Ito na talaga ang pinaka-worst na araw sa buong buhay ko. Baddest day...ever!
Saktong pagka-break ay tumakbo na kaagad ako palabas ng room para hanapin si Yanyan. Kailangan ko ng shield laban do'n kay Juliet na sobrang p*****t. Kapag naaalala ko yung ginagawa nya sa'kin kanina ay naiiyak ako, gustung-gusto ko siyang ipa-shoot to kill! Dapat pala talaga hindi ko iniwan iyong martilyo sa bahay, eh. Pinangtakot ko lang naman kina Yan at Ate 'yon talaga kaya nang tumalikod sila ay saka ko lang iyon inalis sa bag ko. Nakakaasar!
Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Buti na lang talaga at hindi nya ako naabutan. Sana mag-disappear na lang 'yang Juliet na 'yan forever o kaya sana iba na lang ang landiin niya─huwag lang ako!
"Nasaan na ba ako?" tanong ko sa sarili. Napakamot ako sa ulo ko habang tinitingnan itong lugar na napuntahan. Ang alam ko, pupunta ako kay Yanyan. So ano 'tong napuntahan ko? Part pa rin naman 'to ng school, 'di ba? 'Di ba? Oo, part pa 'to ng school. My gas, tanong ko sagot ko.
Ayoko sana magsayang ng load, pero sige na nga, tatawagan ko na siya! Kaysa naman hindi na ako makaalis dito. Takot ko lang. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Yanyan. Ring lang ng ring. Bwisit ka, Yanyan, sagutin mo 'tong tawag ko! Unattended, peste. Sinubukan ko ulit siyang tawagan. Mga after three rings ay sumagot na rin ang bruha. Salamat!
"Hello—"
"Yanyan!" kaagad na sambit ko sa pangalan niya.
"Ang boses mo, Cindy! Ang sakit sa bangs! Bakit ba?"
"Puntahan mo ako rito." utos ko. "Naliligaw 'ata ako."
Patingin-tingin ako sa paligid. Baka mamaya may kung anong elemento na rito, nakakaloka!
"Hindi pwede, may prof pa kami rito. Nagpa-excuse nga lang ako na sagutin yung tawag, eh." sagot niya. Nakakairita naman 'tong babaeng ito.
"Basta, pumunta ka rito!" utos ko, "Sabihin mo may emergency o kaya natatae ka kaya kailangan mong mag-cr!"
"Letse ka! Anong kaeme-emergency sa'yo? At saka, duh, ang pangit ng excuse mo, ah!" sagot niya pabalik. Napapansin ko talaga na matapang lang si Yanyan kapag hindi niya ako kita, eh.
"Pumunta ka rito."
"Ayoko!" Kulit, lintik!
"Pupunta ka rito o uuwi kang butas ang ulo?" pananakot ko na. Char lang. Akala naman niya dala ko pa rin yung martilyo, eh.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Oo na. Nasan ka ba?"
Bibigay rin naman pala. Tiningnan ko ulit ang paligid ko. "May katabi akong malaking puno rito tapos may nakikita akong parang lumang fountain at saka—"
"Alam ko na." putol niya sa sinasabi ko. "Bye!" Nakarinig na lang ako ng toot na sound.
"Letse." Napairap ako. Hindi man lang ako pinatapos magsalita tapos pinatayan pa ako ng tawag. Aba, matindi! Ano na ngayon ang gagawin ko?
Wala namang kahit ano rito. Hindi naman ako mahilig maglaro ng games sa cellphone. Wala namang tao rito tapos itong punong nasa malapit sa akin, parang bahay ng kapre sa laki. Nakakatakot. Saan ba magandang pumwesto? Kung hindi lang ako matatakutin edi sana hindi ako nag-iisip ng kung ano. Kumanta kaya ako? Kaya lang baka bumagyo. Nakaka-amaze kasi ang boses ko kaya pati si mother earth nakikisabay na sa'kin. Oh, my gosh, I'm so amazing talaga! Hay, nako. Kahit takot ako rito sa puno, sige na, uupo na 'ko.
--
Dumating na rin si Yanyan saktong malapit na akong ma-deds sa kakahintay. Lumapit ako sa kanya at binatukan siya nang malakas.
"Aray! Para saan 'yon?" Hinimas-himas niya ang ulo habang nakatitig sa akin nang masama.
Umirap ako. "Para iyon sa kabagalan mo. Bakit ngayon ka lang, ha?"
"Eh, syempre naman, pahirapan kayang pakiusapan yung prof namin. Bakit ka ba kasi napunta rito?"
"Malay ko ba?" iritableng sagot ko, "Eh, naligaw nga kasi ako! Ialis mo na ako rito, natatakot na ako sa puno na parang bahay ng kapre, eh."
Napatitig ako sa puno. Ramdam kong nagsitayuan mga balahibo ko sa katawan at napaiwas ng tingin. Scary!
"Opo, mahal na reyna." Hinawakan ako ni Yanyan sa kamay. Dumiretso na lang kami sa sinabi niyang tambayan niya simula raw nang mag-aral siya rito. Sa likod lang naman iyon ng isang building na may mga nakatenggang upuan. Hindi ko rin alam kung bakit may mga upuan dito, pwede namang ilagay sa storage room. Hindi naman pulubi itong college na ito.
