Chapter 5

2065 Words
IT’S been a week since she came back to the Philippines. Still no clues where her sister is. Kaya nag-aalala lalo sila lalo ng ang Dad niya. Pero sinabihan niya ito na huwag ng masyadong mag-alala pa dahil delikado iyon sa kalusugan nito. Ginagawa naman nila lahat para mahanap ang ate niya. Nagtanong na rin sila sa mga kaibigan ng ate niya na maaring nakakaalam kung nasaan ito pero ni isa ay wala talagang nakakaalam. Kaya ang tanging magagawa lang nila ngayon ay maghintay ng balita sa mga awtoridad. Pero hanggang Kaylan?, aniya. Maagang nagising si Brianna. After doing her morning rituals and completely fixed herself, she went down stairs. She saw Adrian putting some juice on their glasses. Teka nasan ba ang mga maid nila? Bakit ito ang gumagawa no’n. Nagtataka man ay nagkibit balikat na lamang siya at umupo na. Tila napansin siya nito at agad nginitian. “Good evening, My Brianna.” Anito. Hindi na siya nag-abala pang batiin ito pabalik dahil baka masira nanaman ng lalaki ang araw niya na kadalasan naman nitong ginagawa. Parang hobby na nga nito iyon, ang inisin siya kaya’t talagang sinusungitan niya ito. “Where’s dad?”, aniya at sumimsim sa kanyang orange juice. “Nasa Davao.”, maikling sagot nito kaya agad siyang napatingin sa lalaki na abala sa paglalagay ng kanin sa plato nito. Hindi niya naiwasan ang pagtaas ng boses sa pagtatanong sa lalaki. “A-Anong ginagawa ni Daddy doon?!” Napangiwi ito sa lakas ng boses niya. “May mga inaasikaso lang siya doon at sabi niya ay babalik din naman daw siya kaagad. Hindi mo kaylangang sumigaw.”, sagot nito. “Pero bakit hindi manlang siya tumawag or even text me about that at kaylangang sayo ko pa malaman?! And he didn’t told me anything about it!”, aniya. “Ask him dahil hindi ko na alam ang isasagot ko sayo.”, anito na ikinainis nanaman nya. She rolled her eyes on him. At kumuha na lamang ng paborito niyang Pork Sinigang. Inilapit niya ito sa kanya dahil ayaw niyang bigyan ang binata. Naiinis siya rito to the point na gusto niyang ingudngod ang gwapo nitong mukha sa Sinigang. Did I just gave him a compliment? Agad naman niya itong ikinailing. Nagbago rin ang isip niya sayang naman ang paborito niyang Sinigang kung ingungudngod niya lang ang mukha nito roon. “Hey! Wag mo namang solohin yang Sinigang.”, angal nito ng makitang parang wala siyang balak na bigyan ito. Tinapunan niya itong muli ng masamang tingin. “This is MINE. Go get yours!” Iyon lang ang sinabi niya at nilantakan na niya ang pagkain. “But ayan na lahat ng ni—” Magsasalita pa sana ito ng agad niya itong inangilan. “Shut up! I’m eating—teka nasan ba sila Manang? Manang Tess?! Manang Linda?! Ate Cecil?! Nasan na ba—” “Stop wasting your time calling them. Wala naman sila dito.” “W-What?! Where’s Manang Tess? And Manang Linda?” Tatlo lang ang kasambahay nila at isang family driver at lahat yun kilala nya. “Si Manang Tess ay umalis pumunta sa probinsya nila dahil matagal na daw nung huli siyang umuwi doon ganun din si Manang Linda. Nagpaalam naman na din sila kay Dad kaya ok lang.”, anito. “W-What about Ate Cecil?! “ “Cecil is in the hospital at binabantayan ang nanay niyang may sakit pero babalik din naman daw bukas ng umaga.” “So sino ang nagluto ng mga ito?”, nagtatakang tanong niya. “Me. Masarap ba?”, it’s time for him to ask her. “O-Oo.”, she saw him smile a little. Masarap naman talaga ang luto nito at alam niya iyon. Hindi na ito nagsalita pa at kumain na lang din. Nang matapos ito ay nanatili lang ang lalaki sa upuan nito. Ramdam niya ang pagtitig nito sa kanya. That’s why she felt uncomfortable pero binaliwa na niya iyon. Sumulyap siya dito at nagtagpo ang mga mata nila. His tantalizing eyes that can make you drown onto absences. She looked at his face. His luscious lips that can make all women beg just to kiss him. His aristocrat nose at pati na rin ang kilay nito na lalong nakapagpadagdag sa appeal nito. Aminado siyang minsan na niyang naramdaman ang malalambot na labi ni Adrian sa labi niya. Mga mata nitong dati ay halos gusto niyang titigan magdamag dahil para bang dinadala ka ng mga titig na iyon sa kawalan kung saan wala ka ng kawala