"Mine, ayos ka lang ba talaga?"
Tiningnan ko siya ng matagal. Yung matagal talaga. Pang-ilang beses niya na ba akong tinanong niyan? Ah, oo. Simula nang paggising namin kanina, tanong na siya ng tanong kesyo okay lang daw ba ako o masakit ba ulo ko at kung nasusuka ba ako. Nasa school na kami't lahat-lahat, hindi pa rin siya natigil. Inabot na siya ng break time sa pagtatanong.
Nginitian ko lang siya nang mapansin kong naiilang na siya sa titig ko. "Okay nga lang ako."
"Sure?" Paninigurado niya.
"Oho." Pag-a-assure ko.
"Sure na sure?"
"Oo nga, ang kulit niya, oh."
"Hmkay," pakantang sagot niya.
Nagsimula talaga siyang maging ganyan nang dalawang beses akong bumagsak pagkabangon namin. Hang-over. Nauntog pa yung ulo ko sa kung saan, buti na lang at hindi nagkabukol. Letse kasing inumin 'yan, traydor!
Pero walang makakapigil sa'kin, iinom ako hangga't gusto ko! Hah!
"Cindy!"
Mas lalong sumakit ang ulo ko nang dumating si Yanyan habang sinisigaw ang pangalan ko. Nagsitinginan tuloy yung mga taong nakatambay at kumakain dito sa canteen. Lagi na nga silang nakatingin sa amin ni Juliet, ngayon mas lalong naging fixated tuloy yung attention nila sa amin.
Napaka naman kasi ng babaeng 'to, ang sarap lang salpakan ng kahoy yung bibig.
"Cindy, mahal kong pinsan, nandito ka lang pala!" Hyper na sabi niya pagkarating sa table namin. Umupo siya sa tabi ko tapos kumaway ng malaki kay Juliet na kaharap naman namin. "Konnichiwa, mahal kong Juliet na gerpren ng pinsan ko!"
Naiinis na dinagukan ko siya. "Tumahimik ka nga! Yung totoo, lasing ka pa rin, ano? Nakakabwisit ka."
"Awts! Itte, itte! Why so hard? Mada-damage yung brain ko—"
"Matagal nang damage yang utak mo, Yanyan. Matagal na." Putol ko sa sasabihin niya. Magp-pout sana siya kaso inamba ko na yung kamao ko sa bibig niya. Tinikom niya na lang ito sa huli. "Ba't ba nandito ka?"
Bigla namang bumalik yung pagka-hyper niya at tinaas-baba ang mga balikat. "Laro tayo, laro tayo!"
Napakunot naman yung noo ni Juliet. "Laro? What kind of game, then?" From kunot sa noo, nag-smile naman siya na parang excited na excited. "Whatever, I'm in!"
Isip-bata. Manyak na isip-bata. Tama, tama.
"Yosh!" Masayang sambit ni Yanyan. Nakangiting tumingin siya sa akin. "Ikaw Cindy?"
Naramdaman kong tinatawag ako ni mother nature kaya tumayo ako. "CR lang ako."
"Sasagot lang nambibitin pa."
"Wala kang pake!"
Hindi ko na sila nilingon pa at tinahak ang daan papuntang CR. Agad akong pumasok sa isang cubicle at umihi. Inayos ko muna ang sarili ko. Uso rin naman sa'kin mag-suklay at powder. Palabas na sana ako nang may biglang pumasok na tatlong babae, actually magaganda sila—pero mas maganda ako. Nanlaki ang mata nila at humagikhik. Okay...anong meron?
"Hindi ba ikaw yung isa sa laging kasama ni Juliet?" Tanong no'ng isang naka-messy bun ang buhok.
Tinaasan ko siya ng kilay at tumango. "So?"
Ano naman kayang kailangan ng mga 'to?
"Ay ang taray, mga besh!" Exclaim no'ng isang mukhang bagong rebond ang buhok bago tumingin sakin. "Anyways..."
May kinuha silang kung ano sa bag nila na envelope pala. Tatlong envelope ang binigay nila sa'kin. "So, anong gagawin ko sa mga sobre niyo?"
"Pakibigay naman yan kay Juliet!" Sabay-sabay na sabi nila.
"Ha? Ano ba—hoy!"
Lokong mga babae 'yon. Umalis ba naman bigla.
Tiningnan ko yung inabot nila sa akin. Binasa ko yung nasa harapan. May heart-heart pa.
To: Juliet ❤❤❤
Nakuyom ko yung mga sobre. Bwisit.
Love letter. Bwisit.
Para kay Juliet. Bwisit.
Love. Letter. Love letter? Uso pa ba 'yon!
At may heart pa!
Hindi ba nila alam na taken na si Juliet?! Nakakagigil!
Tinago ko yung binigay nila sa bulsa ng skirt ko at lumabas. Nagtataka namang tumingin sa akin si Juliet. Nakasunod lang ang mata niya sa akin habang umuupo ako sa upuan ko. Si Yanyan naman, may nilalantakan na.
"You look grumpy. May problema ba?" Tiningnan ko siya ng masama kaya medyo nagulat siya. "W-what?"
Tumayo ako at inabot ang kwelyo niya para magkalapit ang mga mukha namin. "Akin ka lang, naiintindihan mo?"
"H-ha? T-teka, why are y—"
"Sabihin mong akin ka lang!" Sigaw ko kaya napatingin sa akin yung mga tao. Tumingin ako sa kanila ng masama kaya bumalik ulit sila sa mga ginagawa nila na parang walang nangyari. Tumingin ulit ako kay Juliet. Napalunok siya. "Akin ka lang."
Unti-unti siyang tumango at mabilis akong hinalikan sa lips na siyang ikinasinghap ng mga tao sa paligid. Wala akong pakialam kahit mangisay pa silang lahat diyan ngayon.
"I'm always yours, love." Sabi niya. May kasama pang kindat.
"Hindi ka pwedeng tumingin sa ibang babae."
Tumango siya. "Ikaw lang nakikita ng mata ko."
Pinigilan kong mapangiti. "Huwag na huwag kang tatanggap ng kahit na ano sa kanila."
"Aye-aye, Milady." Cute na sumaludo siya sa akin. Tinaas-baba niya ang dalawang kilay habang napapangiti.
Bumalik na ako sa pwesto ko at kuntentong tumango. Hay, salamat.
"Nakakatakot pala kapag possessive ka Cindy," wika ni Yanyan. Ubos niya na rin yung kinakain niya, "Huhulaan ko kung bakit ka nagkakaganyan."
Nag-smirk ako at tinaasan siya ng kilay. Sigurado akong kalokohan na naman ang natakbo sa isip niyan. "Sige nga, ano sa tingin mong nangyari?"
"Hmm..." Humawak siya sa baba niya na akala mo talaga ay nag-iisip siya. "Siguro...habang palabas ka ng CR may nakasalubong kang mga babae tapos inabutan ka nila ng love letter para ipabigay kay Juliet. At dahil girlfriend mo si Juliet, nainis ka tapos nagselos! Tama ba?"
Hindi ako nakapagsalita. Naramdaman kong nag-iinit na yung mukha ko.
"Love letter? That's too old school." Comment ni Juliet na napatingin sa'kin. "Hm? You're blushing, Mine."
Nanlaki ang mata ni Yanyan. Tumitig at ngumiti siya sa akin ng nakakaloko. "Omg! Huwag mong sabihing—"
"Tumahimik ka!"
"—tama yung hula ko sa'yo?"
Mas lalong nag-init ang mukha ko. "H-hindi 'no! Asa ka naman."
"Eh, bakit kulay kamatis ka na?"
"M-mainit lang kasi!"
Ngumiti lang siya na halatang hindi naniniwala sa sinabi ko at nag-shrug ng balikat. "Okay, sabi mo, eh. Mainit nga naman kahit naka-aircon. Okay."
