"Cindy, baby gi—"
"Juliet, isa!" Naiiritang warning ko sa kanya.
"What?" Tumawa siya at nakipag-apiran pa kay Yanyan.
"What ka diyan? Watwatin ko 'yang mukha mo, eh!"
"Why? Cute naman, ah? Cindy baby girl?" Pag-uulit niya pa.
Lumapit ako at binatukan silang dalawa ng malakas. Hindi na sila nakailag. "'Yan! Nakakainis kayo!"
"Aray, aray!" Daing ni Yanyan habang nakasapo sa ulo niya. Simangot na simangot ang bruha. "Bakit pati ako?"
"Basta! Damay ka!"
"Mine, what you did hurts," React naman ng pang-asar kong Juliet.
"Tse! Dapat lang 'yan sa'yo!" Singhal ko.
"Why you so pikon, Mine?"
"Sinong pikon?"
"You."
"Ah, ganon. Huwag kang hahalik sa akin, ah, makakatikim ka talaga ng gulpi."
Bigla namang bumakas ang takot sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Lumapit siya at hinapit ako sa baywang, tumingin siya sa akin ng nakanguso. "Cindy, I can't kiss you?"
Tumango ako. "Yep. Bawal."
"Naman, eh," Parang bata niyang pagkontra, niyugyog pa niya ako at nagpupumilit na halikan ako pero tinatakpan ko lang ang bibig ko. "Sorry na. Bawiin mo na 'yon. I can't last the day without kissing you."
"Oh, magtiis ka. Karma mo 'yan sa pang-aasar sa'kin." Taas-kilay na sabi ko.
Hindi pa rin siya tumigil. Sinundut-sundot pa niya ako sa tagiliran habang nakayakap at pilit na nagsusumiksik sa leeg ko. "I'm sorry."
"Apology accepted."
"Can I kiss you na?"
"Siyempre hindi!"
Bumitaw siya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Sumimangot siya at humalukipkip. Then, ngumuso, tapos nagpuppy eyes. Ay jusko! Hebi! Paano ko matitiis itong magandang babaeng 'to? Ang cute pa rin! Linshak, why da world is sow anpeyr? Tiisin mo lang ng slight, Cindy. Alam naman nating hindi mo rin matitiis na hindi matikman ang, oh, so, yummy na lips ng girlfriend mo.
Mamaya na lang, Juliet.
"Guys! Nakausap na namin si Kapitan, okay na raw. Start na tayo." Sabi sa'min ng leader at kaklase naming si Cath pagdating niya. Injerness, gende nye kahit chubby siya. Pa-sexy ka, beh! Charot!
Tumingin ako do'n sa opisina ng kapitan. Oo nga, ready talaga, hala sige, make up pa! Paganda pa buhok! Susme, interview lang, eh.
Nandito kami ngayon sa isang barangay office sa lugar ng isa sa classmate namin para mag-interview regarding daw sa family planning, birth control, at walang katapusang uri ng contraceptives. Nakakaloka. Tatlo talaga ang pupuntahan namin. Barangay, health center at school. So...ito. Kailangan maganda kahit mainit. Kailangan fresh sa harap ng camera dahil kukuhanan namin 'to at ipapanood sa mga classmate namin. Pasalamat 'yang sociology subject na yan at favorite ko siya dahil kung hindi, hindi talaga ako sasama rito.
Inabot sa akin ni leader yung camera na inabot ko naman kay Yanyan. "Oh ayan. Gamitin mo. Galingan mo, ah, kailangan maganda kami—lalo na ako."
Napa-poker face siya sakin habang inaabot ang camera. Pinapunta ko kasi siya para maging camera-man namin. Sosyal, 'di ba? Siya ang mahihirapan dahil ang mga barabas kong classmate ay nakalimot magdala ng tripod. Ayan, galawang ewan kami ngayon. Sariling sikap si Yanyan para hindi maging magalaw ang kuha.
"Nakakainis! Dapat 'di na ko sumama, eh," Nakangusong bulong ng pinsan ko.
"May sinasabi ka, Yanyan?" Tinaasan ko siya ng kilay at hinawakan ang kwelyo ng damit niya na parang mananapak.
"W-wala! Wala. Ikaw talaga, sabi ko excited na 'ko. Grabe, pangarap ko 'to, eh!" Ngumiti siya ng pilit pagkatapos umalis sa pagkakahawak ko at pumunta na kina Kapitan. Siya na siguro mag-a-assist.
Tinabihan ko naman sa pag-upo si Juliet na nakasimangot pa rin hanggang ngayon. Aba, mukhang dinamdam ang no kiss punishment, ah. Grabe, ganoon ba kasarap, ka-yummylicious at ka-irresistible ang mapupula, maninipis, at magaganda kong labi para sumimangot siya ng ganyan?
"Hoy Juliet, sambakol 'yang mukha mo. Pumunta ka na ro'n, ikaw unang mang-i-interview, eh." Sabi ko habang hinihila siya sa braso.
"No." Umiiling-iling na sagot niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at nameywang. "At bakit?"
"Kiss." Ang maikling sagot niya.
"Hindi pwede. Parusa mo 'yan. Punta ro'n." Flat na sabi ko. Kahit deep inside, I am like—Ang cute mo, Juliet! Don't worry, may kiss ka later!
"But, Mine, please?"
Jeskelerd, nagpapaawa na po siya! Hinapit at niyakap na ako sa baywang, yung mukha niya nakabaon sa tiyan ko. Nilalaro-laro na rin niya yung kamay ko.
"Mine."
Buti na lang hindi niya ako nakikita dahil nakangiti na talaga ako. Ang cute-cute naman kasi! Matatanggihan ko ba naman itong girlfriend ko?
"Ayaw. Pumunta ka na ro'n." Sabi ko at pinigilan agad ang pag-ngiti dahil nakatitig na siya sa akin.
Acting lang 'to, promise! Mamaya halikan ko na 'yan. Papakipot lang muna ang dyosa.
"No." Umiling siya.
"Isa. Susunod ka o susunod?"
"Kiss muna."
"Dalawa."
"Please?"
"Susunod ka o ie-extend ko 'yang no kiss punishment?"
"Susunod."
"Good. Go na, okay?" Ngumiti ako sa kanya at hinalikan na lang siya sa noo niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na humarang sa buhok ni Juliet. Napangiti naman siya sa ginawa ko at tumango. "I love you."
"Hoy, love birds! Awat sa landian, start na tayo!" Sigaw ni Yanyan na kinukuhanan kami. Tiningnan ko siya ng masama. Nag-peace sign lang siya.
"I love you, too!" Bumitaw na siya sa akin ng may ngiti sa labi at nagmamadaling pumunta sa mga kasama namin.
Ang ganda talaga ng Juliet ko.
"Ang sweet ninyong dalawa."
"Ay, ang ganda!" Gulat na sambit ko. Napatingin ako sa may kaedarang babae na katabi ko na pala at nakangiti sakin na parang aliw na aliw siya. "Ate naman, huwag ho kayong manggulat ng gano'n."
"Bawas-bawasan mo ang kape, iha, nang sa ganoon ay hindi ka maging magugulatin." Bilin niya sa akin habang nakangiti pa rin. Base sa suot niya, isa siya sa mga tanod dito. In fairness, may babaeng tanod sila.
Ngumiti na lang din ako at tumango. Hindi naman ako nagkakape palagi, eh. "Ano nga po ulit yung sinabi ninyo kanina?"
"Kako, ang sweet ninyo. Girlfriend mo ba yung maganda babae na 'yon?" Tanong niya habang nakaturo kay Juliet na abala naman sa pagtatanong. Kinukahanan siya ni Yanyan habang sa likuran naman ng pinsan ko ay naghaharutan sina Cath at isa pa naming classmate na si Tessa. Natatawa tuloy si Kapitan habang nagsasalita. Kita niya kasi yung dalawa.
"Ah, eh, opo," Napakamot ako sa ulo at tumawa ng alanganin.
"Bagay kayo, iha. Mukhang parehas kayong mabait. Huwag ninyo nang pakawalan ang isa't isa."
"Ay siyempre naman po, napikot na ako no'n kahit lagi ko siyang inaaway."
Natawa naman siya at tinapik ako sa balikat. Hindi ko na lang pinuna yung pagtapik niya. "Ay, normal lang 'yan sa isang relasyon. Ganyan din naman kami ng asawa ko. Ang mahalaga walang bibitaw. Kung may problema, pag usapan ng maayos. Wala rin namang kahahantungan ang pakikipagmatigasan. Tiwala, suporta, at pagmamahal lang ang kailangan."
Na-touch naman ako kay Ate, nakakagaan siya ng loob. Nginitian ko siya. "Salamat po sa advice, Ate."
Bumalik ang tingin ko kay Juliet. Naman! 'Yang babaeng 'yan, pakakawalan ko pa ba? Never, as in never! Minsan lang ako magpapapikot, aba. Asa namang papayag akong bumitaw siya. Ang swerte na nga niya't dyosa ang dyowa niya.
"Oh s'ya, ako'y uuwi na muna. Dalaw ulit kayo rito, ah." Tumayo siya at pinagpag ang suot niya. Bahagya pa siyang napapikit dahil sa sikaw ng araw.
"Opo, Ate. Ano nga po palang pangalan ninyo?"
"Glenda. Ate Glenda."
Tumango ako at nag-wave sa kanya habang palayo na siya.
--
Hapon na kami natapos at nakauwi na ang mga kaklase ko. Nandito pa rin kami sa loob ng sasakyan ni Juliet. Nasa tapat na kami ng bahay namin pero hindi pa kami bumababa. Si Yanyan naman ay kanina pa nakababa at malamang nakahilata na 'yon at dumiretso ng tulog dahil siya ang pinakanapagod.
"Mine, nakauwi na nga pala sina Dad at Mom." Sabi niya sa akin. Nakahawak siya sa kamay ko at pinaglalaruan ito habang ako naman ay hinahagod ang buhok niya.
Bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi niya. "A-ah. Kailan mo ako ipapakilala?"
"Tomorrow."
Nanlaki ang mata ko. "Ano!"
"What?" Inosenteng tanong niya. "You introduced me to your mother in a rush so I don't find anything wrong with it. Besides..." Napahinto siya at ngumiti sa akin.
"Ano?" Tanong ko na hinihintay ang susunod na sasabihin niya.
"Uh, sinabi ko na sa kanila that I have a girlfriend."
"Weh? Hindi nga?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
Tumango siya. "I really did."
"Anong sabi nila?"
Nilapit niya ang kamay ko sa bibig niya at kinagat kagat yung daliri ko. Inalis ko yung pagkakahawak niya at nilamukos ang mukha niya. Hinuli niya yung kamay ko at kinagat na naman, lalo ko lang nilamukos ang mukha niya. "Ano ngang sabi nila?"
"They didn't say anything."
"Tapos?"
"That's it. They just told me that they want to meet you tomorrow morning for breakfast."
Natahimik kami parehas. Okay. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. Matutuwa ba ako kasi walang reaction yung parents niya sa akin o matatakot para sa bukas. Susme, ano kayang mangyayari bukas? Matatanggap kaya nila ako? Hindi? Jeskelerd!
Napalingon ako kay Juliet nang hawakan niya ulit ang mga kamay ko. Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. "Don't worry, okay?"
"Paanong hindi? Paano kapag hindi nila tayo matanggap?"
"Edi itatanan kita."
"Seryoso? 'Pag sinabi mong joke, bubutasin ko ulo mo."
"I-I'm serious."
"Sus. Ba't ka nautal?"
"Because what you said was so morbid, Mine."
Natawa ako kasi mukhang natakot nga siya. "Joke lang!"
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan sya sa lips. Nakita kong nanlaki pa ang mga mata niya sa gulat dahil sa ginawa ko. Pumalakpak ako sa harap niya para matauhan siya. "Huy! Namatanda ka riyan?"
"I...I thought no kiss punishment?" Naguguluhang tanong niya.
"Charot lang 'yon, Juliet! Bakit, ayaw mo?" Tinaas-baba ko ang kilay ko ng nakakaloko.
Ngumiti siya ng pilya. "Of course I want to, Cindy."
Lumapit ulit ako at hinalikan siya sa leeg. Bongga, ang bango ni Juliet. "Oh, talaga..."
"M-mine, what...what are you doing?" Pabulong na tanong niya habang patuloy ako sa ginagawa.
Napangiti ako at ginapang ang kamay ko sa baywang niya. Napasinghap siya ng maabot ng lips ko ang tainga niya at kinagat ito. Galawang Cindy! Good luck sa'kin!
"Ayaw mo ba ng ginagawa ko, hm, love?" Tanong ko sa mababang boses. Shems, kaya ko palang mang-akit. Ang ganda ko talaga!
"O-of course, I like it. No, I-I mean... I love it."
Napangiti ako lalo. Hinalikan ko siya pababa sa panga niya, papunta sa pisngi. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinagdikit ang noo namin. "Juliet."
"Yes?"
Na-relax ako nang maramdaman ko ang hininga niya. Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya. "Huwag kang bibitaw kahit inaaway kita, ah."
Natawa siya. Hinawakan niya ako sa baywang at mas hinapit palapit. "I love you."
"Alam ko."
Ngumuso na naman ang babae. "Mine naman, eh."
Natawa ako ng mahina bago idinampi ang labi ko sa kanya. Napapikit ako at mabagal na iginalaw ang mga labi namin. Mabagal hanggang sa bumilis. Mas hinapit niya pa ako at ikinawit ko naman ang mga braso sa batok niya. Mukhang sabik na sabik si Juliet. Eng gende ke telege.
Napaungol siya ng pinalalim ko ang halik. I dared to explore her mouth and she's very responding. Ako na excited, minsan lang 'to. Isinandal niya ako at naramdaman ko ang kamay niya sa loob ng damit ko. Patuloy lang kami sa ginagawa habang walang tigil ang kamay niya sa paghawak sa tiyan ko. Wala akong abs, kaasar!
Humihingal na kami nang matapos. Ang sarap talaga halikan ni Juliet, nakakaadik. Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko at binigyan ito ng maliliit na halik. Hindi pa rin niya inaalis ang kamay sa loob ng damit ko. "'Oy, 'yung kamay mo."
"Ang sarap mo hawakan, eh," bulong niya.
"Manyak ka lang talaga."
"Mahal ka naman."
"Alam ko."
"Mine."
"Hm?"
"I love you."
"I love you, too."
"Cindy."
"Bakit na naman?"
"Don't worry for tomorrow, I'm with you." Pag-a-assure niya sa akin.
Hinagod ko ang buhok niya pababa sa likuran. Ang kalmado niya, nakakahawa. Sana nga maging ayos lahat katulad ng sa kanila ni Mama.
_____