Chapter 19

2559 Words
JHO. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Beatriz. Parang sasabog na puso ko na ewan sa sobrang kilig eh. Gusto ko lang makasama siya ngayon. Pero badtrip kasi naman eh, ngayon lakad namin nila Marge. "Earth to Jhoana, nakikinig ka ba?" Sabi ni Marge. "Huh? Ano yun?" Tanong ko. "Kanina ka pa lutang, Jho." Sabi ni Marci. "Kumain lang muna kasi tayo." Sabi ni Ged. "Sorry guys... ano ba yun? Hehe." Sabi ko. "Wala.. eto kasing si Ged pinapatanong if may boyfriend na daw ba yung bestfriend mo." Sabi ni Marge kaya napatingin ako kay Ged. "Huh? Sino?" Tanong ko. "Si Bea! Hahaha lutang ka talaga!" Sabi ni Ged. Natawa din tuloy ako. Kasi naman, tatanong ko pa kung sino eh si Beatriz naman talaga yung bestfriend ko, yung pinakalagi kong kasama. Pero ngayong alam ko na na she likes me, bestfriend pa rin ba? Or may something na? Eh, di ko naman maitatanggi, si Beatriz pa? May chance talaga yun sakin noh. So kung mutual kami ng feelings, anong meron samin? Kastress! "Ah.. bakit mo tinatanong?" Sabi ko kay Ged. Nag-shrug lang siya. "Wala lang. So ano nga?" Wala naman boyfriend si Beatriz... pero.. pero may.. pero gusto niya ako! "Madaming manliligaw yun." Sabi ko na lang at kumain ulit. "Pfft.. Jho, meron o wala lang isasagot mo." Sabi ni Marge. "Bakit Ged? Type mo ba si Beatriz?" Tanong ko. Umiling agad si Ged. "Hindi ah. Natanong lang." Sabi niya at nginitian ako. "Ah. Wala siyang boyfriend." Sabi ko na lang. "Eh ikaw Jho? Malapit ka na magka-boyfriend?" Sabi ni Marge na may halong pang-aasar. Napailing naman si Marci sa sinabi ni Marge pero namula siya. Ako? Wala lang. "Baliw ka Marge eh!" Sabi ko na lang. "Maka baliw naman 'to. Kilig ka lang eh." Sabi ni Marge. Oo, kinikilig ako sa pag-amin ni Beatriz sakin kanina. Waaaaah! Ang tanga talaga ni Jia sabi niya cheerleader daw yung type ni Beatriz. Ako kaya! Wahahaha! Dapat talaga di ako nagpapaniwala sa isa na yon eh. Tss. Pero dapat pasalamat pa rin ako sa kanya kasi kung di niya ako pinilit pumunta sa lib... baka di pa maamin sakin ni Beatriz tapos baka masaktan lang ako ulit. Nako, galing talaga ni Jia. Ililibre ko yun ng stick-o mamaya! "Haha! Marge ang dami mo talagang alam noh?" Sabi ko na lang. "Eh ano nga Jho? May chance ba si Marci sayo? Tagal ka na rin niya nililigawan ah." -Marge. Grabe? Nakakaloka na talaga 'to si Marge. Hindi manlang iniisip na ang awkward eh. "Marge ang daldal mo na. Wag mo na kulitin si Jho. Kasi may chance o wala, masaya na akong pinaramdam ko sa kanya yun... basta." Nahihiyang sabi ni Marci. Haaay... sobrang bait ni Marci, hindi niya ako deserve. Kasi I know naman na may mas better pa sakin eh. Alam kong may mas magmamahal pa sa kanya, siguro he needs to wait lang. Hindi ko alam, gusto ko ng kausapin si Marci about sa panliligaw niya. Para kasing pinapaasa ko na lang siya... Tsk. Alam kong mali ako una pa lang. Parang kinakain tuloy ako ng konsensya ko ngayon kaya nahihirapan akong kausapin siya. Lalo na ngayon na alam kong gusto ako ni Beatriz... parang gusto ko na sa kanya na lang umikot yung mundo ko. Ahhhhhhh! Nakakabaliw! "Hay nako! Corny! Anyway, Jho nakikita mo ba ginagawa ng mga fans niyo ni Bea?" Sabi ni Marge. "Mga shippers yun. JhoBea shippers. Haha!" Natatawang sabi ni Ged. Wow. Alam na rin nila? Sabagay... ang dami ng shippers eh. Hindi ko pa nache-check twitter ko kasi nanghihina ako dun sa mga ilang tweets na nababasa ko. Ang daming nangba-bash sakin. Hindi naman nila alam yung paghihirap ko eh. "Huh? Bakit anong meron sa kanila?" Tanong ko. "Hay nako friend.. bina-bash lang naman nila si Marci. Kung ano-anong sinasabi nila dito sa kaibigan natin kasi diba may mga pictures na madalas kayo ang magkasama." Naiiling na sabi ni Marge. Binabash nila si Marci? Napatingin ako kay Marci tapos ngumiti lang siya ng tipid. "Okay lang naman Jho hindi ko na lang pinapansin kahit minsan masakit na mga sinasabi nila. Hahaha!" -Marci. "Sorry Marci ha? Ngayon ko lang nalaman 'to hindi na kasi ako gaano nagt-twitter. Pero sorry talaga.. wag ka mag-alala magpo-post na lang ako na wag ka na nilang guluhin." Sabi ko. Nalulungkot ako for Marci. Kung alam lang nila na ako lang naman ang may pakana ng lahat eh. Pumayag ako manligaw siya sakin kahit wala naman pag-asa. I tried naman eh, pero wala talaga. Isa pa, sobrang bait ni Marci... sa lahat ng lalaki na nakilala ko, siya yung parang ideal na ng lahat, funny, gentleman, gwapo, mabait, lahat na.. pero hindi ko alam kung bakit sa kabila nun, laging si Beatriz pa rin hanap ko. Hindi deserve ni Marci ang ma-bash. Siguro, ako yun. Ako yung mas dapat makatanggap nun sa katangahan ko sa mga desisyon na ginagawa ko. Ang tanda ko na, pero when it comes to decision-making lagi akong sablay. Parang wala akong natututunan sa past experiences ko sa buhay. "Jho sorry ah? Kasi nag-tweet na rin ako na wag nila guluhin si Marci. Nakialam na ako since kaibigan ko yung nadadamay.. ayoko naman ng ganun. Tapos saglit naman silang tumigil then bumalik ulit." Sabi ni Marge. "Sorry Marge... sorry guys ha. Lalo na sayo Marci." Malungkot na sabi ko. Sobrang nalulungkot ako. "Bawasan niyo kasi ni Bea closeness niyo, napagkakamalan tuloy na kayo." Sabi ni Ged tapos bahagyang tumawa. Ang saya niya noh?! "Ged natural lang naman sa mag-bestfriends yon, sadyang may nagshi-ship lang sa kanila, pero sobra na shippers eh." -Marge "You know what Jho? Try mo sabihin sa shippers niyo na walang kayo ni Bea. Isa pa, sobrang ganda ni Bea para maging lesbian or kung ano man. And ikaw din." Sabi ni Ged. Konti na lang iisipin ko na type niya si Bea eh. Mukha siyang Bea. Kung alam mo lang na ako ang gusto ni Bea eh. Tss.   saka anong klaseng pag-iisip yun? eh halos lahat nga ng gays ngayon mas magaganda't gwapo pa sa mga straight eh.  mukha ba magdidikta ng pagiging gay mo? ang tanga! "Alam ko gagawin ko. Basta Marci ako bahala sayo." Sabi ko at ngumiti kay Marci. "Thank you Jho but hindi mo naman kailangan pagalitan fans niyo, baka isipin pa nila nag-sumbong ako sayo or what... I promise I'll be okay kahit ano pa sabihin nila." "Ah basta.. di mo deserve lahat ng hate sa mundo." Sabi ko at tinapik balikat niya. "You too." Sabi