Umupo kami kung saan may mga monoblock at tumulala lang ako sa kanya. Kinakalikot niya ang cellphone. Nagbilang ako sa isip-isip ko. "Yanyan...ang boring!"
"Wait lang. Tinext ko na yung mga friends ko, pupunta na sila rito." sabi niya. Ngumuso ako, nakakainip! "Malapit na naman mag-break, eh." May binasa pa siyang text ulit at muling tumipa.
"Oo na lang," bulong ko. Napabuga na lang ako ng hangin.
"Ah, kakanta na lang ako!" suggestion ng bruha. Magsisimula na sana siyang kumanta nang tinitigan ko siya nang masama at taasan ng kilay. Subukan mong kumanta, Yanyan, papasakan ko talaga 'yang bibig mo ng bato. "A-he-he-he," scripted niyang tawa. "Joke lang naman! Gusto lang kita malibang, eh."
"Tumambling ka sa harap ko kung gusto mo akong malibang." ako naman ang nag-suggest. "Nakaka-stress ang boses mo, Yan, huwag mong ipagpilitang maganda."
Sumimangot siya kaya lalong na-distort ang mukha. "Arte, akala mo kagandahan ang—"
"May sinasabi ka?"
"Wala!"
After million years ay dumating na rin ang mga sinasabi niyang kaibigan niya. Tatlong babae sila. Iyong isa ay astigin pumorma, yung isa ay simple lang tapos may pagka-boyish naman iyong huli. Lumapit sila sa'min ng pinsan ko. Si Yanyan naman parang isang dekadang hindi nakita yung tatlo kaya lumapit siya sa kanila at nagyakapan nang mahigpit. Napailing ako. Nakakadiri naman 'yang ginagawa nila.
"Uh, mga friends kayo ni Yanyan, 'di ba?" singit ko sa yakapan moments nila. Nag-nod naman silang lahat kasama na si Yan. "Pwede gawin ninyo 'yan kapag nakatalikod ako or kung wala ako? Ang weird lang tingnan, eh."
Napakunot naman sila ng noo at sabay na tumingin kay Yanyan.
"Sino ba siya?" tanong ni boyish girl.
"Ah, si Cindere—"
"Subukan mong buoin ang pangalan ko, Marian, alam mo na kung saan ka pupulutin." Putol ko sa tangkang pagbuo niya ng pangalan ko.
"J-joke lang!" Agad naman siyang namutla. "Mga girls, siya si Cindy. Pinsan ko."
"Ang hard ng pinsan mo." Komento no'ng babaeng astigin ang porma. "Psst, I'm Renzy."
"Mukha ba 'kong aso?" tugon ko. Makasitsit, eh. "Uso mag-hello." Tinawanan niya lang ako. May sira ang ulo.
"Nga naman, Renz! Cute naman siya kahit ang hard." Sabi naman no'ng girl na medyo simple ang porma. Nilingon niya ako at nginitian. "I'm Rin, sophomore."
"Hi." Plain na sagot ko. "Correction lang, maganda ako, hindi cute."
"Ako si Mariel," Pakilala naman no'ng may pagka-boyish. "Nice to meet you."
Ngumiti na lang ako at tumingin kay Yanyan. Nakakapagod magpakilala. "Hoy, babae, gutom na ako."
Inirapan niya ako bago ako hilahin. "Tara girls, punta na tayong canteen. Sinusumpong na naman 'tong pinsan ko."
Sinamaan ko siya ng tingin na hindi naman niya napansin. Makasabi 'to ng sinusumpong parang may malala akong sakit. Letse talaga 'tong babaeng 'to. Naglakad na kaming lahat papuntang canteen. Sina Renzy at Rin panay lang ang daldalan, si Mariel naman feel na feel pumindot sa cellphone niya. Mga tao rito pare-parehas may sariling mundo.
Napatingin naman ulit ako kay Yanyan. Aba, kilig na kilig na naman sa poncho pilatong ka-text niya.
"Kaya ka naha-harass ni Ate Steff, eh. Ang bilis mo kiligin sa chat mate mo." Kahit mainit ang panahon ay pansin na pansin kong nag-blush siya sa sinabi ko. Parang 'yon lang, kinikilig na kaagad. Ang harot talaga, nakakaloka. "Baka naman kasi sinasadya mong pagselosin si Ate para lagi kang maka-score sa kanya?" pang-aasar ko.
"Sira! A-ano ba 'yang sinasabi mo? Score-score ka riyan!" Kulang na lang ay umusok ang ilong niya sa pag-sagot. "Hindi ko nga ma-gets 'yong Ate mo sa mga pinaggagawa niya, eh."
Ang defensive masyado.
"Manhid." Bulong ko na hindi niya naman narinig. Yung mga friends niya naman, wala, nakanganga lang sa'min. Napaismid ako.
