Chapter 30 Danica Murillo Palabas na sana ako ng opisina para i-meet si Luke dahil ngayon ang araw kung kailan namin pag-uusapan ang surpresa na gusto niyang gawin kay Tita Pau. Sabi niya ay susunduin niya ako kaya napagdesisyunan kong hintayin nalang siya rito sa tapat ng building. Bago pa ako makalabas ng entrance ay nakasalubong ko si Tania. Hindi ko sana siya papansinin nang bigla siyang huminto sa harap ko kaya natigil din ako at napatingin sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay samantalang nangunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. Ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng ‘to sa akin? “Excuse me.” Lalampasan ko na sana siya at hindi papansinin nang bigla niya muli akong harangin. “Tumigil ako sa harap mo ‘di ba? So it means gusto kitang kausapin,” mataray at masungit niyang

