Chapter 6

1544 Words
NANG makarating sila ni Adrian sa lugar kung saan nakita ang ate niya ay dali dali silang nagtanong tanong kung may nakakita rito sa mga taong naroroon habang inaantay ang sinasabing kaibigan nito kasama ang mismong tauhan na nakakita sa ate Ina niya ng may makasalubong silang isang babae at lalaki. Sa tingin niya ay magkarelasyon ang mga ito. Bumati kay Adrian ang lalaki. Magkakilala pala ang mga ito? aniya sa sarili. “Bro, kamusta na? Tagal din nating hindi nagkita ah. Balita ko hinahanap mo daw si Celestina. Kamusta ang paghahanap niyo sa kanya, may balita na ba sa asawa mo? “, ani ng lalaki. Base sa itsura nito at ng kasama nitong babae ay mukhang ka-edad lang nila ni Adrian ang mga ito at mukhang matagal na nitong kilala ang lalaki base na rin sa klase ng pagkikipag-usap ng mga ito. Mukha rin namang mababait ang mga ito. “I’m doing good, bro. Patuloy parin naming hinahanap si Celestina…Kaya kami nandito ngayon dahil may nakapagsabi sakin na nakita daw siya rito sa Bataan.” Tinapik ng lalaki ang balikat ni Adrian. “I hope mahanap niyo na siya, bro… If kaylangan niyo tulong, just call me and I’m willing to help.”, anito. “Salamat, bro—anyway this is Brianna, Celestina’s sister.” “Yeah, I know her. You’re the famous fashion designer, right?” tanong nito sa kanya. Kimi siyang ngumiti. Famous? “Yeah, I think so. I’m Brianna, nice to meet you.”, aniya. He smiled. “I’m Prince Perinion Molina… Prince na lang nice to meet you too.” nakipagkamay ito sa kanya na agad naman niyang tinanggap. “By the way, this beautiful girl beside me is my fiance, my soon to be Mrs. Molina.”, anito at hinapit sa bewang ang babae na halatang namumula dahil sa klase ng pagpapakilala ng fiance nito dito. May kaputian ang babae na bagay lang sa medyo brown at maalon alon nitong buhok, maganda ang hubog ng katawan na papasa bilang modelo at matangkad din ito. Tama lang ang sinabi ni Prince na maganda nga ito at bagay na bagay ang dalawa. Magandang lalaki din si Prince may pagkatisoy ito at matangos ang ilong at may mapupungay na mata na kahit sinong babae ay mabibighani ngang talaga except her, of course. “A-Ahm…Hi! I’m Jamaicah, nice meeting you.”, anito na may matamis na ngiti. Nginitian niya rin ito. “I’m Brianna, but you can call me Anna for short. Nice meeting you too and congrats sa kasal niyo”, aniya. “Thanks Anna. You know what, isa ako sa mga humahanga sayo. Lalo na yung mga designs mo ang gaganda. I hope one day makapagsuot ako ng isa sa mga designs mo.”, she smiled. Bihira siyang makatagpo ng gaya nito na humahanga sa kanya. Yung iba kasi pupurihin siya sa mga gawa niya at ngingitian pero halata namang peke lang ang mga yun. Pero iba ito, halatang totoo ang paghanga nito sa kanya. “Oo naman, bakit hindi? Don’t worry Jamaicah I will make a design that suits you, bilang regalo sa kasal nyo.” “Talaga? Naku salamat.” natutuwang sabi nito at yumakap pa sa kanya kaya mas lalo siyang napangiti. Humarap ito sa fiance nito. “Sweetie? Pwede ba natin silang imbitahan sa kasal natin?” Nginitian nito ang fiance nito. “Oo naman sweetie.”, anito. May kinuha ito sa bag nito at inabot sa kanya pati na rin kay Adrian. Wedding Invitations. “Salamat.”, aniya ganun din si Adrian. Tumikhim bigla si Adrian. “Bro, alis na kami. May aasikasuhin pa kami eh.” Tumango naman ito. “Ah ganun ba? Sige bro, just call me kung may maitutulong man ako.” “Salamat bro, sige alis na kami.” Tumango lang ang mga ito at sila ay nagpatuloy na sa paghahanap sa ate niya ng may biglang tumawag sa phone nito. “Hello? Ah sige… Pupunta na kami dyan. Yes bro, salamat.”, anito Humarap siya dito. “Sino yun?”, tanong niya. “My friend. Pinapupunta niya tayo sa Café na pagmamay-ari niya dahil may ipapakita daw siya.”, sagot nito. She suddenly felt nervous. Ano kaya ang ipapakita ng kaibigan nito sa kanila? Ano na kayang nangyari sa ate niya? Sana ok lang siya, aniya sa sarili. Hinawakan ni Adrian ang kamay niya at iginaya na papunta sa sasakyan nito. Her heart suddenly beats fast and loud na para bang gusto na nitong lumabas sa dibdib niya. This is bad. Inalalayan siya nitong sumakay sa front seat at ito naman ay sumakay na sa driver seat at may sinasabi pa sa kanya pero wala doon ang atensyon niya kundi sa kamay niya na hinawakan nito kanina. Ngayon na lang niya uli nahawakan ang malambot nitong kamay simula nung nagkahiwalay sila. “Earth to my Brianna.”, anito na nakapagpabalik sa kanya mula sa pag-iisip. “Ha? W-What? May sinasabi ka?”, aniya. He chuckled. “Mukhang malalim kasi yung iniisip mo. Care to share what’s on your mind?” Inirapan niya ito. Sino ba naman kasing magbabalak na sabihin ang ganoong klaseng bagay? Na iniisip niya ang kaninang magkandaupang palad nila? Simpleng holding hands lang