Chapter 56 TITO CONRAD POV. PAGDATING SA LUGAR NAMIN ay mabilis kung binuksan ang gate at binati ako ng mga tambay saka pinasok ang motor ko sa garahe. Wala ng tsismosa sa labas at puro mga tambay na lang. Puro mga kabataan ang mga tumatambay sa labas ng gate ko. Walang problema na tumambay sila,basta wag lang sila maingay. Hindi rin ako nangangamba na baka pagtripan ako nila dahil kilala ako sa lugar na ito. Tahimik lang ako pero kilala nila ako kung paano ako magalit. At nirerespeto ako ng mga ka lugar ko kaya walang gumagalaw sakin dito. Nang makapasok at mai-garahe ang motor ko ay pumunta ako sa bahay saka binuksan ko ang lock ng pintuan ng bahay. Palagi kung pinapaalalahan si Alina na palagi niyang i-lock ang pintuan at wag kaligtaan. Then tinulak ko ang pintuan pabukas at bumunga

