"Ssh!" "Huwag kang maingay." "Ikaw yung maingay, eh." "Shut. Up." Napakunot naman ako ng noo nang makarinig ako ng mga maiingay na bulungan sa tabi ko. Nakadapa ako sa kama at nakapikit. Malamang natutulog ako. At nakakainit ng ulo dahil maingay sila. Inaantok pa ako, eh! "Ready?" "Oo." "Basta kapag nag-ala dragon, alam na, ah?" "Yes, ma'am!" Ano bang pinagsasabi ng mga 'to? At saka sino ba yung mga boses? Kaurat. "One, two, three..." Sabay-sabay na bilang nang mga boses. "Hiya!" "Aray!" Tuluyan nang nagising ang diwa ko at lahat ng nerve cells ko sa katawan nang makaramdam ako ng bigat sa katawan ko, sa likod. Jusko ano 'to, bangungot? Ang bigat! "Sandwich!" Sigaw ng mga hinayupak na dumagan sa likuran ko. Napamulat ako ng mata at pinilit silang lingunin. Shete talaga, hindi