yun, Brianna. Inalalayan ka lang niya. Nothing more, nothing less. Nakaramdam siya ng pagkahiya sa naisip. Humarap na lamang siya sa bintana ng kotse para itago ang pagkahiya. “F-Focus on driving. Baka maaksidente pa tayo. Mahal ko pa buhay ko.”, aniya. “Buti pa ang buhay mo mahal mo eh ako kaya?”, he said not enough for her to hear. Muli siyang humarap dito. “What?” Umiling ito. “Wala, sabi ko… Yes Ma’am Brianna, magda-drive na po ako.”, anito at itinuon na ang pansin sa pagda-drive pero pansin niya na may konting ngiti ito sa labi. Nagkibit balikat na lamang siya at muling itinuon ang pansin sa bintana at pinagmasdan ang tanawin sa labas hanggang sa unti unti siyang hinila ng antok. “HEY bro, take a sit.” Iyon lang at umupo na sila. Kakadating lang nila sa Café Z at ito agad ang sumalubong sa kanila. Tinawag nito ang isa sa mga staff nito at may binulong. Pagkatapos ay umalis na rin ang staff. His name is Zhyd Santiago. May itsura ang lalaki at matangkad din ito. Clean cut ang buhok nito na bagay naman dito. Ito yung sinasabing kaibigan ni Adrian na tumutulong sa kanilang maghanap sa ate niya. Maya maya ay bumalik din agad yung staff na binulungan nito kanina at may inabot ditong envelope na iniabot naman ni Zhyd kay Adrian. “Here bro, take a look.”, anito kay Adrian. It was some stolen pictures. Sigurado siyang ito ay ang kapatid niya na may kasamang lalaki na di pamilyar sa kanya. Kumuha siya ng isa sa mga larawan. Nakayap ang ate niya sa lalaking hindi pamilyar sa kanya at nakangiti. Kumuha pa siya ng iba pang pictures mula sa envelope at tinignan habang si Adrian ay nanatiling nakatingin sa larawang hawak nito. “I- Impossible…”, anito. Nagtaka siya kaya kinuha niya iyon mula sa lalaki. It was her sister na nakangiti sa lalaking kasama nito sa larawan na nakahawak sa bewang nito. Halata sa larawan na nag-uusap ang dalawa ng makuhanan ang mga ito ng litrato. Kapansin pansin ang malaking tiyan ng ate Celestina niya. Buntis ito? “B-Buntis si… a-ate?”, aniya at tumingin kay Adrian. Imbis na tuwa ang makita niya sa mukha nito pero kabaligtaran ang nakikita niya rito bukod dun halata sa gwapong mukha ng lalaki na para bang hindi ito naniniwala sa nakita. How dare him act like that? Buntis ang ate niya kitang kita iyon sa larawan. Base sa larawan mukhang ilang buwan na itong buntis dahil malaki na talaga ang tiyan nito. “A-Adrian?!Ano bang nangyayari sayo? Can’t you see?! My sister is pregnant with your child! How could you act—” “Impossible! Imposibleng mag-kaanak kami! K-Kasi…”, anito. Naguguluhang tinignan niya ito. “Bakit?! Paano?” “Brianna, me and your sister never did that ‘thing’.” “W-What do you mean?” Hinawakan nito ang mga kamay niya at pinakatitigan siya. “Makinig ka Brianna… Ako at ang ate mo, we never did s*x ok? Kaya imposibleng mabuntis siya. Kaya naguguluhan din ako kung paano nangyari ito.”, anito. Ibig sabihin hindi anak ni Adrian ang batang nasa sinapupunan ng ate niya? Could it be that her sister cheat on him? Pero imposible yun dahil alam niyang hindi ganung klaseng babae ang ate niya mabait ito at hindi nito magagawa ang bagay na yun. “Brianna, believe it or not… Wala pang nangyayari sa amin ng ate mo. Kaya napaka imposible ng sinasabi mo na ako ang ama mg batang nasa sinapupunan niya.” “H-Hindi…hindi kayang gawin ng ate ko yun! Hindi niya magagawa na manloko… How can you tell me na walang nangyari sa inyo? Mag-asawa kayo ng ate ko! Kaya imposibleng walang nangyari sa inyo! How dare you to deny it?! Sinungaling ka! Sinungaling!” Hindi na napigilan ni Brianna ang sarili at pinagpapapalo ito. Sinungaling ito! Hindi magagawa ng ate niya na magpabuntis sa iba lalo na at may asawa ito. Lalong hindi siya naniniwala na wala pang nangyayari sa dalawa lalo na’t isang taon ng kasal ang mga ito. “Please Brianna stop!”, anito at hinawakan ang mga kamay niya para pigilan siya sa pagpalo rito. “Brianna, believe me! Wala pa talagang nangyayari sa amin ng ate mo! Oo matagal na kaming kasal pero ni minsan walang nangyari sa aming ganun. Ayaw ni Celestina na gawin namin ang bagay na yun at nirerespeto ko siya sa desisyon niya. Kaya maniwala ka sa akin, please… Brianna… “, pagpapaliwanag nito. One year of marriage but nothing happened? Unti-unti na niyang ikinalma ang sarili. “Excuse me…” aniya at unti unti ng pinakawalan ni Adrian ang mga kamay niya mula sa pagkakahawak nito. “Sorry…”, anito. Tumayo siya at lumabas na mula sa Café na pagmamay-ari ni Zhyd. Agad siyang pumara ng Taxi. “To Club Rouge po manong.”, aniya. Kaylangan niya ng time para mag-isip. Masyado ng occupied ang utak niya dahil sa mga nangyayari. Stress. Yun ang nararamdaman niya sa mga oras na yun kaya kaylangan niya munang magisip isip. I need it, aniya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD