BEA.
Nakakainis.
Bakit ba hindi ko makontrol yung sarili ko? Yung mga salitang di dapat nalabas sa bibig ko, nasasabi ko pag kaharap ko na siya. Lalo na kapag seryoso na usapan namin. I'm really hoping lang talaga na hindi niya mahalata na I'm into her.
"What's your problem nanaman, Bea?" Tanong ni Kians. Nakipagkita ulit ako sa kanya since gusto ko ng makakausap.
"Busy ka ba today?" I asked.
"Hindi naman. In fact gusto rin kita makita."
"Bakit? Ikaw muna, what's your problem?"
Naupo naman siya sa harap ko nandito kasi kami sa starbucks eh. Si Jho? Hinatid ko siya sa dorm since nandun yung mga gamit niya. Maghahanda pa daw sila ni Jia dahil pupunta kaming bar mamayang gabi.
"Nag-away kami ni Marck eh." Malungkot na sabi niya. Kaya pala parang may something sa kanya today.
"Sino may kasalanan?"
"Ako. He's jealous kasi eh. Pero hindi na mahalaga kung sino may kasalanan diba? Gusto ko siya makausap but ayaw niya pa."
"Maybe you should give Marck some time."
"Nakasama ko kasi sa dinner yung pinagseselosan niya. Nag-promise pa naman ako na iiwas na ako dun. Pero malay ko ba diba? Di ko alam na kasama yung lalaking yon."
"Kaya pala eh. You promised. Kaya di dapat nag-p-promise if di kaya gawin."
Natawa naman siya. "Lalim hugot, Bey. Ano ba nangyari sa inyo ng bestfriend mo?"
"Wala naman. Pero Kianna, ang hirap na talaga. Lalo akong nahuhulog sa kanya tapos ewan ko, umaasa ako eh."
"Bakit? May nangyari ba na kaasa-asa?"
"Muntik na kami mag-kiss. Pero buti nakapagpigil ako."
Gulat na gulat naman siya tapos kinikilig pa. "OMG! Bey? For real? Grabe kinikilig ako! Bakit di mo tinuloy?"
Napangiti tuloy ako nung naalala ko yun. Pumikit talaga siya eh. Haha. Ibig sabihin nun, gusto niya diba?
"Baliw ka ba? Baka yun pa maging dahilan ng pag-iwas niya sakin."
"Sabagay. Pero pano naman nangyari na humantong kayo sa ganong eksena? Hmm?"
"Kdrama, Kians. Dahil dun. Nadala siya sa kissing scene dun. Tapos mas malala pa, nung malapit na mukha namin sa isa't isa.. pumikit siya. She freaking closed her eyes."
Napatakip naman siya sa bibig niya tapos hinampas pa ako. "Seryoso?!"
I nodded.
"So... gusto niya rin?"
"I don't know. Siguro?"
"Baliw ka, Bey! Totoo nga baka gusto niya? Kasi if ayaw niya di ba she'll push you away from her? Pero di siya gumawa ng ganun na move, pumikit pa. Geez. That's a sign!"
"What sign?"
"Na may chance." She said and winked at me.
"I don't think so, Kianna. Dapat ba na dun ako bumase?"
"Bey, pwede ng basehan yun. Try mo nga ilapit mukha mo sakin ng sobrang lapit close to kissing me tignan mo masasapak kita ng malala."
"Malamang. May boyfriend ka eh."
"Hindi lang yun. Because I'm straight, Bey."
"So what are you trying to say? Bi si Jho?" I asked.
"Who knows? Malay mo nasa closet pa siya, like you."
"Tsk. Ayoko umasa." Sabi ko na lang pero ang totoo nagdi-diwang na yung puso ko. Pano kaya kung may chance noh? Ugh.
"Sa ayaw at sa gusto mo, aasa ka. Di pwedeng hindi."
"Okay okay. Pero kailangan ko pa ng isang sign. Di pwedeng yun lang. Help me."
"Hmm.. try mo siya tanungin if okay lang sa kanya yung mga gxg relationships."