"Mainit nga kasi!"
"Okay, sabi mo, eh," pakanta niyang sagot.
"Isa! Yanyan, ah! Sasapakin na kita!" Pagbabanta ko. Nakakaasar na, eh!
"Defensive," Bulong niya pero narinig ko naman.
"Hindi ako defensive! Mainit naman kasi talaga!"
"Oo na, Cindy. Wala naman na akong sinasabi."
Napairap na lang ako. Wala raw sinasabi pero makangiti wagas.
"Anyways, highways, tinext ko na sina Dianne para mas marami tayong maglalaro. Saktong maaga silang dinismiss ng prof nila. Taray 'di ba, sumasang-ayon sa akin si tadhana." Sabi niya.
"Ano ba kasi 'yang larong 'yan?" Curious na tanong ko. Kanina pa siya mukhang excited, eh.
"Basta! Mag-e-enjoy ka promise." Nag-sign pa siya na tumahimik ako.
Umismid lang ako at inabot yung kamay ni Juliet na nasa ibabaw ng table. Nilaro ko yung palad at mga daliri niya bago ko in-intertwine sa sarili kong kamay. Ang lambot ng kamay ni Juliet. Kamay-mayaman, naks. "Juliet, marunong kang maghugas ng plato?"
"No, why?" Nagtatakang sagot niya.
"Eh, maglaba, marunong ka?"
"Hindi, eh."
"Maglinis ng bahay?"
"No."
"Magluto?"
"No."
"Hmm..."
"Bakit ba?" Tanong niya ulit.
"Wala lang." Nagkibit ako ng balikat. Kaya siguro sobrang lambot ng kamay. Pahihirapan ko to next time.
"You're weird today." Nakangusong sabi niya.
"At least nagpapikot sa'yo." Binelatan ko siya.
Napangiti naman siya at nag-blush pa ng slight. "Mahal din kita."
"Ehmeyged. Banat wanowan, I was like, ehmeyged. Kikiligin na ba me? Ehmeyged."
Tiningnan kong masama yung epal kong pinsan. "Yanyan, napakaepal mo. Pwede huwag kang manira ng moment? Peste ka."
"Ouch, why you so bad? Bakit kay Juliet ka lang sweet, Cindy? Bakit!" Exaggerated na pagd-drama niya.
Pinanlisikan ko siya ng mata, "Titigil ka o—"
"Oo na, oo na," Putol niya sa sasabihin ko. "Alam ko na Cindy. Mahal ko ang buhay ko kaya shut up na ako. Zipzip."
--
"'Ssup, yo!"
"Yeah, men!"
"Anong trip ninyo ngayon?" Tanong ko nang makarating na sina Dianne at Trisha. Mukha silang hiphop na ewan sa suot nilang cap na may naka-printed na 'Rock You', may malaki pa silang burloloy sa leeg, sandamakmak na boller at malaking t-shirt na color red. Ang matino lang yata ay yung suot nilang pambaba na fitted jeans at converse shoes.
Si Juliet naman napanganga na lang sa nakita. Napangiti ako saglit tapos tinikom ko yung bibig niya. Kinurot ko siya ng mahina sa pisngi. Inabot niya ang kamay ko tapos hinalikan. Sweet. Saan ka makakahanap ng ganyang girlfriend? Wala! Sa'kin lang si Juliet!
"Nag-perform kami kanina. Eh, kailangan daw maging creative, edi eto. Astig ba, mga pare ko?" Ibinida sa amin ni Dianne yung damit niyang doble pa ata ang size sa kanya.
Tumawa naman si Yanyan habang nakayuko na sa hiya si Trisha. Partida, napilit lang 'tong babaeng 'to ng jowa niyang maluwag ang turnilyo sa utak. "No thanks, mas prefer ko na ang sarili kong taste sa fashion."
"Whatever. So, ano yung lalaruin natin?"
