Chapter 19 ALiNA KATE POV NAISIPAN KUNG DALHAN NG pagkain ang lalaking tagalinis ni tito Conrad sa manukan niya dahil may pagkain pa naman sa kusina. Kape lang kasi ang kinuha siya kanina. Pumunta ako sa likod bahay saka pinuntahan ang lalake na abala sa paglilinis ng manukan. Ang daming manok, ganito kaadik sa manok si tito Conrad kaya hindi na nakapag-asawa. " Uy! Para sakin ba 'yan?" Tangang tanong niya sakin. " Hindi akin 'to, natural sayo." Inis ko naman saad sa kanya. Para kasing tanga 'yung tanong niya. " Ito naman ang sungit mo. Aga aga masisira ang beauty mo niyan." Wika naman niya sakin na may ngiti sa labi. Umirap lang ako sa kanya. " Ito, kainin mo. Sayang naman kung itatapon lang." " Grabe ka naman, tirang pagkain ibibigay mo sakin?" Pa chusi na tanong niya sakin. " A