"Then?"
"Dun mo malalaman if may chance ka sa kanya."
"Wag na lang. Baka mali lang ako ng intindi eh."
Natawa naman siya. "Basta Bey di naman masama umasa, lalo na kung lahat ng ginagawa niya kaasa-asa."
I nodded.
"Nga pala, when will you come out? Sa family mo?" She asked.
Napailing ako. Hindi ko alam. I'm scared. I'm afraid. Ayoko sila ma-disappoint. Lalo na si Mommy. "Ayoko. Natatakot ako."
She smiled at me. "Basta always remember this, I'm always here for you. Kung di ka tatanggapin ng mga tao sa paligid mo. Ako as your constant bestfriend, tatanggapin ka ng buo."
Lumapit ako sa kanya and hugged her tight. "I love you, Kians. Thank you so much for everything."
"Basta Bey ha. Pag di na kaya itago, go lang. I got your back. Pag ginulo ka nila, rest ka lang, ako bahala." Sabi niya sabay pakita ng biceps niya. Psh.
"Siguro matatagalan pa bago mangyari na aminin ko sa lahat. Wala pa akong napapatunayan eh."
"Yun nga yun eh. Pag inamin mo, may napatunayan ka na. Napatunayan mo na matapang ka dahil hindi mo iniisip yung masasakit na salitang pwede nila sabihin sayo."
"Pero di ko pa talaga kaya, Kians. Mas okay na rin siguro na ikaw at ako lang nakakaalam. Kaya ko pa naman itago eh. Masaya rin ang secret life."
"I understand, Bey."
Nag-kwentuhan pa kami tapos hinatid ko lang siya sa UPTC kasi may imi-meet daw siya dun. Since malapit na mag-6:00 PM umuwi na ako para mag-ayos ng sarili ko dahil nga pupunta kami sa bar.
"Bea, aalis ka ba mamaya?" Tanong saakin ni Dad nung nakapasok ako sa bahay.
"Opo. Bar with friends."
"Wag ka masyado magpakalasing ha."
Natawa naman ako. "Dad, di ko alam if makakainom ako eh. Nandun si Jho, you know that girl naman."
"Good at nandun siya. Bantay sarado ka."
"Not that good, Dad. I won't be able to enjoy a night full of alcohols eh."
"Hay, di naman ako lasinggero. Kanino ka ba nag-mana?"
"Kay mom?" I joked.
"Nako, hanggang isang basong wine lang nga ang mommy mo. Ikaw ewan kung ilang bote eh."
"Dad, alam mo naman pantagal stress din yung alcohol."
"Baka in your point of view, magkaiba tayo anak. Ang nakakaalis lang ng stress ko eh yung kiss ng mommy mo." Natatawang sabi ni Dad.
Wew. Smooth but corny.
"Dad, you know what? Nakakasuka."
Inakbayan naman ako ni Daddy. "Ikaw na bata ka talaga napakabully mo. Kawawa yung magiging karelasyon mo pag nagkataon."
"Bakit naman kawawa, Dad? Eh de Leon na nga to oh."
"Hay nako. Pero di ako makahintay na dumating yung araw na inlove ka na anak." Nakangiting sabi ni Dad.
"Wala sa vocabulary ko yun, Dad."
I'm sorry Dad. But for now, I have to lie. I have to hide this.
"Alam ko ayaw mo lang sabihin. Pero swerte niya kung sino man siya." He said tapos tinapik ako sa balikat.
No, mas swerte ako kasi nakilala ko siya.
"You think swerte yung mamahalin ko, Dad? Bakit naman?"
Hinarap niya ako sa kanya. "Kasi you're beautiful inside and out. Maraming nakakakita nun." He smiled. "Including that someone you love."
Kinabahan naman ako. Pero I act cool. "Wala nga, Dad."
"Whatever you say, Bea. I'm your father alam ko kung inlove ka or hindi."
"Tss. Dad? Mas alam mo pa nararamdaman ko kaysa sakin?"
"Siguro?" Natatawang sabi niya. "Oh, biro lang wag mo seryosohin lahat. Sige na umakyat ka na dun."
Nakahinga naman ako ng maluwag. Wew. Dad talaga eh.
Kumain muna ako tapos umidlip saka nagprepare. After ko maligo, sinuot ko na yung black dress ko na pang-party. Nag-lagay din ako ng konting make-up. Lol. Sometimes I'm girly.
Mga 9:00 PM na kaya nagpaalam na ako kayna Dad and Mom. Tapos tinatadtad na ako ng text ni Jho at Jia. Mga excited eh.
Nakarating naman ako agad sa dorm tapos nasa labas na sila naga-abang.
"Napakatagal naman non, Beatriz!" Reklamo ni Jho.
"Nakakatunaw ng make-up!" Reklamo din ni Jia na ewan ko ba kung bakit nagyaya mag-bar eh nerd din yan like Jho. Nerd na kalog, kung meron mang ganun.
"Excited kayo masyado eh. Bakit ka ba nagyaya, Jia?" I asked.
"Maya na chika! Papasukin mo na kami sa car mong mamahalin!" -Jia
"Sure, pumasok ka na." Sabi ko tapos napatingin kay Jho.
Naka-dress din siya na itim medyo pareho kami. Napangiti ako nung nakita ko yung ayos niya, ang ganda niya.
"Tinitingin mo?"
"Wala, pangit mo." Sabi ko na lang tapos pumasok na sa kotse. Narinig ko pa yung pag-padyak niya. Lol. How cute.
"Jia paliwanag mo na." Sabi ni Jho.
"Ayun nga, nag-yaya ako kasi nandun din si Miguel and isa pa, sinabi ni Trey yun. Boy hunting daw kayo ni Jho."
Nagkatinginan kami ni Jho ng saglit. "Bakit pa?!" Tanong ko.
"Edi shing po. Ewan ko kay Trey. Kung ayaw mo boy hunting mag-alcohol hunting ka na lang Bea. Magaling ka dun eh."
"Asa! Di iinom yan!" Sabat ni Jho.
"Ito naman si gurl oh. Minsan lang uminom si Bea." Tama yan, Jia. Haha!
"Minsan nga pero yung minsan na yun nakakaloka siya alagaan."
"Edi wag mo alagaan!" -Jia
"Di pwede noh!"
"Iba din eh. Girlfriend lang gurl?" Pang-aasar ni Jia. "Palibhasa may shippers."
Natawa naman si Jho. "Hoy baliw ka! Dati ko pa naman inaalagaan si Beatriz."
"Ito naman kapre na to kailangan pa ba alagaan?" Tanong ni Jia sakin.
"Oo naman. de Leon na aalagaan mo aayaw ka pa?" Natatawang sabi ko.
"Manong para po! Aayaw na ako!" Sabi ni Jia.
"HAHAHA! Yabang mo, Beatriz!" -Jho
"Wag mo ako gawing driver, Ju!"
Nag-kwentuhan pa kami at kung ano-ano. Nalaman ko rin na halos kalahati ng team pala eh pupunta dun. Woah lang. Sure akong magiging masaya yun kahit na leche kasi may dalaw ako. Hays. Nakarating na kami agad sa bar. Tapos nauna ng pumasok si Jia kasi naghihintay daw sa labas si Miguel. Naiwan kami ni Jho sa parking lot.
"Ayoko mag-heels. Ang sakit sa paa." Reklamo ni Jho.
"Sino ba kasi nag-sabi sayo na mag-heels ka?"
"Si Jia. Pero ayoko na talaga ang sakit eh."
Kinuha ko sa likod yung flats ko tapos binigay sa kanya. "Gamitin mo muna."
"Buti na lang girl scout ka. Always ready!" Pang-aasar niya.
"Ako pa ba? Ano? Let's go?"
"Tera." Sabi niya tapos nag-lakad na kami papasok ng bar.
Naramdaman ko na lang na kumapit siya sa braso ko. "Ang daming tao naman."
"Of course. Bar eh."
"Plus ang ingay pa."
