PAGKATAPOS ng pag-uusap ni Brianna at ng kanyang ama ay hinayaan na muna niya ito na magpahinga dahil halatang pagod ito at sobrang nag-aalala sa ate niya plus inaasikaso pa nito ang kompanya nila.
Tanging pagbibigay ng payo sa ama na iwasan ang magpakastress sa mga nangyayari. Ayaw naman niyang pati ito ay mapahamak.
Hindi naman din niya matulungan ito sa kanilang kompanya dahil kahit kaylan ay hindi siya nagkainteres na magpatakbo ng kanilang kompanya, suportado naman siya ng ama at kapatid sa pagiging isang fashion designer dahil alam naman ng mga ito sa iyon talaga ang kinahihiligan niya mula pa noon.
Samantala, siya ay bumalik sa kanyang silid at naghanap ng mga taong makatutulong upang mapadali ang paghahanap sa kanyang ate Ina. Humingi rin siya ng tulong sa iba pang mga kakilala niya na alam niyang may mga koneksyon at makakatulong din sa paghahanap.
When someone knock on the door. Agad syang lumapit sa pinto at binuksan ito. Nakita niya ang isa sa kanilang mga kasambahay. Kung hindi sya nagkakamali ito ay si Manang Tess na gaya ni Mang Lito ay matagal na ring naninilbihan sa kanilang pamilya.
“Ma’am, may bisita po sa baba. Nahihiya po akong kumatok sa pinto ni Sir dahil alam ko pong nagpapahinga na sya. Pasensya na po Ma’am.”, paghingi ng dispensa nito sa kanya na ginantihan niya lamang ito ng isang ngiti.
“Naku Manang Tess, ok lang po yun wala pong problema buti na lang po at naisip niyong huwag ng abalahin pa si Dad. Salamat po Manang.”
Kimi itong ngumiti sa kanya at medyo yumuko pa ito.
“Wala pong anuman Ma’am Anna.”
“Tanggalin niyo na po yung ‘Ma’am’ kahit Anna na lang po ang itawag niyo sa akin.”, aniya sa matanda.
Binigyan siya nito ng isang matamis na ngiti.
“Kay bait mo talagang bata, A-Anna.”
Agad naman siyang gumanti ng ngiti rito.
“Sige po Manang bababa na po ako paki handa na lang po yung miryenda para sa bisita.”, aniya at ngumiti.
Agad naman itong sumunod sa kanya. Inayos niya lamang sandali ang sarili para maging presentable naman siya sa harap ng kanilang bisita, lingid man sa kaalaman niya kung sino ito. Niligpit niya rin ang kanyang mga gamit at ng masigurong ayos na ang lahat ay bumaba na siya.
Pababa pa lamang siya sa hagdanan ng marinig nya ang pamilyar na boses ng isang lalaki na matagal na panahon ng huli niyang marinig.
“Sir Ian ito po miryenda para ho sa inyo.”
“Salamat po Manang.”
“Walang anuman hijo. Oh sya ako’y babalik na sa kusina tawagin mo lamang ako kung may kaylangan ka pa.”
“Sige po Manang maraming salamat po ulit.”
Hindi nga siya nagkakamali. It was Adrian, her brother –in- law.
Is he here for her o nadito ito para sa kapatid nya?
Ano bang kalokohan ang iniisip mo Brianna? Bakit naman ikaw ang magiging sadya niya eh hindi ba at nawawala ang ate mo na ASAWA nito? Huwag kang ilusyonada!
Napailing na lamang siya sa naisip at agad iyong iniwaksi sa kanyang utak dahil wala rin naman siyang mapapala kundi gulo pag nagkataon.
ADRIAN Alesandro Dimitriou. The President of AD Investment Funding Corporation and the AD Law Firm. He is also one of the most popular business men in the world gaya ng ama nya. Ito rin ang nagmamay-ari ng isa sa mga kilalang resort sa Pilipinas, ang Tre Oro Resort.
At the age of 20, nagsimula ng makilala ang binata sa business world industry. Mas nakilala pa ito lalo ng maitayo nito ang naturang resort dahil na rin sa ganda nito at kahali-halinang tanawin.
Nang maikasal ang ate Ina nya rito ay siyang pagdumog ng mga gustong maging kasosyo nila sa negosyo na hindi naglaon ay naging malago at mas nakilala pang lalo ang kanyang ama.
Lingid sa kaalaman ng lahat na bago pa man maging parte ng pamilya nila ang lalaki ay kakilala na niya ito at itinago niya ang tungkol sa bagay na iyon.
Kasalukuyang nakaupo si Brianna sa couch sa harap mismo nito. Kinuha niya ang baso ng juice na nasa harap niya at sumimsim ditto. Dinala ng isa sa mga kasambahay nila ang mga meryenda para sa inaakala niyang bisita lamang.
Akmang titingin siya rito ng mapansin niya na mukhang kanina pa pala nakatuon ang tingin nito sa kanya. That’s why she felt uncomfortable, the way he look at her na para bang pati ang kaluluwa niya ay natutunaw na sa tindi ng titig nito sa kanya.
She was just wearing a white sando na medyo may kababaan ang neckline kaya’t medyo tanaw ang kanyang dibdib at high waist brown short. Kaya’t kinuha nya ang ang katabing throw pillow at nilagay sa kandungan nya para medyo matakpan ang hita niya at dibdib.
Aminado siya na talagang may epekto pa ito sa kanya at alam nyang delikado iyon para sa kanya lalo na sa damdamin niya para rito.
Kalma lang, aniya sa sarili.
“Brianna… How are you?”, anito na mataman na nakatingin pa rin sa kanya.
“I-I’m fine… Y-You?”, she silently cursed herself for slightly trembling.
“Absolutely fine, lalo na at nakita na uli kita. It’s been a long time nung nagkasama tayo, right?”
“Hmm… Y-Yeah…”, pagsang-ayon nya.
“You became more beautiful… My Brianna.”
She was stunned. Is it a compliment? Gustong batukan ni Brianna ang sarili. Syempre pinupuri siya nito and she should be thankful for that after all, he gave her a compliment.
“And… I miss you so damn much… Did you miss me too?”, anito.
Her lips parted in shock. The way he talk to her ay para bang siya ang kasintahan nito at hindi ang ate nya.
“N-No…Of course not. Cut the crap will you? Baka may makarinig sayo.”, aniya sa takot na baka may makarinig sa kanila at pag Mulan pa ng kung anong gulo.
Tumayo siya at panandaliang tumingin dito.
“Excuse me for a minute.” Dali dali syang pumunta sa restroom at tumingin sa salamin.
This is so wrong, aniya sa sarili.
Mali ang nararamdaman niya lalo na at hindi na sila gaya ng dati. Yes, he was her ex-boyfriend pero iba na ngayon dahil asawa na ito ng ate nya. Loving him is unacceptable.
Dapat nyang isa walang bahala muna ang nararamdaman niya at ituon ang atensyon sa paghahanap sa ate Celestina nya. Dapat ng permanente niyang isara ang kung ano mang nararamdaman niya para rito.