"Hoy." Parang bubbles na nag-disappear yung panaginip ko dahil sa lapastangang yumuyugyog sa'kin. Bumuntong-hininga ako at hindi siya inintindi. Inaantok pa ako, letse naman, oh. "Hoy, Cinderella! Aba, bangon-bangon din, 'oy!"
Napaupo ako bigla nang marinig ko yung pinakakorning pangalan na narinig ko sa buong buhay ko. Marahas na bumuntong-hininga ako, nagpanting yata ang pandinig ko. Tinitigan ko nang masama si Yanyan na irita namang nakatingin din sa'kin. Puwes, imbyerna rin ako!
"Ew ka naman, Yanyan! Huwag mo nga ako tawaging Cinderella, pwede?" utos ko sa kanya. Kutusan ko 'to sa gums, eh. "Cindy ang name ko, Cindy! Spell ko pa sa'yo, ano?" Binatukan naman niya ako bigla. Pusha! "Marian Rivero, yung mga brain cells ko naaalog, ha! Baka mahawa ako sa kaangahan mo!"
Walang reaction na humalukipkip ang babaita, akala mo naman bagay sa kanya. Ang arte lang. Sa magaganda lang bagay ang mag-inarte. Tse!
"Hoy, Cindy, o kung ano mang name ang mayroon ka, for your impormation—"
"Spell information?" pambabara ko, in-emphasized ko pa yung mismong word.
"Sige, FYI na nga lang!" Pumapadyak-padyak pa ito na akala mo ang disente tingnan. Tumingin siya sa akin ng pataray, 'yong akala mo nanay siya na nanenermon ng anak. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Bumangon ka na kung ayaw mong ma-late. Aba, first day mo magka-college tapos nahilik ka lang diyan? In-enjoy masyado ang one year na bakasyon?" Dire-diretsong litanya niya.
Inirapan ko lang siya habang kinukuha sa ilalim ng unan yung tinago kong martilyo. Hinahanda ko talaga ito sa mga ganitong nakakainis na pagkakataon. Inamba ko iyon sa kanya na ikinalaki ng mata niya. Gulat! "Eh, kung paslangin na kaya talaga kita? Isang pukpok ko lang sa ulo mong walang laman, sure akong dead on the spot ka."
"Asus, Cindy, alam mo ba 'yong joke?" Napansin ko ang pagtaas-baba ng muscle sa lalamunan niya kasabay ng isang alanganin at takot na ngiti. Tumawa siya kahit fake namang pakinggan. "Joke lang naman! Eto talaga, hindi mabiro." Hindi nagtagal ay sumeryoso rin ang expression niya. "Pero male-late na talaga tayo. Promise."
"Oo na lang. O, s'ya, layas ka muna at maliligo ako." walang ganang sagot ko. Tumayo na ako at napakamot sa leeg. Umunat ako saglit at sinimulang ayusin ang kama ko.
"K. Fine. Bye." Binuksan na niya ang pinto at padabog itong sinara. Napailing ako. Ang baliw talaga.
Kumuha na ako ng damit at dumiretso na sa banyo. Kailangan talaga palaging fresh kapag magaganda. Alangan namang hindi maligo kung alam nang may pasok. Pero aminin, kapag kalagitnaan ng school year, pawisik-wisik na lang ang iba. Wala, eh, lalo na kung ber months until February, tipong yelo ang tubig, mapapainit ka na lang ng tubig o kaya hilamos at punas na lang, ready to go na.
Napapikit ako at humikab ulit. Nakakairita naman kasi yung pinsan ko na 'yon. Manggigising na lang kailangan pa talaga akong yugyugin! Sinigaw pa talaga 'yong nakakainis kong pangalan! Nakakawala ng gana, eh.
Kung bakit ba naman kasi naadik-adik 'yang nanay ko sa mga Disney, eh. Ang daming magandang pangalan sa Earth, iyong Cinderella pa talaga ang naisip. Sa ganda kong 'to, magiging muchacha lang datingan ko? Hindi ko ma-keri, ah. Kung ang iba, tingin sa ganoong pangalan ay cute at charming, ako, nangingilabot ako. Sinong matinong babae iyong first time lang makita si Prince Charming, nilaglagan na agad ng panty? In love agad? Sino ba iyang Prince Charming na iyan, bakit ganoon lang ang name! Baka mamaya iisa lang si Prince Charming nila, dyusko, polygamy!
Maniniwala pa ako kahit papaano sa Beauty and the Beast, eh. At least doon may character development, hindi nag-start sa nagsayaw lang, in love agad, or kiss agad, at kung anu-ano pa. Nag-share sila ng the same hobby which is reading, parehas matalino, at independent ang babae. Baka mawala ang pagkontra ko kung Belle na lang sana ang pangalan ko. Sad life.