"Wag ka bibitaw sakin." Bulong ko.
Nag-lakad kami pareho tapos hinanap yung table namin nila Jia. Then Miguel waved at us kaya naman lumapit kami agad ni Jho.
"Yan na, Bea. Boy hunting na!" Pang-aasar ni Miguel.
Umirap ako. "Mapag-imbento lang talaga si Therese."
"Inom ka na lang madami Bey para maalis and bad vibes." -Miguel
"Sorry Miguel di siya pwede uminom ng alak eh." Biglang sabat ni Jho.
"Hay nako, ang OA talaga bes. Hayaan mo na, painumin mo naman kahit konti." -Jia
Tumingin ako kay Jho tapos parang nag-iisip siya. "Konti lang, Beatriz ha?"
YES!
Phew! Pumayag rin!
"Opo konti lang." Sabi ko.
Nakita naman niya sila Marge kaya sabi niya sakin mag-stay lang ako dito kayna Jia tapos lalapitan niya yung friends niya so okay lang. Sa wakas! Makakainom rin.
"Uhaw na uhaw na ah." Puna sakin ni Miguel. "Ngayon na lang ulit eh." Natatawang sabi ko.
Ang tagal naman ata ni Jho bumalik? Pero hinayaan ko na lang din kasi baka na-enjoy makipagkwentuhan eh. Ako rin naman nage-enjoy dito. Shems, alcohol is life.
"Beadel, ang dami mo na naiinom!" Puna ni Jia.
Medyo nahihilo na nga ako eh pero namiss ko lang talaga 'to. "
"Onti pa lang yon, Ju." Sabi ko sabay inom ulit.
"Nako teka tatawagin ko na nga si Jho baka mamaya mahirapan pa yun na alagaan ka eh."
"Wag mo guluhin yown. Baka nage-enjoy. Kinalimutan na ako." Sabi ko at tumawa ng malakas.
Shit. Umeepekto na yung dami ng alak na nainom ko. Sumasakit na ulo ko pati inaantok na ako agad ng malala. Maski si Miguel pinigilan ako uminom kaya sa inis ko pumunta na lang ako sa dance floor.
Tch. Di niyo ako mapipigilan sa gusto ko.
JHO.
"Bes yung alaga mo nakakarami na." Bulong sakin ni Jia kaya napatayo ako agad.
"Guys sorry wait lang ah? Hanapin ko muna alaga ko." Sabi ko tapos hinila na si Jia.
"Uyy teka bakit wala sa table niyo?" Takang tanong ko.
"Huh? Eh andyan lang yun kanina eh." Pati si Jia nagtaka na.
"Sige Jia ako na bahala. Text na lang kita pag nakita ko." Sabi ko sa kanya tapos humiwalay na ako.
Hay nako, de Leon. Asan ka ba? Naiinis ako sa sarili ko hindi ko siya nabantayan. May saltik pa naman yun pag nakakainom. Sana naman di pa ganun kalala epekto sa kanya ng alak. Naglakad-lakad pa ako sa buong bar. Tinignan ko yung dance floor pero wala siya dun. Nasan ba ang isang yun? Kinuha ko phone ko tapos tinadtad siya ng tawag. Pero wala eh. Nakakainis na talaga.
"Beatriz naman eh." Bulong ko sa sarili ko.
Hanggang sa may nakita ako sa sulok na table. Literal na napanganga ako kasi nandun si Beatriz umiinom pati nakikipagtawanan sa mga babae na hindi ko alam kung sino at hindi ko rin alam kung kaano-ano niya. Mga party girls din like Bea. Pero hindi ko gusto yung tingin nung babaeng katabi niya sa kanya. Naiinis ako. Bakit niya niyayakap si Beatriz? At ang loka, tuwang-tuwa pa. Ugh. Parang gusto ko kumuha ng kumukulong tubig at ibuhos sa kanila.
Lumapit ako agad sa kanila. Humanda ka sakin, Beatriz.
"Excuse me?" Nakangiting sabi ko sa kanila. "De Leon baka gusto mong sumama sakin?"