"Mine!" Muntik na akong matumba nang may biglang yumakap sa'kin paharap nang mahigpit. Pilit ko namang kaagad inalis kaso ayaw matanggal. Parang linta! "Where have you been? I told you to stay."
Nanlaki ang mata ko nang humarap siya sa'kin. "J-juliet?" Tinulak ko ulit siya kaso mas humigpit ulit ang pagkakasakal niya sa'kin. Tumitindig na naman ang balahibo ko dahil dikit na dikit talaga ang mga katawan namin. "Bitaw nga! Ano ba, nasasakal na ako! Bwisit!"
"Oops, sorry, my bad." Bumitaw na siya sa'kin ang kaso, yung kamay ko naman ang pinagdiskitahan niya. Nakakainis. "Sino sila, Mine?"
"Mine?" Chorus nina Yanyan. Pwede na silang mag-choir.
"Pakialam mo?" panonopla ko. Hindi ko na lang inintindi yung exaggerated reactions ng mga kasama ko. Nilingon ko si Juliet. "At saka pwede ba, huwag mo nga akong tawaging mine!"
"Wow, Cindy, kaya pala ang lakas mo manlait kapag nagyayakapan kami, gawain mo rin pala." parinig ni Yanyan. Parang naging instant avid fan naman siya sa pagtingin niya kay Juliet haliparot. "Wah! Juliet, crush kita! Ang ganda mo talaga!"
"Kami rin!" Second the motion nina Renzy, Rin at Mariel. "Pa-autograph!"
"Tumahimik nga kayo. Napakaingay ninyo." saway ko. Akala mo artista yung tao, may pa-autograph pang nalalaman.
"Hmp!" Umungos ang papansin kong pinsan. "Ang selfish mo, 'insan! Mag-share ka! Share!"
Parang tanga 'tong si Yanyan.
"Sorry, para lang ako sa Mine ko."
Nakisakay pa 'tong Juliet na 'to!
"Paano mo naging close si Juliet?"
Mukhang inggit na inggit si Renzy, oh. Pero still, nakaka-stress!
"Wow, ayan, close ko?" Tinuro ko si Juliet na sa'kin lang nakatingin. Inirapan ko siya bago harapin yung mga baliw kong kasama. "Siya lang naman itong dikit ng dikit sa akin, eh!"
"Hindi matino kausap si Cindy, mga girls. Si Idol na lang tanungin natin." excited na sabi ni Yanyan. Ang kapal naman talaga. Ako pa nga ang hindi matino kausap. Sus, akala mo wala siyang sakit sa isip.
"Juliet, may boyfriend ka na?"
"Eh, girlfriend?"
"Crush?"
Susme. 'Yan ba? 'Yan ba ang matino? Ang bobo magtanong ng mga friends niya, nahawa na sa kanya. Hay, nakakaawa sila, in fairness. Si Juliet naman, natawa na lang at inakbayan ako. Inalis ko ang braso niya pero binalik niya ulit.
"I don't have a boyfriend but I have a crush and a girlfriend. She's...mine." Tumingin siya sa'kin at kumindat. Trying hard kumindat, eh.
Umarte akong parang nasusuka. My gosh, hindi ba siya kinikilabutan! Nakakaloka! "Ngayon lang kita nakilala tapos girlfriend mo na ako, agad-agad?"
"Kaya naman pala walang crush kasi may girlfriend na!" parinig ni Yanyan. Isa pa 'tong gagang 'to, eh! Yung mga friends naman niya, kilig na kilig pa. Anong nakakakilig, ha? Ano?
Tinitigan ko silang lahat nang masama. "Gumanyan lang kayo kung gusto ninyong umuwing may pasa sa mukha. Wala akong pakialam kahit friends kayo nitong haliparot kong pinsan." Pinanlisikan ko ng mata si Yan. "Uunahin na kita, Marian."
Sabay-sabay naman silang tumahimik at zinipper kuno ang mga bibig nila. Ngumiti ako ng pang-donya, kulang na lang ay isang malaking abaniko at magarang damit.
"Good." Tinitigan ko naman ng masama si Juliet dahil kanina niya pa hinihimas ang balikat ko. May iba, eh! Parang may malisya ang paghawak. "Ano bang ginagawa mo? Bitaw!"
"But..." Aba't nag-pout pa! "You're so soft..."
"Kya—oops." Nagtakip ng bibig sina Yanyan nang tiningnan ko sila ng nakakamatay at super samang tingin. Napakahaharot. Talagang titili pa? Talandi? Nakakainis!
"Gutom na ako." nasabi ko na lang. Kaysa i-indulge ko pa ang sarili ko sa sobrang stress at pagkainis, pagbibigyan ko na lang ang gutom ko. "Punta na tayong canteen."
"Can I come, Mine?" Tanong siyempre ni─sino pa ba? Napairap ako ng lubos. Syempre, si Juliet.
"Hindi pwe—"
"Pwedeng-pwede!"
Magsimula na kayong magdasal, Yanyan and friends! Gigil na gigil kong nasabi sa loob-loob ko. Ngayon pa lang pinaplano ko na ang cause of death ninyong lahat. Humanda kayo —lalo ka na—Yanyan.
_____