Nagbago naman bigla ang mood ni Yanyan. "Yep! Ang totoo, napanood ko 'to sa isang anime. Since nagandahan ako do'n sa game na ginawa nila, edi laruin din natin 'yon!"
"Anong name ng game?" Tanong ni Juliet.
"The King Game!" Tuwang-tuwang banggit niya.
"The King Game?" Sabay-sabay na tanong namin.
"Hm-mm!" Tumango si Yanyan. "The King Game o pwede ring tawaging Osama Game para mas feel. Simple lang kung paano," Kinuha niya yung bag niya at naglabas ng mga chopsticks. Aba, may props pa si babae. "Sabi nga nila, ang utos ng hari ay hindi nababali. Simple lang ang mechanics. So, may chopsticks tayo 'di ba? Isa dito ang may red na marka which stands for Osama or King while yung the rest, may nakalagay na number 1 and up. Pagsasama-samahin ko yung mga chopstick gamit ng isang kamao ko, syempre hindi ko ipapakita yung number and mark. Kukuha tayo ng stick natin pero huwag ninyong sasabihin kung anong nakuha niyo. Yung makakakuha ng red mark, siya ang may karapatang magbigay ng command sa kahit na sinong number na sasabihin niya. Then, paulit-ulit lang. Gets?"
Tumango kami. Mukhang interesting yung laro. "Game!"
"Yown!" Tinipon na niya yung mga chopstick. "Sabay nating sasabihing, 'O wa daredesu ka?' bago tayo bumunot, okay?"
"O wa—ano?" Tanong ni Dianne.
"O wa daredesu ka." Ulit ni Juliet. "That means, who is the king."
Wow, marunong kaya siya mag-Japanese?
"Okay, gets. Game na."
Nag-mental count ako hanggang three then. "O wa daredesu ka?"
"Woah, I'm the king! I'm the king!" Excited na sabi ni Dianne habang wini-wave yung chopstick niya. "Hmm...ano kaya magandang command..."
Patay tayo riyan. Number 2 ako. Sana hindi number ko ang matawag.
"Number 4! Umikot ka ng isandaang beses then sumigaw ka ng 'walang himala!' pagkatapos." utos niya.
Napalunok si Trisha at tumayo. Nanlaki naman ang mata ng kasalukuyan naming hari. Ngumiti siya ng alanganin at nag-peace sign. "Sorry, baby. Babawi ako sa'yo later."
Ngumiti si Trisha at tumango then nagsimula nang umikot. "One, two, three, four..."
Pagkatapos ng nakakahilong pag-ikot niya...
"One...hundred...w-walang... himal—" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang takpan niya ang bibig na parang nasusuka. Tumakbo siya na halos gumegewang, parang lasing. Banyo diretso no'n.
Tumingin kami ng masama kay Dianne.
"W-what?" Guilty na tanong niya. "C-command 'yon! Tsaka malay ko bang number four siya!"
Bumalik na rin si Trisha makalipas ang ilang minuto. Ang putla niya pero mukhang mas okay na siya kaysa kanina. Lumapit sa kanya si Dianne. Yumakap siya sa maputlang girlfriend at hinalikan ito sa lips. "Sorry."
"Okay lang. Dare lang naman 'yun."
"Nasusuka ka pa?"
"Hindi na. I'm sorry kung nag-alala ka."
"Ako dapat mag-sorry. Kung alam ko lang na—"
"Ssh, okay lang. I love you."
"I love you, too."
"Oh, tama na landian! Maglaro na tayo, bilis!" Naiinip na wika ni Yanyan.
Inirapan tuloy siya no'ng dalawa. Natawa naman si Juliet. Napangiti tuloy ako, ang ganda kasi ngumiti. Tumingin siya sa'kin at nag-I love you pero walang boses. Pasimple kong nilingkis yung binti ko sa binti niya sa ilalim ng table. Para lang kaming mga bata. Harhar, pasimpleng harot.
"Kulang ka na naman sa landi ni Ate Steff kaya ganyan ka." Pang-aasar ni Dianne.
