“Bakit ba ano bang kailangan nyo sa akin?” Tanong ko sa apat na lalaki. “ “Asan ang susi! Ibigay mo na sa amin!” Sigaw ng lalaki. “Ano bang susi ang hinahanap niyo?” May susi ako ng bahay dito baka ito yung hinahanap niyo! Sabay pakita ko ng susi nang pinto sa kanila. Gusto kong hugalpak ng tawa sa itsura ng apat na lalaki ng pinakita ko sa kanila ang susi ng bahay ni Jackie, “Pinagloloko mo ba kami babae?! Muling sigaw ng lalaki sa akin. “Hindi! bakit ko naman kayo lulukuhin yan lang naman ang susing hawak ko. Sigaw ko sa apat na lalaki, Kaya lalong nainis ang mga ito sa akin. “Kayo kapkapan nyo siya! Utos ng isang lalaki sa tatlong kasamahan nito. “Yan ang gusto ko pare,” makakahawak ako ngayon ng isang magandang katawan at magandang babae. saad ng isang lalaking maniyak.

