Chapter 6

2188 Words
Chapter 6 Danica Murillo Kabado akong nakatayo ngayon sa harap ng opisina ni Sir David. Kung ‘yon man ang dahilan kung bakit niya ako pinatawag, siguradong papagalitan niya ako dahil sa nangyari. Napasapo ako sa  noo ko. Kung sino man ang nagkalat ng video na ‘yon. Sobrang laki naman ata ng galit niya sa akin para siraan ako?  Isang tao lang din naman ang iniisip ko na kayang gumawa nito. Sino pa ba? Edi si Tania. Siya ang kauna-unahang lumapit sa akin kanina para ipamukha sa akin ang issue ko at ipahiya ako sa harap ng mga employee sa HR Department. Hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya. Kailan niya ba ako titigilan? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero ako ang pinagbubuntungan niya ng inis at galit niya. Wala nga siyang pakialam even I’m the HR manager. Wala siyang respeto.  Huminga ako ng malalim bago kumatok at pumasok sa loob. Nakaupo si Sir David ngayon sa swivel chair niya habang may pinipirmahang mga papeles. Ni hindi man lang niya ako tiningnan nang makapasok ako. “Good Morning, Sir.” Tumungo ako at umiwas ng tingin sa kanya.  “Ano itong nalaman at napanood ko? Totoo ba ang mga ‘to, Danica?” seryosong tanong niya sa akin. Bakas sa boses niya ang pagkadismaya.  “Sir, let me explain.”  “Go ahead. Makikinig ako. Gusto kong malaman ang side mo. Dahil kung totoo man ito at nalaman ito ng pamilya mo lalong-lalo nang tatay mo, madidismaya ‘yun sa ginawa mo.”  May balak ba siyang ipaalam kay dad? No! Malalagot ako kay daddy pag nalaman niya ‘to. Lalo na ng buong pamilya ko. Kahit kailan hindi ako gumawa ng ganitong kahihiyan sa tanang buhay ko at pag nalaman nila ‘to, malamang ay isusumpa nila ako. Hindi nila ako pinalaki ng ganito.  Napabuntong hininga ako at sinimulan kong ikwento sa kanya ang buong pangyayari. It was detailed at wala akong pinalampas na kahit isang pangyayari sa mga naalala ko.  “You’re being harassed by one of my employees?” tanong niya. Do’n na nag bago ang reaksiyon niya at tila ‘di siya makapaniwala sa kinuwento ko.  “Yes, sir. I was drunk. Pumasok ako ng cr para maghilamos then I saw him at agad na lang niya akong sinunggaban. Kilala mo naman po ako, Sir David. Hinding-hindi po ako gagawa ng bagay na ikakahiya ko at ng pamilya ko. Siguro po nagkamali ako kasi nagpakalasing ako pero ‘yung nasa video, hindi ko po ginusto ‘yon. Lasing po ako at wala akong lakas para manlaban sa kanya buti na nga lang ho dumating ang kaibigan ko para ipagtanggol ako. P’wede ko ho siyang maging testigo sa mga nangyari para maniwala po kayo. P-Please… Huwag niyo po sana ako alisin sa trabaho ko. Alam mo po kung gaano ko kailangan ‘to.” Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin.  “I know. I believe you. I just can’t believe that one of my employee is trying to hurt you. We will investigate what happened at pagbabayarin natin ang gumawa sa’yo nito. Hindi lang ako boss mo, I’m also your uncle, Danica. Kaya ‘wag na ‘wag kang mahihiyang lumapit sa akin pag kailangan mo ng tulong.” “Thank you, Sir. Can I ask a favor? P’wede po ba na ‘wag niyo na lang po sabihin kay daddy ‘to? Marami na po kasi silang iniisip na problema. Ayoko na pong dumagdag. Alam niyo naman po ang kalagayan nila ‘di ba?”  “Okay. Makakaasa ka. Pero sana ‘wag na maulit ito. I’m worried for your safety. Responsibilidad din kita because I promised your father to take care of you while you’re working here.”  “Yes, Sir. Maraming-maraming salamat po.”  “I’ll call Gilbert to investigate what happened. Hand me the bar address para makuha natin ang whole CCTV footage, and about my employee who harassed you, ako na ang bahala sa kanya. I will not tolerate this. Sakit na sa ulo sa akin ang Kiel na ‘yan and I’ll give him what he deserve. Pagbabayarin natin siya sa nangyari.”  “Thank you, Sir David.”  “You’re welcome. You can now go back to work.”  