Chapter 46.1 Danica Murillo Torres “Are you ready tonight, baby?” bulong niya sa tainga ko. Tumayo ang balahibo ko nang maramdaman ko ang paghinga niya sa balat ko. Bakas na bakas din sa kanyang labi ang isang nakakalokong ngiti nang magtama ang tingin namin. “I’m always ready, baby! You know that!” I grinned. Hindi ko alam pero wala pa nga kami sa kwarto namin ay ramdam na ramdam ko na ang init sa katawan ko. Hindi ako mapakali at tila sabik na sabik na sa honeymoon namin ngayong gabi. Hindi ko rin inalis ang mga mata ko sa mukha niya. Napaka gwapo ng asawa ko at hinding-hindi siya nakakasawang titigan. Ang sarap sa pakiramdam na sabihin sa sarili ko ngayon na asawa ko na siya. I never expected na magiging ganito ang hinaharap naming dalawa, na ikakasal kami. I’m so lucky to marry h

