Chapter 28 Danica Murillo “Are you serious?” sambit ni Ate Abby na ngayon ay hindi makapaniwala sa mga plano na binulong ko sa kanya. Tumango ako at ngumiti. Narito kami sa kumpanya kung saan nagtatrabaho ang lalaking nang-iwan kay Ate Abby. Nung una ayaw niya sabihin sa akin kung saan dahil ayaw niya nang gulo pero sinabi ko sa kanya na hindi naman siya ang gagawa ng eksena, kundi ako. So he let me. Kasalukuyan kaming nasa lobby ng kumpanya. May waiting area rito kaya naupo kami sa sofa. Habang tinatakpan namin ng magazine ang aming mga mukha at kunwaring nagbabasa ay pasilip-silip ang mga mata namin sa paligid. Hinintay naming dumaan ang lalaki sa lobby. “Sigurado ka bang ganitong oras dumadaan ang lalaking ‘yon dito, Ate?” tanong ko. “Yes. Sure ako.” Ilang minuto ang lumi