Nakahinga ako ng maluwag. Lumabas ako sa opisina at bumalik sa trabaho. Buti na lang at hindi niya ako pinagalitan at naniniwala siya sa sinabi ko dahil kung hindi, hindi ko alam ang gagawin ko.  Hindi ko alam kung paano ko papatunayan sa kanya na hindi ko naman ginusto ang nangyari. Napakaswerte ko kasi napakabait sa akin ni Sir David.   ---------------------  “So what happened? Pinagalitan ka ba ni Sir David? Sinabon ka ba niya?” usisa ni Nicole habang humihigop ng iced coffee.  Narito kami ngayon sa Coffee Project malapit sa trabaho ko. Lunch time ngayon at naisipan namin na dito na lang magpalipas ng tanghalian dahil hindi ko kakayanin ang mga mata ng mga employee sa canteen ng building namin. ‘Yung mga tingin nila parang ang laki ng kasalanang nagawa ko. Akala mo mga santo eh makasalanan din naman katulad ko. It’s so ridiculous how they judge me so quickly without knowing the whole story. Mga chismosa talaga! At sa tingin ko hindi lang ata sa HR department kumalat ang video. Hays! Nasstress na ako!  “Hindi. Hindi niya ako pinagalitan. Tutulungan pa nga niya ako imbestigahan ang nangyari. Sinabi ko kay Sir ang totoo and he believe in me. Hindi rin naman ako nagsisinungaling,” sagot ko.   “Ano ba talaga nangyari sa’yo?” tanong ni Janine. Sinamaan ko sila ng tingin at hindi sumagot.  “Okay, fine. We’re sorry kung napabayaan ka namin kagabi. Hindi na mauulit. We promised, okay? We’re just now worried about you. Hanggang ngayon hindi ko pa rin naiintindihan ang video na kumakalat lalong-lalo na ang pinagsasabi ng palajang Tania na ‘yon kanina. Gusto ko na nga siyang bigwasan eh. So what really happened?” dagdag pa ni Janine.  “Nag-aalala ba talaga kayo o gusto niyo lang maki-chismis sa nangyari?” I said. Mahina akong sinapak ni Nicole sa ulo. “Baliw ka ba? Kaibigan mo kami noh! Pero kung ayaw mong ikwento, okay lang. Okay lang talaga, ‘di ba, Janine?” nangongonsensiyang sabi niya.  “Ewan ko sa inyo. So ito nga ang nangyari…” I told them everything from what happened at the bar last night until I got here. Sinalaysay ko lahat about kay Kiel, kay Luke, kay Abigail, at kung paano ako tinulungan ng magkapatid para lang makapasok ngayon sa trabaho dahil sobrang wasted ko kagabi.  “For real, Danica? Omg! Magkaibigan na kayo and Close agad kayo ng ate niya? So what’s next? Ipapakilala ka na ba sa buong pamilya niya?” natutuwang sabi ni Nicole.  “Gaga ka ba? Magkaibigan lang kami. Hindi naman mangyayari ang lahat ng ‘to kung hindi niyo ko pinabayaan sa bar. Nando’n tayo para mag celebrate ng promotion ko pero iniwan niyo ko. Tsk! Dahil d’yan kayo magbabayad ng mga inorder ko ngayon!” I crossed my arms at umakto na nagtatampo sa kanila.  “Sorry na nga eh.”  “But wait, Danica. I can’t believe it. Niligtas ka ni Luke? So ano mo na siya ngayon? Your night and shining armour? If yes, OMG! Kinikilig ako! Ito na ba ‘yun? Magkaka jowa ka na ba? Shemay! Ang gwapo pa naman ni Fafa Luke. Super hot! And oo nga pala, buti na lang at hindi mo pinatulan ang Kiel na ‘yun. Gwapo nga pero manyak naman! Akala ko pa naman sincere at may respeto ang panliligaw niya sa’yo but it turns out that he’s crazy and obsessed!” sabat naman ni Janine.  “Sinabi ko naman sa inyo dati pa na hindi ko siya gusto pero kayo ‘yung mapilit. Porket gwapo gusto niyo na? Looks can be deceiving. Tignan n’yo ngayon, napahamak pa ako dahil sa kanya. Ang pinagtataka ko lang, bakit may video? Saan galing ‘yon? At saka bakit kumalat agad sa department natin ‘yon? Sinasadya niya ba ang nangyari para siraan ako pero what’s the point na sisiraan niya ako?” “Siguro dahil masyado ka raw choosy at ‘di mo siya gusto. Well, sino ba magkakagusto sa manyak na katulad niya?” ani pa ni Nicole.  “Ikaw! ‘Di ba nagagwapuhan ka sa kanya?” Janine said. “Bakit ikaw din naman ah?”  “Pareho lang kayo! Kayo talaga may mga jowa kayo pero ang haharot niyo!” sabat ko.   “But seriously, ano balak mo kay Kiel? You can file a case against him?” Napaisip ako.  “Ayoko na rin sana lumaki pa ang gulo pero sabi ni Sir David siya na raw ang bahala mag imbestiga sa nangyari, and sinabi niya rin sa akin na pagbabayarin daw ni Kiel ang ginawa niya sa akin.” “Mabuti naman. But how about Tania? Palalampasin mo lang din ba ang ginawa niya sa’yo kanina? Halos pahiyain ka niya sa lahat ng employee sa buong department. At saka saan siya humugot ng lakas ng loob para sabihin sa’yo ang mga bagay na ‘yon? Alam mo umiinit na talaga ang bungo ko sa palakang ‘yon eh. Gusto ko na nga siya bigwasan kanina eh!” inis na inis na sambit ni Janine.  “Hayaan na natin siya. Isipin na niya ang gusto niyang isipin pero hindi ko siya papatulan. Ayokong lumevel sa pagkatao niya. Hindi natin siya katulad. So be professional, girls! Hayaan lang natin silang pumutak basta alam na natin sa sarili natin ang totoo. Pipilitin ko na hindi na rin mag paapekto sa mga sinasabi nila dahil pag ako rin naman ang naapektuhan, ako rin ang talo. Isipin na nila ang gusto nilang isipin. Basta tayo nagtatrabaho tayo ng maayos.” I said. Sumangayon naman sila sa sinabi ko.  Habang kumakain kami ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Mabilis pa sa alas kwatro na tumingin si Nicole at Janine sa screen ng cellphone ko.  “Hmm… Unregistered number. Let me guess? Is that Luke?” mapang-asar na tanong ni Janine. “Call mate naman pala.” “Tumigil nga kayo. Sasagutin ko muna ‘to.” Tumayo ako sa upuan ko at lumayo sa kanila sabay sagot sa tawag.  “Hello? Sino ‘to?”  “Good day. It’s Luke. Si Danica ba ‘to?”  “Luke? Oh? Yes, it’s me. Napatawag ka?” Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya.  “Oh hi! I just want to be sure if it’s really your number kaya napatawag ako. Uhm… P’wede ba tayo lumabas tonight after nang work mo? Let’s have some coffee or dinner? What do you think?”  Nabigla ako sa sinabi niya. Agad-agad? Hindi ko akalain na seryoso siya sa sinabi niya kanina. I really can’t believe na itetext at tatawagan niya talaga ako. Akala ko ‘yon na ang huli naming pag-uusap.  “Uhm… Luke. I’m sorry. Marami kasi akong ginagawa eh. Pwede bang next time na lang?” sagot ko pero ang totoo n’yan, wala naman talaga akong ginagawa. Nahihiya lang ako sa kanya lalo na pag naiisip ko ‘yung mga kagagahan ko kagabi at saka marami rin akong iniisip ngayon. Wala ako sa mood para lumabas.  “Wala ka namang ginagawa ah! Bakit hindi ka pumayag? Go na, Danica!” “Oo nga!” Nagulat ako nang makita ko si Nicole at Janine sa likod ko na bumubulong. Agad kong inilayo ang cellphone ko para hindi marinig ni Luke ang sinasabi nila.  “Ano’ng ginagawa niyo d’yan? Do’n nga kayo!” pagtaboy ko. They pouted at me at agad naman silang lumayo sa kinatatayuan ko. Mga chismosa talaga! “Ah gano’n ba? Ano’ng oras ba ang labas mo mamaya? Sunduin nalang kita, tapos hatid kita sa inyo.”  Nangungot ang noo ko sa inaasta niya ngayon. Bakit naman niya naisip na sunduin ako?  “Uhmm… Luke. Hindi mo naman ako kailangan sunduin pa. I can handle myself. And honestly,  I’m not in a good mood today. Siguro next time na lang?” sagot ko.  “Oh. Gano'n ba? Okay. Okay… I  understand. I’m sorry if I bothered you. I just miss you.” Nanahimik ako sa sinabi niya at hindi ko maintindihan dahil parang bumilis ang t***k ng puso ko at pakiramdam ko may kung anong bagay na lumilipad sa tiyan ko.  “Miss? Ako? Nagpapatawa ka ba? Kagabi lang tayo nagkasama at nagkakilala. Tumigil ka nga sa mga biro at banat mo r’yan.” “I mean I miss you as a friend.” He chuckled at narinig ko siyang bumulong pero ‘di ko maintindihan. “Ano ba ‘tong sinasabi ko. Anyway, Sige, Danica. I’m really sorry for bothering you. Hindi ko rin alam kung bakit tinawagan kita ngayon and asking for a dinner or a coffee. Haha. Next time na lang siguro. Sana pagbigyan mo ‘ko. See you soon.”   “Okay. See you—”  Hindi niya ako pinatapos at mabilis niyang pinatay ang tawag.  Weird. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD