Chapter 35 CONRADO DE VERA POV KANINA PA AKO NAKATINGIN sa orasan dito sa may sala's at wala parin hanggang ngayun ang dalaga. Dapat ganitong oras ay nandito na siya sa bahay ngunit wala parin siya. " Mukhang kasama na naman niya ang lalaking 'yun." Inis na bulong ko sa sarili habang nakakuyom ang aking mga kamay. Naiinis ako kapag may kasamang lalake ang dalaga na hindi ko naman dapat maramdaman. Ayaw ko siyang nakikitang may nangliligaw na sa kanya. Sabagay, maganda naman kasi si Alina Kate dahilan para maraming magkagusto. Kahit ako ay naaakit sa ganda at alindog ng batang 'yun pero hindi ko dapat iyon maramdaman kahit may nangyare na samin. Ayaw kung isipin niyang sinasamantala ko siya dahil pinatira ko siya sa bahay ko. At kaya ko siya pinatira sa bahay dahil nagmamalasakit lang