pa. He’s really damn handsome. Hindi nya ikakaila yun. I hope sakin na lang muli lalapat ang mga labi mo at ang mga mata mong gugustuhin kong sakin lang titingin at hindi sa iba… Pero mukhang huli na dahil asawa ka na ng ate ko, aniya sa sarili. “Done checking me?”, nanguuyam na sabi nito. She rolled her eyes and focus on her food. Ayaw na niya itong makausap pa dahil sa oras na kausapin niya ito ay alam niyang hindi na siya nito titigilan dahil mukhang may lahing pagiging makulit ang lalaki. Maya maya lang ay nagsalita muli ito. “Brianna…”, anito. Ano nanaman bang problema ng lalaking to? “What?!”, bulyaw nya. “C-Can we talk?”, he asked. “Were talking.”, aniya sa malamig na boses. “What I mean is—Can we talk… About ‘us’?” Huminto siya sa pagkain at pinakatitigan ito kahit na alam niya ay hihina ang mga tuhod niya sa oras na magtagpo ang mga mata nila buti na lamang at nakaupo siya. Kung anong init ng sabaw ng kinakain niyang Sinigang ay siyang lamig naman ng pagtingin niya dito. “What?! Talk? About US? “, natawa siya. “Adrian, Adrian there was no US between you and me, because you’re married with my sister. Nakatali ka na sa ate ko. Kaya huwag ka ng mag biro.”, aniya. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Hindi siya sigurado kung tama ba ang nakikita niya. Malungkot ang mga mata nito pero hindi dapat siya magpaapekto doon kaya’t pinanatili niya ang sarili na seryoso. “Brianna please… Let’s talk I want to explain my—” “Don’t waste your time explaining. Kasi wala naman akong balak pang makinig sayo… Tama na siguro na nakinig ako sa mga kasinungalingan mo noon.” Tumayo siya mula sa pagkakaupo. “And please lang, pwede bang huwag mo na akong kausapin lalo na sa bagay na yan. We will talk unless tungkol yan sa paghahanap sa ASAWA mo na ATE ko.”  She said emphasizing the word ‘asawa’ and ‘ate’. Tumalikod na siya dito at akmang aalis na ng mag salita muli ito. “M-My… Brianna…” Galit na humarap siya dito. “Can please stop calling my MY BRIANNA?! Will you? Let me tell you this! Kahit kaylan ay hindi ako magiging sayo MULI. Tandaan mo yan!”, aniya at tumakbo papunta sa kwarto niya at ni-lock yun sabay dapa sa kama niya at napahagulgol. God! She’s crying. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin niya matanggap na hindi na niya ito mapapanatili sa piling niya. Hindi niya matanggap yun kaya’t nagpapanggap na lamang  siya na ok na sa kanya ang lahat. Well, she’s a good pretender. Ayaw niya rin naman makasira ng pamilya. Kaya habang maaga pa ay kaylangan na niyang tanggalin ang anumang nararamdaman niya dito. God… Please help me… This f-feeling needs to stop…     NAGISING si Brianna sa malakas na pagkatok sa kwarto niya at hindi na siya nag abala pang tanungin kung sino yun dahil isa lang naman ang kilala niyang may ganang kumatok ng ganoon sa pinto ng kwarto niya. “What?!”, inis na sabi niya rito ng pagbuksan niya ito ng pinto. He was standing there holding his phone. Tila nanigas ito sa kinatatayuan ng makita siya. What’s wrong with him? tanong nya sa sarili. “Adrian? Hey! Ano bang problema mo at nambubulahaw ka dyan?!”, aniya. Titig na titig ito sa kanya. “A-Ahm… Ano kasi… Ano…Yung ano kasi—” Tila nauutal ito at hindi malaman kung ano ba talaga ang sasabihin. “Adrian, yung totoo ano bang ginagawa mo dito?! At saka ano ba yung ‘ano kasi’ na sinasabi mo? Hindi kita maintindihan!”, pa-galit na sabi niya rito. Paano ba  naman niya maiintindihan ito kung puro ‘ano’ ang naririnig niya mula dito. Ano ba kasi ang kaylangan nito? aniya sa sarili. “Ahm, sorry about that medyo nadistract lang ako s-sayo…”, anito. “At pano ka naman nadistract sakin aber?”, masungit na tanong niya rito habang nakataas pa ang kaliwang kilay. Umismid ito at tinignan siya mula ulo hanggang paa kaya mas lalo niyang inarko ang kilay. “Sino ba namang hindi madidistract kung ang taong kausap mo ay tanging white na t-shirt ang suot at walang bra? Tell me, wala ka rin bang suot na underwear?”, he said while looking at her intently. Nakaramdam ng hiya si Brianna kaya’t tinakpan niya kaagad ang dibdib gamit ang mga braso. “I-I’m wearing m-my underwear you perv! Manyak!”, bintang niya