BEA. With what happened sa amin ni Jho. Nagkaroon na ako ng courage na sabihin sa parents ko ang lahat. Ayoko maging duwag. Masyado kong mahal ang sarili ko pati si Jho para itago na lang lahat ng ito lagi. Huminga muna ako nang malalim at saka kumatok sa kwarto nila Mommy. "Come in!" Rinig kong sigaw ni Mom kaya binuksan ko agad ang pinto. "Oh, Bei... late na ha. Bakit gising ka pa?" Tanong ni Mom. "May problema ba ang babygirl ko?" Tanong ni Dad. Go, Bea. Kaya mo yan. Mas magmumukha kang tanga kung magba-back out ka. Lumapit naman ako sa kama nila at naupo ron. "Mom.. Dad... I have something to tell you." "Kinakabahan ako sayo Bea ha." Sabi ni Mommy habang natatawa. "Ano ba yun nak?" Tanong ni Dad. "K-Kasi..." Napalunok naman ako dahil parang nanunuyo na ang lalamunan ko. Nak