"Tse! Huwag ninyong ngang banggitin pangalan niya."
"Bakit? Mas nami-miss mo ano?"
"Hindi, 'no! Duh."
"Asus! Hindi ka naka-score kagabi?"
"Ew! Maglaro na kasi tayo!"
"Fine."
Tinipon niya ulit yung mga chopstick. "O wa daredesu ka?"
Number 2 na naman ako.
"Whoa-ho-ho, ako ang hari, yes!" Ngumiti si Yanyan ng nakakaloko. "Number 1, pumunta ka sa counter at ilibre mo ako ng Coke Zero, spaghetti, at strawberry cake!"
Tumayo si Juliet na may ngiti sa labi. "Certainly, Yan-sama." Umalis na siya at dumiretso na nga sa counter.
"Sayang! Kung alam ko lang na si Juliet mapipili ko edi sana dinamihan ko na yung order." Nanghihinayang na sabi niya.
Inirapan ko siya. "'Langya ka, peperahan mo pa yung tao."
"Minsan lang naman! Baka kasi ikaw mapili ko kaya konti lang pina-order ko."
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Anong tingin mo sa akin, pulubi?"
"Hindi naman, kuripot lang—aray!" Napangiwi siya. "Hindi mo naman kailangang mambatok!"
"Letse ka kasi."
Nag-start na ulit kami nang makabalik na si Juliet.
"O wa daredesu ka?"
Ngumiti ako ng evil. "King ako."
Napalunok silang lahat. "Guys, end of the world na."
"Tandaan ninyo, mahal ko kayong lahat."
"Pinaka the best kayong ka-friendship."
"No matter what happen, solid tayo, mga fre, whualahng thithibvhuag."
"Tena, anong spelling nun? Ang jeje."
"Secret."
Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila. "Number 3."
Number pa lang ang sinasabi ko pero nakita ko nang napalunok na si Dianne. Ahuh, ikaw pala ha. "Number 3, umikot ka ng 200 hundred times at umalulong ka na parang wolf pagkatapos."
Tumayo na siya at napatingin kay Trisha. "Totoo nga ang sinasabi nila. Digital na ang karma."
Napahinga siya ng malalim at umikot na at gaya ng inaasahan, sinapit niya ang nangyari sa dyowa niya. Mabilis siyang tumakbo paalis habang takip ang bibig. Mukha siyang lantang gulay pagkabalik niya. "S-start na ulit. B-babawi pa ako."
"O wa daredesu ka?"
"Whoa, my turn." Nakangiting sambit ni Trisha. Tumahimik muna siya saglit ang nag-isip. "Hmm...number 1, kiss number 3."
"Number 1 ako. Sino yung three?" tanong ko.
"I am, love." Ngumiti ng nakakaakit si Juliet.
Aba, kung sinuswerte nga naman.
Napailing na lang ako sa kanya. In fairness, nakakaakit naman talaga siya. Lumapit ako at hinalikan siya sa lips ng mabilis. Hindi ko na pinansin yung pag-irit ng mga kasama namin. Kahit yung mga tao sa paligid, wapakels ako sa kanila. Minsan lang maging PDA.
Ngumiti siya at mapang-akit na dinilaan yung lower lip niya. "Cindy..."
"Hm?"
"Akin ka lang din, okay?" May pagka-possessive na sabi niya. "Ako lang pwedeng humalik sa'yo, humawak sa'yo, ako lang din ang pwedeng magmahal sa'yo."
Bahagya pa akong natawa bago siya gawaran ng halik sa pisngi. "Wala naman akong choice."
"Promise?"
"Promise."
"Pati katawan mo akin lang?"
"Ang manyak ng dating, Juliet."
"Eh...sige na, okay lang 'yan. Akin ka lang? Body and heart?"
"Ang manyak pa rin."
"Sagutin mo na lang kasi."
"Sayong-sayo lang.Walang labis, walang kulang."
_____