"Bae, who's that girl?" Tanong ng katabi niya.
"Bestfriend niya ako." Mataray na sabi ko.
"Jhow, later na.. I'm having fun here.." Sabi ni Beatriz sabay inom ulit.
Parang nabingi ako. Lalo akong nainis at pag ganitong naiinis ako, nakakagawa ako ng di magandang bagay. Kaya naman nahila ko paalis yung babae na katabi niya tapos sunod na hinatak si Beatriz.
"Uuwi na tayo." Inis na sabi ko.
"Pero I just met new friends..."
"Mas pipiliin mo ba sila kaysa sakin ha?" Inis na tanong ko.
Inakbayan naman niya ako. Ugh. Amoy alak!
"Of course not. I'll always choose you, Jho."
Hindi ko alam pero biglang bumilis t***k ng puso ko. At parang biglang ang hirap huminga. My gulay!
"Yun pala eh."
"Jho, I don't wanna go home. Let's stay here for awhile."
Napatingin ako sa orasan ko. What? Ambilis ng oras naman! 11:40 PM na!
"Lasing ka na nga gusto mo pa uminom?!"
"I'm not that lasing ha. And isa pa, wala naman ako sinabi na inom pa ako. Sabi ko let's just stay here for awhile."
"At bakit naman?"
Hindi siya sumagot tapos hinawakan lang yung kamay ko and pumunta kami sa dance floor.
"Beatriz ano ba? Hindi ako marunong sumayaw!"
Kasi naman upbeat pa yung music. Ano alam ko naman dun? Papagurin ko sarili ko kakatalon? Wag na! Pagod na nga ko kakatalon sa training pati ba dito?
"Beatriz ano ba ginagawa natin dito? Mukha tayong timang eh!"
Kasi naman lahat sumasayaw pero kami nakatayo lang dito tapos hawak niya lang kamay ko. Odiba? Ang weird namin. Maya-maya pa lalong namatay yung mga ilaw. Pero may konting liwanag na lang. Ang dilim!
"Beatriz wag mo ako bibitawan ha!"
Nagulat na lang ako nung bigla niya ako hinarap sa kanya tapos nilagay niya sa bewang ko yung kamay niya. Kasabay nun yung biglang naging slow yung kanta.
Keep me sane in your arms tonight
Hold me close that I might not fall
But I know that we might be destined for life
A tragic flaw of mine... Is running away
Nag-sway kami pareho. Kaya pala niya sinabi na mag-stay kami dito dahil gusto niya ako isayaw. Hindi ko alam kung ano dapat ire-react ko pero ang komportable. Sobra.
Remember those nights, we stayed up just laughing on the phone
Remember that time you said that "I would never let you go"
Remember that time when I said that we could never ever be
But I know it's a lie because deep down inside
Ang weird pero kahit ang dilim, nakikita ko pa rin yung glow sa mga mata niya. Yung parang ang saya-saya niya. Parang may sparks.
Is a coward hiding underneath all the silly games I play
With the batting of lashes and all the charming things I say
I'm an addict to the fact that I could lure you in with just a c***k of a
Smile But with you I might want to stay a while
Naramdaman ko na lang na mas lalo siyang lumapit sakin plus naaamoy ko yung nakakairitang amoy ng alak sa kanya. "Beatriz ano ba? Ang baho kaya!" Reklamo ko.
"I really don't know ba't ikaw pa." Sabi niya.
"Huh? Anong ako? Inaano ba kita ha?" Ang g**o neto!
"Wala, wala ka naman ginawa pero bakit kaya?"
"Alam mo lasing ka na eh. Dapat sayo pinapatulog na kung ano-ano sinasabi mo dyan."
Natawa naman siya. "Hug me, Jho."
Nanlaki naman mata ko sa sinabi niya. Ewan ko kung bakit ganun naging reaksyon ko eh normal lang naman samin na niyayakap ko siya and vice versa. Normal lang naman yun samin eh, yung sabihin niya na yakapin ko siya. Pero bakit ngayon parang may something na hindi ko ma-explain? Nahihiya ako? Siguro dahil lasing siya. Haha!