niya. Nag-kwentuhan na ulit kami tapos hanggang sa magkayayaan na umuwi na. Sobrang busog kami lahat sa tawa at kain eh. Pero nafi-feel ko talaga na may gusto si Ged kay Beatriz pero pag inaasar namin or what.. kapani-paniwala naman mga sinasabi niya na di niya type si Beatriz. Napapaisip tuloy ako kung OA lang ba ako dahil nagseselos ako... Oppss. Waaaah! Anong selos ba iniisip ko? Eh hindi naman kami eh! Porket ba alam kong gusto niya ako dapat territorial na ako? Eh? Ang weird ko na! "Hatid na kita sa dorm." Sabi ni Marci kaya nagnod naman ako. Humiwalay na kami ni Marci kayna Marge kasi gusto ko na pumunta sa dorm. Hay nako, sana nandun si Beatriz. Baka naman mamaya sa bahay nila yun umuwi nako... miss ko na siya. Ang dami ko pang gusto itanong sa kanya eh. "Parang excited ka umuwi ah?" Sabi ni Marci. "Syempre makakarest na." "Good... kailangan mo nun eh." "Oo sobrang kailangan hahaha!" Ngumiti naman siya. Naisip ko tuloy itanong yung about kay Ged... baka alam niya kung sino gusto nung isang yun eh. "Marci... kilala mo ba kung sino gusto ni Ged? Feeling ko kasi si Bea eh." Sabi ko. "Hindi eh, actually daming chiks non kaya di ko talaga alam. Pano mo nasabi na si Bea?" "Eh pansin mo ba kanina? Puro si Bea laman ng bibig niya. Hahaha!" Umiling naman si Marci. "Hindi ko naman napansin... Hayaan mo na yun malaki na yun. Babaero nga eh."  Natawa naman ako. "Syempre iingatan ko lang bestfriend ko noh..." Wow ha, ang bilis ko nakaisip ng palusot. "Hmm... pag may gusto si Ged sa isang tao ginagawan niya agad ng move. Ganun yun." "Ah... ganun ba.. siguro nga praning lang ako hahaha! If ever kasi na haharutin niya si Beatriz ayoko kasi masasaktan lang bestfriend ko. Isa pa, NBSB si Beatriz." "Don't worry Jho.. malay mo magbago siya kay Bea." DI NGA PWEDE EH. "Hmm.. okay." Nakarating agad kami sa dorm kaya nagba-bye na ako kay Marci tapos pumasok agad sa loob. Nakita ko sa labas yung car ni Beatriz kaya dali-dali ako ngayon. Sakto naman na pababa ng hagdan si Beatriz paalis na siya.. "Beatriz!" Tawag ko. Mukhang nagulat pa siya na makita ako. Ngumiti naman siya. "Aalis na ako eh. Sama ka?" Tanong niya. "Bahay? Pwede?" Tanong ko pabalik. Nag-nod naman siya. "Yaay! Sige wait lang ha. Akyat muna ako saglit, nandun ba si Jia?" Tanong ko. "Oo. Hintayin na lang kita sa car." Sabi niya tapos lumabas na. Umakyat agad ako sa kwarto namin nila Jia tapos nakita ko siya dun nagla-laptop kaya naman agad ako tumakbo palapit sa kanya tapos niyakap siya. "AY KABAYONG BAKLA!" "Grabe? Kabayo talaga? Waaah! I love you Jia!" Sabi ko habang niyayakap siya pero siya gusto kumawala. "Nako bes ha.. hindi tayo talo tigilan mo ako." Nabatukan ko naman siya. "Alam mo mabait na sana ako sayo eh kung di ka lang gaga." "Di naman talaga ako gaga eh. Si Lady yun." Napakunot naman noo ko. "Si Lady? Sino yun?" "Si Gaga." "Huh? Si Gaga?" "Jusme ang bobo. Lady Gaga! Lady G! Joke kasi yun bes noh? Seryoso sa buhay ngayon? Porket nahalikan lang ng papi." Nabatukan ko naman siya. Baket niya pinaalala!!! Kinikilig nanaman ako!!! "Put-- Sobra ka na ha! Isa pang batok ipagkakalat ko sa lahat yung nangyari." Niyakap ko naman ulit siya. "Shh ka lang! Waah! Thank you talaga Jia kahit na ang bobo mo sa part na cheerleader yung type ni Beatriz eh ang galing mo naman sa part na pinapunta mo ako sa lib. Kung di dahil sayo pati sa lahat ng katangahan mo bes baka hindi kami nagkaalaman dalawa." Tinulak naman niya ako palayo. "Okay na? Pwede naman thanks na lang eh kailangan may insulto talaga?" Natawa naman ako. "Sorry na! Basta thank you Jia!" "Eh paano naman yung isa?" "Hmm... usap tayo bukas ha? Sige na focus ka na dyan baka magalit sakin si julalay eh." "Ano?! Makikitulog ka nanaman don?! Si Ate Ella tambay kayna Ate Ly.. tapos ikaw.. Wow world bait ng mga bessies ko." "Ehhh... tawagan mo nalang si Miguel. Basta thank you bes ha. Alis na ako babyeee!"  Sabi ko at lumabas na ng kwarto agad. Nakarating ako sa loob ng kotse ni Beatriz tapos tinignan niya lang kung okay na then nag-drive na siya. Seryoso? Anyare dito? "Beatriz." Tawag ko. "Oh?" "Oh talaga? Ang sungit mo naman." Di naman siya sumagot. Teka? Bakit ba siya ganyan? Sabi-sabi niya gusto niya ako pero di ko naman maramdaman! Iba to sa ine-expect ko eh. Hay nako. Parang nawala din tuloy ako sa mood. Excited pa naman akong makasama siya tapos ganito lang. Siya pa lagi ko iniisip tapos ngayon parang ayaw niya naman akong isipin. Gusto niya ba talaga ako? Tss. Tahimik lang buong byahe hanggang sa nakarating kami sa kanila. Bumaba siya at ganun din ako tapos sabay kami pumasok sa loob ng bahay nila. 9:30 na pala ngayon ko lang napansin yung oras kaya pala tahimik na sa baba nila Beatriz eh. Malamang mga nasa kwarto na sila Tito and Tita... sinundan ko na lang si Beatriz papunta sa kwarto niya. Naupo ako sa kama niya habang siya naman nakatingin lang sakin habang nakatayo. "Kanina pa kita hinihintay sa dorm." Panimula niya. "Alam mo naman diba? Sumama ako kayna Marge." "It's okay. I know naman na when it comes to Marci nalilimutan mo ako." Sabi niya at ngumiti ng pilit. Umiling ako agad. "Di totoo yan!" "Wala naman akong karapatan sayo Jho. Pero gusto ko lang malaman mo na..." "Na?" Lumapit naman siya sakin. "Nagseselos ako." Kaya pala ang sungit niya. Haha! Cute! "Beatriz wala naman dapat ikaselos." "Di ako dapat magselos sa manliligaw mo?" Hinawakan ko naman yung kamay niya. "Alam mo walang rason para mag-drama ka dyan or magselos. Trust me lang Beatriz. Isa pa... akala ko ba gusto mo ako? Unang araw ng pag-amin mo sakin ganyan ka. Tch!" "Sorry na okay? Selos lang eh. Pero totoo naman yun... I like you a lot, Jhoana." "Dapat lang noh! Kasi kung hindi ife-facial talaga kita." Niyakap naman niya ako. "Missed you." Bulong niya sa tenga ko na nagbigay ng libo-libong kuryente sa katawan ko. Niyakap ko siya pabalik. "Missed you more." Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Ang saya lang! "Beatriz gusto mo ba talaga ako?" Tanong ko ulit kasi gustong-gusto ko naririnig na gusto niya ako eh. Kinikilig ako. Napahiwalay naman siya sakin. "Kulit ng lelang mo. Oo nga, Jhoana Louisse... gustong-gusto kita." Hindi ko napigilan ngiti ko at pinitik noo niya. "Ang saya ko." She smiled too. "Masaya rin ako, sobra. Kung alam mo lang Jho." "Liligawan mo na ako ah." Sabi ko. Natawa naman siya. "Yes po my love." WHAAAAAAAAT?!?!?! "A-Ano? Sabi mo?" Binigyan naman niya ako ng killer smile niya. "My love." Napalo ko siya sa braso. "Ang corny mo!" Sabi ko habang nakangiti kasi kinikilig ako. "Sige lang, hide your kilig lang Love." "Leche ka pa nga lovebabe!" AY! Nag-smirk naman siya sakin. "Lovebabe pala ah. Bilis mo naman." Omg. Nakakahiya! Ewan ko ba't bigla na lang lumabas sa bibig ko yun eh. Waaah. "Baliw.. joke lang yun." Nahihiyang sabi ko. Nginitian niya ulit ako. Tss. Kung alam niya lang na nakakatunaw yun ng puso eh! "I love it." Mahinang sabi niya. "Y-yung lovebabe? Hindi ka nako-cornyhan?" "Nope. I find it so sweet. Just like us." Napangiti naman din ako. Siguro nga kapag masaya ka talaga or inspired or inlove parang kahit ano pa yan, basta sinabi o ginawa ng taong gusto mo, kahit pa corny, magugustuhan mo talaga. "Tama na nga po lovebabe masyado mo na akong pinapakilig." "Ikaw rin love eh. Makita lang kita sobra na kilig ko. Tsk!" "So tatago na ako sayo ganon?" Natawa naman siya. "Oo tago ka na dito sa arms ko." Sabi niya tapos niyakap ako ng mahigpit. Naisip ko tuloy bigla... walang dapat makaalam netong meron samin ni Beatriz. Hindi pwedeng lumabas 'to sa public. Siguro tama na si Jia lang ang may alam. "Lovebabe..." "Yes my love?" Humiwalay ako onti sa kanya at tinignan siya. "Bawal natin ipaalam kahit kanino lahat ng 'to ah." Nag-nod naman siya. "Opo, naiintindihan ko naman." "At... isa pa." "Ano yun love?" "Bawal ka masyadong clingy sakin sa public." Ngumiti naman siya. "Oo, babawasan ko na." Niyakap na niya ulit ako. "Ang bango mo pa rin Jho kahit tagal mo sa labas." Inaalala ko lang naman kalagayan ni Marci ngayon. Based sa kwento ni Marge kanina parang gusto ko na mag-open ng twitter para makita if legit yon. Hindi naman kasi deserve ni Marci ang ma-bash. Mabuti siyang tao. "Ah... Beatriz.." "Hmm?" "Last na 'to." Humiwalay naman siya ng yakap ulit sakin at tinignan ako. "Dami naman Jhow. Sige ano?" "Wag kang lalapit sakin kapag kasama ko si Marci." This time sumeryoso mukha niya. "May I know why?" "K-Kasi..." "Nevermind. Wag mo na sagutin. Let's sleep." Sabi niya tapos ay naunang mahiga sa kama niya. "Beatriz..." Tawag ko pero ngumiti naman siya... kahit na pilit at peke. "I'm tired na Jhow. Let's sleep na." Sabi niya tapos ay pinikit na mata niya. Alam ko nasasaktan ko si Beatriz ngayon, pero anong magagawa ko? Kailangan ko gawin 'to, kailangan niya malaman para naman maging maingat kami sa kung anong meron samin. Isa pa, I hate seeing Marci feeling sad ng dahil lang sa ship namin ni Beatriz. Nadadamay kasi talaga siya kahit hindi naman dapat. Kailangan lang naman namin protektahan sarili namin eh. Kasi alam ko na hindi madali yung pinasok ko. Madami pa akong dapat pagisipan na mga bagay na dapat kong gawin. Basta po-protektahan ko si Beatriz at Marci sa abot ng makakaya ko. Dahil pareho silang mahalaga sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD