BEA.
"Let's go?" Tanong sakin ni Ged pagkatapos ko mag-shower. Hinintay niya talaga ako dito sa BEG kahit 7 PM na. Training kasi namin.
Nilingon ko si Jho tapos nakikipagkwentuhan siya kayna ate Ella. Ang cute niya talaga pag nakangiti, lalo akong naiinlove eh.
"Saglit lang Ged ah." Sabi ko ulit kasi lalapitan ko muna si Jho.
Dapat talaga kami ni Jho yung magdi-dinner ngayon kaso si Ged diba may usapan kami? Yung tungkol sa dinner na utang ko sa kanya kasi hindi ako pwede nun dahil si Jho yung kailangan kong puntahan nun. Nakakahiya naman kasi kahapon niyaya niya ako pero tumanggi ulit ako. Bilang kaibigan naman siya ni Jho, hayaan ko na lang. Basta masabi na niya yung gusto niya raw sabihin sakin.
"Sure. I'll wait here." Lumapit na ako agad kayna Jho.
"Jho, alis na ako." Paalam ko.
"Beatriz hindi ka mag-iinom ha." Sabi niya.
"Di naman talaga, dinner lang yon may sasabihin sakin si Ged eh."
Umirap naman si Jia. "Susme. Paka arte naman niya pwede naman sabihin na sayo dito bakit kaya may pa dinner pa?"
"I don't know, Ju." Natatawang tanong ko.
Tinapik naman ni Jho si Jia sa braso. "Huy grabe ka sa kaibigan ko ha. Hayaan mo na usapang papi lang yun for sure, pati kawawa naman si Ged gusto yata maka-bonding 'to si Beatriz. Pareho sila kasing malakas uminom."
"Jhow, di nga sabi ako iinom eh." Naka-pout na sabi ko.
"Sus ikaw pa Beatriz umayos ka ha. Tapos uwi ka agad please? Sa dorm ka na mag-stay." Sabi ni Jho tapos pinalo-palo pa braso ko.
Ay ewan ko ba, paka s*****a. Abnormal eh buti na lang mahal ko. "Oo na po. Alis na ako ha?" Nag-pout naman siya. Tapos si Jia natawa. Ako? Napakunot ang noo.
"Kiss daw gaga." Sabi ni Jia sakin.
"Ha?" Gulat na tanong ko. Si Jho naman tawa nang tawa.
"Joke lang Beatriz sige na alis na ang cute mo talaga pagtripan!"
"Trip pala ah lagot ka sakin mamaya pag-balik ko." Nag-belat lang siya tapos tumakbo na sila ni Jia palayo. Tignan mo yun! Wala manlang maayos na ba-bye sakin amp. Hirap talaga pag abnormal yung mahal mo eh.
Bumalik na ako kay Ged tapos sabay kaming pumunta sa parking area.
"Bea if okay lang sayo car ko na lang gamitin?" -Ged
"Huh... okay lang naman."
Nag-smile naman siya tapos pinagbuksan pa ako ng pinto ng car niya. Nako po. Mas okay pa sanang sariling kotse ko na lang dinala ko eh. Nagmukhang date 'to. Tsk.
"Bea I'm so happy na libre ka ngayon, finally masasabi ko na." Sabi niya.
Pilit akong tumawa. "Ang alin ba?"
"Secret, maya na."
"Ged ha daming pakulo."
Natawa lang naman siya. Sobrang bored na ako. As in. Kwento siya ng kwento pero lumilipad talaga isip ko eh. Si Jho lang laman ng utak ko. Hays, bat pa kasi ako sumama sa kanya eh. Bakit pa kasi ang bait ko masyado. Konting ano lang, accept agad. Kainis talaga pag hindi ka marunong tumanggi eh. Ang hassle. Maya-maya pa nakarating kami sa isang Italian Resto.
"Wow Ged anong meron?"
"Dinner date." Sabi niya at nginitian ako.
What the heck? I wasn't informed na dinner date 'to?
"Uy grabe."
"Awkward ba Bea?"
Umiling naman ako. "Hindi ah. Oks lang." Sh*t. Ito na ba talaga yung sinasabi ni Therese? Kailangan ko na mag-handa ng excuse. Hindi 'to pwede. No way.
Nag-kunwari na lang ako na walang nahahalata. Umarte lang ako ng normal. Hanggang sa kumain kami, tawanan at kwentuhan lang.. tapos hanggang sa kalagitnaan ng kwentuhan..
"You know what Bea? Nung unang beses kitang nakita sobrang cute mo talaga for me. Kaya inalam ko agad name mo." Sabi niya.
"Really? Hahaha!"
"Oo tapos naging friend ko sila Marge para kahit papano makalapit sayo. Pero di mo naman ako pinapansin eh. Sabagay you're famous kasi eh. Tapos nalaman ko binasted mo si Thirds." Natatawang sabi niya.
"Ah... friend lang kasi tingin ko sa kanya." Hindi niya pinansin yung sinabi ko tapos nagpatuloy pa sa pagsasalita.
"Halata naman siguro right? Tagal ko na pinaparamdam sayo..."
"Ged pwede bang i-uwi mo na ako sa dorm? Ang sama ng tiyan ko bigla eh."
"But Bea may sasabihin ako." Kunot-noong sabi niya.
"Go pakibilis." Sabi ko at umarteng masakit tiyan ko. Ayoko makarinig ng kung ano sa kanya. Dapat ngayon pa lang mahalata niyang wala siyang pag-asa sakin.
"Bea I like you okay... a lot. Can I court you?"
"Ged..."
"What? May chance ba ako? Alam ko Bea may chance ako sayo. Madalas kang sumasama sakin unlike sa iba mong manliligaw."
Stupid. That's because kaibigan ka ng mahal ko. "Ged kasi gusto kita maging kaibigan kaya ganun..."
"Kaibigan? I know dine-deny mo lang. Pareho kayo ni Jho diba? Pakipot."
Kumunot ang noo ko nang hawakan niya ako sa braso at inilapit sa kanya. "Bitawan mo ako, Ged. And I'm sorry okay? Hindi pwede." Sabi ko at mabilis na inalis pagkakahawak niya sa braso ko then tumakbo palabas ng resto.
"Bea! Bea!" Rinig kong tawag niya pero di ko nilingon.
"Okay bibigyan kita ng time para pag-isipan mo. Hindi naman ako nagmamadali eh. I know may chance ako sayo. Hihintayin kita Bea." Rinig kong sabi ni Ged habang hinahabol ako.
Huminto muna ako saglit at hinarap siya. "Ged, I'm sorry. And thank you pa rin sa dinner... but I really have to go. Sorry talaga. Hindi pwede." I can see it in his eyes na pinipigilan niyang magalit pero namumula na siya eh. Kaya siguro mas maiigi na umalis na lang ako dahil baka kung ano pa mangyari. Mabilis akong pumara ng taxi at sumakay agad don.
Hindi ko alam... masyadong creepy si Ged kanina. Nakakainis. Kailangan bang ipagpilitan niya sarili niya sakin? Hindi pwede yun. Sana maintindihan niya na walang pwedeng mamagitan samin kasi may iba na akong mahal and si Jhoana yun.
If only I can tell him that para tigilan niya ako eh. Kaso bilin ni Jho na samin lang muna lahat. Ugh! Nakakastress ng sobra. He likes me kahit dati pa... parang stalker na rin ang dating niya sa part na yun. Geez. Nakakaloko siya ah.
Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko 'to kay Jho... baka kasi gumulo lalo ang lahat pag nalaman niya pa. Bahala na.