Cindy's Suminghot ako. Sinubukan kong huminga ng dahan-dahan pero sa tuwing biglang nagf-flash sa utak ko yung letseng nakita ko ay bigla akong napapahagulhol. Anak naman ng—! Tinakpan ko ang bibig ko, baka-sakaling mabawasan ang pag-iingay ko. Letse kasi, eh. Nagsisisi tuloy ako na pumunta pa ro'n sa impyernong lugar na iyon. Langit siya dati. Ngayon hindi na! Kinapa ko yung feelings ko. May part sa akin na galit, meron ding nasasaktan. Pero sa kabila no'n, may bumubulong pa rin sa isip ko na hingan siya ng paliwanag kung bakit gano'n ang nakita ko. Hayaan siyang magsalita at ipagtanggol ang sarili niya. Pero kapag bumabalandra yung pagmumukha ng hayop na Romeo na 'yon automatic na lumilitaw ang sungay ko. On the second thought, mas gusto ko silang pahirapan at itapon sa magkabilang ba

