaga.
Sinandal niya ako sa headboard ng kama niya habang panay pa rin kami sa pagnamnam ng lips ng bawat isa. Hindi talaga ako magsasawa rito. Sarap, eh. Parang ang manyak naman ng sinabi ko. Kainis!
"I love you," Nakangiting sabi niya pagkatapos ng ilang minuto.
"Alam ko." Sagot ko sa kanya na ikinanguso na naman ng bata. Nakasimangot na nga, eh. Kinurot ko yung magkabilang pisngi niya. Ang cute talaga ng babaeng chinita!
"Awsh! Shakit!" Daing niya habang nanggigigil ako.
Tumigil na rin ako nang mapansin kong namumula na yung pisngi niya. Aw, ang cute lalo! Tapos nakasimangot pa! Hinalikan ko ang magkabilang pisngi niya kaya agad siyang napangiti. "Masakit pa?"
"Mm-hm," Tumango siya at nag-pout ulit. "Lips ko masakit. Kiss mo rin."
"Hindi ko naman kinurot lips mo, ah." Natatawang sabi ko. Mga galawan ng babaeng 'to!
"Eh, kanina, kinurot mo."
"Sus. Palusot!" Sabi ko pero hinalikan ko pa rin naman siya ng mabilis. "Okay na?"
"Super!"
Ngiti pa lang niya, buo na araw ko. Hay, korni ko talaga! Wala, eh, mahal na mahal ko na 'tong Juliet na 'to.
Mahal ko siya kahit lagi ko siyang inaaway, kahit minsan nasasaktan ko siya ng pisikal. Love ko si Juliet kaya makikipagpatayan talaga ako sa kung sinong aagaw sa kanya. Pero sana naman wala, 'no. Akin lang si Juliet, eh.
--
Yanyan's
"Steff, baka gusto mong bitawan ako?" Reklamo ko habang panay ang paglilikot para makaalis sa yakap niya. "Steff naman, eh! Susumbong talaga kita kay Mama!"
"Sumbong ka," Tatawa-tawang sagot niya. "Hindi naman 'yon maniniwala sa'yo."
Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin kaya lalo akong napasimangot. Nakakainis naman kasi si Cindy, eh, iniwan ako! Ang sama ng magkapatid na 'to, lagi akong inaaway.
"S-Steff!" Nanlaki ang mata ko nang biglang bumaba ang kamay niya papunta sa puson ko kaya agad kong hinawakan 'yon para hindi niya magalaw. "Likot ng kamay mo! Uuwi na talaga ako!"
Babangon na sana ako kaso nahila niya agad ako pahiga. This time, dinantay na niya yung binti niya sa binti ko. Nakakainis talaga!
"Tabi muna tayo."
"Ayaw! Malikot kamay mo!"
"Okay, magbe-behave na ako."
Hindi na lang ako umimik at pumikit na lang. Wala naman akong magagawa, eh. Siya na lang lagi nasusunod. Kahit ayaw ko, wala! Walang nakakapigil sa kanya!
"Yanyan ko, bakit ang bango mo?" Tanong niya habang panay ang amoy sa leeg ko. Nakakailang talaga yung ginagawa niya. Para kasing may kumukuryente sa akin na nakakakiliti sa pakiramdam.
"Yanyan ko ka riyan! At saka malamang mabango ako, natural scent ko 'yan, eh."
"Hm..." Nag-hum siya bilang sagot. Busy siya sa pag-amoy ng walang kalaban-laban kong leeg. Ang weird talaga ng kapatid na 'to ni Cindy.
Parehas talaga kayong magkapatid! Isang sadista at isang m******s!
"Marian." Tawag niya sa pangalan ko na talaga. Ibig sabihin, seryoso na siya. Hindi ako sanay kapag seryoso siya.
"Hm?" Okey, seseryoso na rin ako. "Bakit?"
Bumangon na siya at ganoon din ako. Nakaharap siya sa akin. Hinagod niya ang buhok niya na may violet na highlight. Nagpakulay siya ng hair last month. Ang ganda ng kinalabasan, kainggit. Magpapa-highlight nga rin ako, color pink. Ang cute ko siguro kapag ganoon.
"—mo?"
"Ha?" Ano raw? May sinasabi ba siya?
Ngumiti siya tapos pinisil yung ilong ko. "Kako, anong iniisip mo?"
"Uh, iniisip ko magpakulay ng buhok? Color pink!" Pagmamalaki ko.
Akala ko maiinggit siya kaso ang hanimal, tinawanan lang ako!
"Pink ka riyan. Ano ka, si Barbie?"
"Bakit ikaw, nagpakulay ka nga ng violet, eh! Monster High lang?" Pang-aasar ko kaso waepek naman sa kanya. Pinitik niya lang ang ilong kong nananahimik. "Ouch."
"Wala ba akong pag-asa?"
"Ha? Pag-asa saan?" Anong tinatanong nitong si Steff?
"Pag-asa sa iyo," seryosong sagot niya.
"Bakit? Hindi kamo kita ma-gets." Nakakunot-noo na sabi ko. Ano bang pag-asa pinagsasabi nito?
Napakamot siya sa ulo niya na parang frustrated tapos umiling-iling. "Slow talaga."
"Hoy, sinong slow? Ako?" Tanong ko agad. Eh, ako lang naman nasasabihan ditong slow palagi.
"Sino pa nga ba? Ang slow mo."
"Eh, kung nililinaw mo kasi yung sinasabi mo, 'di ba!"
Nakaka-bad trip, eh. Ang labo niya magsalita tapos maiinis siya sa'kin kasi slow daw ako.
"Kung hindi lang kita...hay nako! Ang sarap mong batukan minsan!" Sumimangot na siya at binatukan nga ako. Pero mahina lang.
"Grabe, minsan para kang si Cindy. Sadista ka rin!" Nag-pout ako at sumimangot din.
"Don't pout."
"Bakit?"
"Basta."
"Bakit nga?"
"Hahalikan kita, gusto mo?"
Automatic akong napatakip sa bibig ko. "p*****t!"
"Sus." Naging nakakaloko na naman ang expression niya. Moody rin 'to. Kanina nakasimangot tapos ngayon nang-aasar naman! "Naghalikan na tayo, remember?" Hinawakan niya pa yung lips niya na parang nag-i-imagine. Tapos napakagat pa siya sa labi niya. "Sarap talaga ng lips mo, Yanyan ko. Patikim ulit."
"T-tumigil ka nga!" Pakiramdam ko ang init-init ng mukha ko sa narinig. Bakit kasi kailangan pa 'yon ipaalala, eh.
"Matulog na lang tayo." Hinila niya ako pahiga at muling yumakap sa akin. "Saka ko na lang papapakin 'yang labi mo kapag tulog ka na."
"S-subukan mo lang!" Banta ko pero mukhang hindi naman siya apektado.
"Okay. Tulog na."
Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan na siyang sumiksik sa leeg ko. Baka kung ano na naman gawin niyan sa akin kapag pumalag ako. Mahirap na.
"Mahal kita kahit slow ka."
Napalunok ako nang bumulong siya. Mas lalong humigpit ang yakap niya. Naramdaman ko tuloy na parang huminto saglit ang pintig ng puso ko tapos biglang dumoble ang bilis ng kabog nito. s**t, tama ba yung narinig ko? Sobrang mahina kasi kaya hindi ako sigurado. Tapos parang kinakain niya pa yung salita niya.
"May sinabi ka ba, Steff?"
"Wala."
"O-okay." Mali nga yata ako ng pagkakarinig.
_____