"Huy, yakapin mo ko." Sabi niya ulit.
"Teka lang ha? Bigla-bigla ka eh." At gaya ng sinabi niya, niyakap ko siya.
Niyakap niya rin naman ako pabalik, ni-rest niya pa ulo niya sa dibdib ko.
"Ano to? Matutulog ka na agad? Wala naman iwanan beh." Sabi ko habang pilit siya na tinutulak.
"Daldal eh. Don't move, I'm listening to your heartbeat." WHAT THE?!?!
"Hoy!! Bakit?!"
"Ang bilis eh." Natatawang sabi niya pa kaya naman natulak ko siya so ayun napaatras siya ng konti.
"Ba't ka nanunulak?" Tanong niya pa.
"Pake mo ba sa heartbeat ko? Nako, Beatriz. Isang-isa ka na lang sakin."
"HAHAHA! Sorry na. Ang pikon mo eh."
"Tch. Wag mo na nga ulitin yon!"
"Bakit?"
"Nakakahiya kasi."
Inakbayan naman niya ako. "Let's go."
Tignan mo isang 'to. Parang walang paki sa sinabi ko eh. Kainis. Tinext ko na lang si Jia tapos sinabi ko na uwi na kami ni Beatriz. Wala na naman siya nagawa, gusto niya rin umuwi na kaso kakwentuhan niya pa daw sila ate Ella. Sayang! Ito kasing lasinggera na to eh. Ang hirap iwan.
"Kaya mo ba mag-drive ha?" Tanong ko.
"Oo naman. Ako pa."
"Lasing ka na eh."
"Hindi pa ako gaano lasing, Jho."
"Eh bakit nag-yaya ka na umuwi? Ikaw ba yan Beatriz? Baka ibang tao ka ah. Nakakapanibago naman yun!"
Nakakuha pa tuloy ako ng batok mula sa kanya. "Sira. Late na eh."
Napairap na lang ako. "Late daw pero ikaw nga umuuwi minsan ng 3:00 AM."
"Iba naman yun."
"At paano naging iba ha?"
"Syempre kasama kita kaya maaga tayo uuwi." Sabi niya tapos pumasok sa kotse niya.
Hala? Kanina lang ang sweet? Abnormal talaga! Pumasok na rin ako sa loob ng car niya. Nakatingin siya sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Problema mo?"
Huminga siya ng malalim tapos umiling then nag-drive na. Ang weird ha. Pasimple kong tinignan sa salamin yung mukha ko, baka kasi may dumi or what tapos nahihiya lang siya sabihin sakin. Pero wala naman kaya nakakaloka.
"Beatriz ang weird mo pa nga."
"Huh? B-bakit?"
"Paiba-iba ka ng mood. Naiintindihan ko naman na meron ka ngayon kaya ganyan pero bakit parang iba?"
"Parang iba?"
"Oo. Kanina may pa hug me ka pa dyan tapos ngayon ang sungit na ewan. Tapos titignan mo pa ako ng seryoso tapos iiling ka lang bigla. Yung totoo?"
Natawa naman siya. "Di ko kasi alam kung paano sasabihin eh."
"Ang alin nanaman?"
"Basta."
"Ehhhhhhh. Beadel naman eh? Ano yun?"
"Ang hirap nga sabihin."
Umirap na lang ako. Bahala siya. "Edi wag."
Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa nakarating sa bahay nila. Buti nga safe pa kami nakarating kasi nararamdaman ko na pasulyap-sulyap sakin yung kapre. Tss. Akala naman niya titignan ko siya. Asa.
"Uy, Jho!" Tawag niya.
Buti na lang talaga at sinalubong kami ni Tito Elmer. Kaya nag-mano muna ako sa kanya tapos pinadiretso na niya ako sa kwarto ni Bea para daw makapahinga ako kasi late na. Si Bea tinatawag ako pero di ko nililingon. Bahala siya.