At ito pa, adik din itong nanay ni Yanyan. Rivero na nga ang apelyido niya, ginawa pa talagang Marian ang pangalan. Inspired by an actress ang origin ng name, kinagiliwan yata ang Filipino adaptation ng Mari Mar, or ng Darna, at kung anu-ano pa. Eh, kamusta naman yung pagmumukha ng pinsan ko? Nakakadismaya lang! Ni wala sa kalingkingan, mas maganda pa rin talaga ako!
"Hoy, maligo ka na!" Sigaw ng mahadera kong pinsan mula sa kung saang lupalop man siya naka-puwesto ngayon. "Nag-o-orasyon ka na naman diyan!"
"Oo na, letse, maliligo na!" sigaw ko pabalik. Humanda-handa ka lang talaga sa akin paglabas ko. Ang tapang kapag malayo ako, duwag naman kapag nakikita na ako.
Pagkatapos kong maligo ay tinatamad na dumiretso ako sa closet ko para kunin ang uniform na isusuot. Magpa-plantsa pa lang ako kaya. Bahala silang maghintay sa akin. Ang ganda talaga ng uniform ko...bagay na bagay sa ganda ko. Buti na lang talaga at naisipan ko nang mag-college dahil ayoko naman mapag-iwanan. Sureness na magmamalaki sa akin si Yanyan kapag nagkataon. Bakit kasi may K-12 pa, edi sana maaga akong naka-graduate ng high school. Ano ba naman 'yong dagdag na two years? Parang walang nangyari! Oo nga't may tracks pero hindi rin naman assured na makakahanap ka ng matinong trabaho sa kadahilanang senior high school graduate na. Marami pa ring ang hinahanap ay yung may degree. Sa edad kong twenty, ngayon pa lang ako tutungtong ng college.
Sinuot ko rin kaagad yung uniform ko pagkatapos ay nag-ayos na. Bumaba na ako ng kwarto at nakita ko si Yanyan pati yung stepsister ko na si Ate Steff. Parehas silang mukhang naiinip na. Napangiti ako ng palihim. Kahit hindi ko true sister si Ate Steff, lagi pa rin siyang nandiyan kapag may kailangan kami. Siya gumagastos ng lahat, eh, although nagpapadala pa rin magulang namin. Buti na lang talaga at super ganda ng work niya or else baka namumulubi na ako na hindi pwedeng mangyari sa magaganda. Kay Yanyan, pwede pa. Sabit lang naman iyon sa amin. May sariling bahay naman iyon pero dito pa rin lagi nakikitambay. Ayos talaga, akala mo araw-araw tinatakwil nina Tita.
Pero on the serious note, ang swerte ko kay Ate Steff. Siya ang tumatayong magulang ko. Responsable siyang kapatid. Hindi katulad ng mga kapatid ni Cinderella sa Disney, napaka-arte, hindi naman mga magaganda. Naglakad na ako palapit sa dalawa. Sabay silang tumingin sa akin ng masama nang makita ako.
"Seriously, sis, ang tagal mo." reklamo ni Ate. Tumingin pa siya sa relo nito.
Magsasalita na rin sana si Yanyan nang tinaasan ko siya ng kilay habang nakangiti ng inosente. Bumaling siya kay Ate at hinampas ito sa braso. "I-ikaw talaga, Steff! H-hindi naman matagal si Cindy, ang bilis nga, eh!" Binatukan siya tuloy ng kapatid ko. Napahawak siya sa ulo niya at sumimangot. Siguro may namatay na namang brain cells sa kanya. "Ouch! Mga sadista!"
"Eh, ano na naman bang pinantakot sa'yo ng Cinderella na 'to?" tanong ni Ate Steff sa pinsan naming inapi.
"Martilyo!" Exaggerated na sagot nitong isa. "Teh, nakatago ba naman sa ilalim ng unan niya at inamba sa akin, sinong hindi matatakot?"
"Hindi pa ba tayo aalis?" Napatingin ako sa oras ng cellphone ko. "Ang babagal ninyo talaga."
Napa-poker face naman si Ate. "Wow, ha. Nahiya naman ako sa halos dalawang oras kung—"
"May sinasabi ka?" Pagputol ko sa sinasabi niya kasabay ng paglabas ko ng martilyo kong nasa bag.
Namutla siya at ngiting alanganin na umiling. "W-wala. Ikaw talaga, baby sis, kaya mahal na mahal kita, eh."
Inirapan ko siya kasabay ng isang alanganing ngiwi. "Ew ka, Ate Steff. Ang drama mo."
Sinimangutan naman niya ako at nauna nang maglakad sa amin ni Yanyan. "Halika na! Male-late ako sa work dahil sa inyo."
Sumunod na rin kami. Pumasok kami sa loob ng sasakyan ni Ate na nakaparada sa labas ng gate pagtapos itong maisara. Umupo ako sa unahan at sa likod naman si Yanyan. Feel na feel pa yung paghiga, eh. Para siyang bata na humilata sa likuran, wide open pa ang mga braso. Hindi ko na lang inintindi.
"Kasi Ate, kung binibili mo sana ako ng sasakyan edi sana hindi na kami magpapahatid sayo." sagot ko sa sinabi niya kanina.
Ngumiti siya ng sarcastic. "Ang kapal talaga ng mukha mo, 'no?"
"Of course naman." Alangang manipis, edi hindi na ako maganda.
"Ako rin, Steff, bili mo rin ako ng─"
"Gusto mong ako nang pumukpok sa'yo ng martilyo?" Ngumiti ng nakakatakot si Ate kay Yanyan.
"Joke lang naman!" Nakangusong sagot ng pinsan ko.
"Iyang joke mo na yan ang maagang papatay sa'yo."
"Ang hard, ha!"
Tumahimik na rin sila nang nag-start na mag-drive si Ate Steff. Ako naman ay patingin-tingin lang sa bintana. In fairness, naiinip na ako. Napatingin ako kay Yanyan. Aba, may ka-text ang gaga! Ang aga-aga, naglulumandi na naman. Kinikilig pa nga. Ew talaga. Kay Ate naman ako lumingon, nakasimangot ito habang nanlilisik ang matang tumitingin sa salamin para makita niya si Yanyan.
Ehem. Ehem. Alert. Alert!
Kinalabit ko siya para naman mapunta sa akin ang atensyon niya. "What?" Mataray na tanong nito sa akin.
"Yung mata po, pakiayos. Baka biglang tumirik tapos hindi na bumalik sa dati." mahinahong sagot ko.
Inirapan niya lang ako bago ngumiti. Oh, tingnan mo 'to, abnormal. "Thanks."
Nagkibit-balikat lang ako at tumingin na ulit sa dinadaanan namin. Hay, buhay!
--
"Oh, nandito na tayo. Cindy, mauna ka nang bumaba." Sabi ng butihin kong kapatid bago ngumiti ng nakakaloko kay Yanyan.
Para namang kinabahan si pinsan, mukhang nakaramdam sa madilim na plano ng kapatid ko, at pinilit buksan ang pintuan ng sasakyan. Kinalampag na niya lahat-lahat, wala pa rin. Sorry siya, ni-lock na ni Ate ang pinto. "C-cindy naman, eh! S-steff, lumayu-layo ka!"
Binuksan ko na 'yong pinto at lumabas. "Ayaw kong makakita ng rated SPG today kaya hihintayin na lang kita sa labas."
Nakita ko ang pag-alis ni Ate Steff mula sa driver's seat papunta sa puwesto ni Yan. Sinara ko na ang pinto. Mukhang alam ko na ang mangyayari. Nakakakilabot. Nag-sound trip muna ako habang hinihintay silang matapos. Napakaselosa talaga ng ate ko. Parang may ka-text lang si Yan, napa-paranoid na kaagad. Dyusko, sino bang papatol sa pinsan ko?
Alam ko namang inlababo si Ate kay Yan, eh, at okay lang naman sa akin 'yon. Sus, anong i****t do'n? Ni hindi naman sila magkaanu-ano. Mabuti kung dugo't laman ko iyang si ate, eh, hindi naman talaga. Maaarte lang ang magsasabi no'n. Good luck na lang kay Yanyan na hindi yata bet ang sumapi sa samahan ng mga shiboli. Nakatatlong kanta na rin yata ako nang lumabas sa kotse si Yanyan na mukhang...pinagsamantalahan. Umalis na rin ang sasakyan ni Ate makalipas lang ang ilang segundo.
"Virgin ka pa?" Pinatay ko na yung sound trip ko.
"Gaga ka talaga. Malamang, oo!" Tinitigan niya ako nang masama. Itinapat niya ang kamay sa dibdib at maangas na sinuntok iyon. "Hindi ko isusuko ang aking perlas ng silanganan!"
Para sa bayan! Gusto ko sanang idugtong.
Napatingin iyong mga dumadaan sa kanya. Pasimple akong lumayo at tumikhim.
"Hindi ko kilala 'yan." Sabi ko sa mga tumitingin habang walang kaemo-emosyon ang mukha.
Sinimangutan naman ako ni Yanyan. "Ang sama. Halika na nga."
Hinila na nya ako papasok sa loob ng eskuwelahan. Since malapit na kaming ma-late, ako na lang ang magwewelcome sa sarili ko kaya...welcome to Parker University! Ang unibersidad ng mga magaganda! Hooray. Kibers ko lang kahit walang confetti.
"Halika rito, Cindy, sa gilid tayo, bilis!" Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa gilid katabi ng ibang students.
Fine, susundin ko muna siya since ito naman ang sophomore at freshman lang ako. Halos lahat ng mga students ay nakakumpol sa mga gilid-gilid at talagang ang laki ng space sa gitna! Maya-maya ay may tatlong babaeng naglakad doon. Pinagmasdan ko silang lahat. Kulang na lang red carpet, makapaglakad akala mo rarampa. Dagdag mo pa iyong mga tilian nilang lahat. Susme, mababasag eardrums ko!
"Yan! Alis na tayo, ang ingay, eh!" reklamo ko.
"Wait lang, tinitingnan ko pa sila, eh." Sagot niya na hindi natitibag ang concentration doon sa tatlong babaeng nag-ala model sa daan.
Bwisit. Nakitingin na lang din ako. K, fine, maganda silang lahat lalo na yung nasa unahan. Yung dalawang nasa likuran niya magka-holding hands pa. Hindi ko lang alam bakit kailangan pa silang panoorin na maglakad kung pare-parehas lang naman ang mga uniform namin. Sa tingin ko naman ay hindi sila artista. Pinagmasdan ko yung babaeng nasa unahan, parang pamilyar siya sa akin, pero hindi ko ma-pinpoint kung saan ko siya nakita.
"Si Juliet Parker iyang nasa unahan, magulang niya ang may-ari ng school na 'to. Tapos yung dalawang magka-holding hands, si Dianne yung medyo maliit tapos si Trisha yung isa na girlfriend niya." Kwento sa'kin ni Yanyan habang nakatingin kami sa tatlo. Hindi naman ako interesado, sadyang madaldal lang siya. Wala, eh, kulang sa aruga. "Grabe, ang swerte kaya natin! Biruin mo naging schoolmate natin sila noong high school?"
"Ang daldal mo, huwag ka ngang maingay!" sigaw ko sa kanya. Maingay na nga tapos sisigaw pa.
Umismid siya. "Arte."
Umirap lang ako. Pakialam ko ba kasi kung schoolmate ko sila dati? Para namang yayaman ako kung malalaman ko. May mapapala ba ako? Wala! Eh, ano kung sikat sila, kung yung isa ay anak ng may-ari ng school? VIP na ba? Kailangan igalang? Oh, ano, ipagre-red carpet ko pa? Arte. Huminto sa paglalakad yung Juliet kaya pati yung dalawang kasama nito na busy sa paglalampungan ay napahinto rin. Napamaang ako nang tumingin yung Juliet sa direksyon namin. Okay...
Ewan ko kung nag-a-assume lang ako pero nakita kong nakatingin siya ng diretso sa'kin, as in, may eye contact. Nanlisik ang mata ko. May bakas ng recognition sa mata niya, hindi ko lang sure kung imagination ko lang ba iyon. Imposible namang maging magkakilala kami. Oo, familiar siya, pero hindi ko talaga alam kung sino itong Juliet na 'to. Ang nakakaloka, nag-lip bite pa ito at kumindat─sa akin!
Anong problema ng babaeng ito?
Nagtilian naman iyong mga nasa likuran ko at sinasabing kinindatan daw sila no'ng Juliet. Napangiwi ako sa lakas ng mga boses nila. Nakakairita! Ibaon ko kaya sa lupa itong mga mortal na ito!
"Wah!" Napairap ako nang tumili rin si Yan. "Kumindat sa'kin si Juliet—aray ko naman, Cinderella!" Reklamo niya nang saktan ko siya. Ang sarap ilibing ng buhay. "Makabatok naman 'to."
"Tumahimik ka, napaka-assuming mo!" Sigaw ko dahil sobra na talagang ingay, hindi na maririnig ang boses ko. Makatawag pa ng Cinderella akala mo ang ganda-gandang pakinggan. Pwede namang Cindy, mas maikli iyon. Gustong pinahihirapan ang sarili.
"Tse! Inggit ka lang."
Hindi na lang ako kumibo. Sus. Ano namang kainggit-inggit sa kanya? Excuse me, I'm proud of my brain and beauty! Napailing na lang ako. Basta, parang sa akin talaga siya kumindat, eh, iyong si Juliet. Hay nako, ewan. Baka naman naglulumandi lang din siya, nagkataon lang na sa'kin siya napatingin. Hindi naman siguro siya member ng federation. Sa ganda niyang iyon.
_____