Chapter 25 Danica Murillo Papunta ako ngayon sa opisina ni Sir David para tanungin ang tungkol sa malaking halaga ng pera na natanggap ni dad. Pakiramdam ko kasi ay siya ang nagpadala non, dahil ang sabi ni dad kay Uncle David daw ang nakapangalan sa sender at nag-iwan pa ito ng mensahe na galing daw sa akin ang pera. Sinabi ko na lang din kay dad na ako ang nagpadala no’n para ‘di na rin siya magtaka, at mag-alala pa. Kung galing kay Uncle ang pera na ‘yon bakit hindi man lang niya ako kinausap tungkol do’n? Halos limang milyong rin ang pinadala niya. Gano’n kalaki ang utang ko sa kanya. Pagpasok ko sa opisina ni Uncle ay agad niya akong pinaupo sa harap ng table niya. “Sir, may itatanong lang po sana ako.” Panimula ko. “Go on, Danica. What is it?” sagot niya habang abala sa pagp