"Aish, ang awkward naman nun. Di kami nag-papansinan pero dito ako makikitulog sa kanila? Sino chichikahin ko? Yung katulong nila?" Bulong ko sa sarili ko.
Sana kasi sa dorm na lang ako nagpahatid eh. Pero asa naman na papapasukin pa kami dun. Wew. Bigla naman may kumatok sa kwarto tapos si Tito Elmer pala.
"Jho inaantok na ako paki-samahan naman si Bea sa baba, kumakain pa eh. Ikaw, kumain ka rin dun baka gutom ka."
Nag-nod naman ako. "Sige po tito, sunod na lang ako. Goodnight po."
"Salamat nak. Goodnight din." Tapos umalis na siya sa kwarto.
Seryoso? Kumakain? Anong oras na kaya! Mahirap matunawan pag ganitong oras! Bumaba na ako tapos nakita siya sa kitchen na kumakain mag-isa. Nakita niya ako.
"Eat with me." Yaya niya.
"No thanks. Parang kulang pa sayo."
"Come here, subuan na lang kita." Sabi niya pa.
Nadi-distract ako sa tingin niya, sa mata niya kasi namumula. Halatang nakainom eh.
"Ano ako baby? Kaya ko naman."
"Baby ko." Nang-aasar na sabi niya. Tsk. Lasing.
"Kumain ka na lang nga dyan." Sabi ko tapos kumuha ng sarili kong plato. Dapat di ako kakain, dapat diet ako. Pero nakakatakam eh.
"Galit ka pa rin?" Tanong niya habang nakatitig sakin. Maling pwesto ata ginawa ko. Seryoso ba na pinili ko maupo sa harap niya? Ang awkward tuloy!
"Hindi ako galit."
"Eh ano pala?"
"Inis ako sayo." Sabay irap ko and kain. Tama, Jho. Wag mo pansinin yan. Hindi siya nag-salita pero nagce-cellphone. Bahala siya. Kainis. Inubos ko na lang pagkain ko tapos nilagay na agad sa sink. Sumunod rin si Bea tapos iniwan lang sa lababo yung pinagkainan niya.
"Pakihugasan naman." Nang-aasar na sabi niya. Leche!
"Tamad." Sabi ko habang hinuhugasan pinagkainan namin.
"Oo sa sobrang tamad ko inaantok na ako. Tapos sa sobrang tamad ko din di na ako makakapunta sa kwarto para mahiga sa kama. Pwede dito na lang?" Sabi niya tapos bigla ba naman nag-backhug sakin. Pinatong pa ulo niya sa balikat ko.
"Beatriz!" Kasi naman eh! Busy ako!
"Sorry na, Jho. Sige, sasabihin ko na sayo yung kanina ko pa iniisip na ang hirap sabihin."
"Mamaya na, naghuhugas nga ako dito."
"Sobrang ganda mo sa ayos mo ngayon." Bulong niya sakin.
Leche? Leche. Sobrang leche. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa dapat inis pa ako eh tapos kahit may bula pa yung kamay ko nabatukan ko siya.
"Siraulo! Yun na yon?!"
Napakamot naman siya sa ulo niya. "Oo. Ayaw ko sabihin kasi sure akong lalaki ulo mo."
First time niya ako sinabihan nun. Nakakaloka kasi ang saya lang. Lahat talaga ng first time masaya noh? Hahaha!
"Bwisit ka, alam mo yun?" Sabi ko.
"Ininis mo pa ako, yun lang pala. Alam ko naman yun!"
Umirap naman siya. "See? Kaya ayoko sabihin eh."
And simple as that. Okay na ulit kami. Ang weird lang talaga. Iba talaga pag lasing, nagsasabi ng totoo. Siguro okay lang din na malasing si Bea para may marinig pa ako sa kanya na mga salitang tinatago niya lang sa kanya. Hahaha! Ngayon alam ko na gagawin pag di siya nagsabi sakin ng totoo, lalasingin ko. Lol. Bad pero masaya ako ngayon. Lakas kasi ng topak ng bestfriend ko eh.