rito. Sanay kasi siyang di nagsusuot ng bra bago matulog. Masama daw kasing nagsusuot nun lalo na kung matutulog. Pero hindi ibig sabihin nun ay pati underwear ay hindi siya nagsusuot. Napakamanyak talaga ng lalaki na ito, aniya sa sarili. She wants to kill him right now for being a p*****t. Binulahaw na nga ng binata ang tulog niya ay nagawa pa siyang asarin nito. Biruin mo na ang lasinghu wag lang ang bagong gising, ika nga. “Kung wala ka rin namang magandang sasabihin Adrian, mas mabuti pang umalis ka na sa harapan ko at baka masipa pa kita diyan!” Akmang isasara na niya ang pinto ng iniharang nito ang sarili at pumasok sa loob ng kwarto niya. “Adrian! You perv! Get out of my room!”, aniya at pilit na tinutulak palabas ang lalaki pero dahil mas malakas ito sa kanya ay hindi ito natinag. Halos gusto na niyang sumabog sa galit, because of the man in front of her who keeps pestering her. Kahit kaylan ay nakakainis talaga ang lalaking to. “Hey! I’m sorry… I was just teasing you.” “Then, kung wala ka namang ibang gagawin kundi asarin ako at sirain ang araw ko mas mabuting umalis ka na! Layas! Umalis ka dito sa kwarto ko!”, pagtataboy niya rito, halata ang disgusto sa boses niya. “Fine, aalis naman ako dito sa kwarto mo but I need to tell you something.”, seryosong sabi nito. “Spill it.” “It’s about your sister.” Biglang nawala ang inis niya rito at bigla na lamang din naging seryoso. When it comes to her sister, it’s no joke. Napuno ng pag-aalala ang nararamdaman niya. “What?! W-What about my sister? May balita na ba sa kanya? May nangyari bang masama sa ate ko? Ano?!” “Someone saw your sister—” “Saan?! Sino ang nakakita sa kanya? Saan siya nakita? Ok lang ba siya?!” “My friend told me na may nakakita sa ate mo sa isa sa mga tauhan niya sa Bataan… kaya kaylangan nating pumunta doon para malaman natin kung nandoon nga talaga si Celestina.” Bataan? Anong ginagawa ng ate Ina niya doon? Sa pagkakaalam niya ay wala namang bahay o negosyo ang pamilya nila doon. Bakit doon naisipan nito na magtago? Ano ba talagang dahilan nito para mawala na lamang ng parang bula? Yun ang kaylangan niyang malaman. “Kung ganon, kaylangan na nating puntahan si Ate. We need to see her. Marami akong gustong malaman, maraming tanong sa isip ko ngayon—” “At siya lang ang makakasagot ng mga tanong na yan.”, pagputol nito sa sasabihin niya. May punto ito, tanging ang ate Celestina niya lamang ang makakasagot ng mga iyon. She badly needs to see her. “Fixed yourself. Pupunta tayo doon ngayon. I need to see my… my wife. “ Iyon lamang at umalis na ito sa silid niya. He looks really worried about her sister, his wife rather. It feels like you were stab by a knife deep in your heart by hearing the words ‘My Wife’ from him. Aminado siyang mahal niya parin ang lalaki hanggang ngayon. Alam niyang mali ang nararamdaman niya para rito pero anong magagawa niya kung hindi parin ito mawala wala sa puso’t isip niya. He was her ex-boyfriend back then bago naging asawa ito ng kapatid niya and the other is history. It was such a long story to tell so she needs to keep it in herself. Para sa kanya hindi na iyon mahalaga pa pero mukhang hindi sang-ayon ang puso nya. Pilit parin nitong sinasabi na kung mahal niya pa ang lalaki ay ipaglaban niya kahit pa alam niya na maaari inyang masaktan ang ate niya pero iba ang dinidikta ng isip niya. It keeps telling her to stop loving him, pinakasalan nito ang ate niya at hindi siya kaya ibig sabihin nun ay hindi siya talaga nito minahal dahil kung mahal siya nito ay dapat ipinaglaban nito ang pagmamahalan nila at pinili dapat siya nito. Ano ba dapat ang sundin niya? Ang dinidikta ng puso niya o ng isip niya? Napabuntong hininga na lamang siya sa naisip at nag-ayos na dahil aalis na sila para hanapin ang ate niya. She hates herself right now. Dapat hindi na siya nasasaktan o nakakaramdam ng selos dahil maling mali ang mahalin ang isang kagaya ni Adrian, lalo na at asawa ito ng ate niya na palagi niyang isinisiksik sa kokote niya. This feelings…needs to vanish… She’s in a deep trouble pag nagpatuloy pa ang nararamdaman niya…Alam niya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD